Gusto mo nang pagbabago? Bakit hindi mo simulan?
Wag kang maging isang Dinosaur!!
Naniniwala ka bang hanggang ngayon ay meron pa ring Dinosaur?
Naniniwala ka bang buhay pa sila hanggang ngayon?
Base sa mga scientist nabuhay ang mga Dinosaur noong 243 million years ago at ngayon isa na lang silang history sa ating mundo.
Yes! Dinosaurs died out! And Mammals dis not!
Ano ang pagkakaiba nila?
Ang Dinosaurs ay hindi nakasabay sa pagbabago para makasurvive sa ating mundo.
Pero alam mo bang mayroong Dinosaurs pa rin hanggang ngayon?
Sila yong mga taong Utak Dinosaur na hindi kayang mabago o sundin ang gusto nila.
Gusto nila ng pagbabago pero hindi naman nila ginagawa. Ang ginagawa nila ay ang mag reklamo sa mundo at sa sarili nila, at isisi ang mga maling nagawa sa ibang tao.
Ito ang Utak Dinosaur na hanggang ngayon ay hindi mamatay matay.
Kung tinatanong mo ngayon kung paano mo ba magagawang mabago ang buhay mo at simulan ang mga gusto mo sa buhay?
BE POSITIVE
I know madalas mo na tong naririnig. Specially if you follow me on facebook. Lagi ko tong sinasabi sa mga quotes ko.
Sabi nga ni Mr. Chink Positive (Chinkee Tan)
“Being positive is not a state of what you feel but it is a decision that you should make. You don’t wait until such time you are positively sure na mag-work siya before you start something. Sometimes you just need to take calculated risk, kahit alam mo na pwede siya mag-fail pero you need to be positive that things will work out.”
If it does not, dapat positive pa rin tayo sa mga matututunan natin sa ating mga pagkakamali at matutong mag adjust.
BE PRO-ACTIVE, NOT REACTIVE
Kagaya ni Juan Tamad, wag nating hayaang hintaying mahulog sa atin ang mga gusto natin. Kaylangan nating kunin, gumawa tayo ng paraan para may mangyari. Walang ibang kukuha ng mga gusto mo sa buhay kundi ikaw lamang. Kung hindi tayo kikilos walang mangyayari kaylangan mong umakyat sa puno at pitasin ang prutas para matikman mo sya.
JUST DO IT
“Knowing one thing is a good start but doing something about it as another thing.”
Balewala ang knowledge na meron tayo kung hindi natin gagamitin. Kahit gaano kaganda ang mga gusto nating marating, kahit gaano kabongga ang mga pangarap natin kung hindi ka kikilos balewala ang mga ito. So let us not make excuses, let us not waiver, let us not procrastinate, let’s just do it. NOW.
Kung gusto nating makuha ang mga pangarap natin, don’t be a Dinosaur!
At kung isa ka sa mga gustong mabago ang buhay pero hindi mo alam kung ano ang dapat mong simulan.
Ang kaylangan mo lang gawin ay mag comment ng I NEED TO TAKE ACTION at ibibigay ko sayo ang isang bunos na pwedeng makatulong sayo.