Nakakapagod ba mangarap hindi naman natutupad?
Noong bata pa tayo kapag tinanong tayo,
“Ano pangarap mo?”, sasabihin natin “maging isang prinsesa o prinsepe at magkaroon ng malawag na lupain.”
Nong nag aral na tayo madalas na nating sinasabi gusto kong maging “Teacher”, “Engineer”, “Lawyer”. Nakakalimutan na natin yong pangarap natin nong bata pa tayo.
E, Pano, napaka imposible kasing mangyare.
Noon may nakausap ako at nagtanong ako kung ano pangarap nya, tumawa na lang sya. Wala sya naisagot sakin.
Minsan ang hirap sagotin na ng tanong na yan, lalo na kung di na natin alam kung paano makukuha ang mga pangarap natin.
Hanggang pangarap na lang ba?
Meron bang pangarap na makukuha mo agad-agad?
Wala naman diba?
Tanongin lang kita, ano ba pangarap mo? Ano ba gusto mo marating?
Papayag ka ba na hanggang dyan kana lang sa kinatatayuan mo?
Siguro ang sasabihin mo “Hindi” kung ikaw yong taong pursigidong maabot ang pangarap.
At “Oo” naman ang sasagutin mo kung wala kang lakas ng loob para abutin yon.
Bago mo alamin kung ano pangarap mo alamin mo muna kung ano ba ang gusto mo sa buhay.
Sunod na gagawin? TAKE MASSIVE ACTION to get your dreams to come true.
Pero hindi ganun kadali yan dahil maraming pagsubok ang sasalubong habang kinukuha mo yon.
Ang kaylangan mo ay Persistence para makuha ito.
At syempre wag mong kalimutang dapat Consistence ka sa ginagawa mo at Patient ka kung ano man ang nabili mong maabot.
Wag mong kalimutan na sarili lang natin ang kukuha ng mga pangarap natin sa buhay.
‘Till Next Post