If it is too challenging to become wealthy, it is more challenging to become poor. – Chinkee Tan
Maraming mga tao ang punong puno ng mga dahilan kung bakit sila mahirap, kung bakit sila maraming utang at kung bakit sila hindi makapag simula ng business. Katulad,
“Wala akong puhunan.”
“walang magandang opportunity o walang dumarating na opportunity.”
“Wala akong pinag-araan o hindi ako nakatapos nang pag-aaral.”
“Wala akong kakilalang marunong mag negosyo.”
Marami tayong dahilan kung bakit hindi tayo successful sa buhay.
At the end of the day, mayroon lang tayong siguradong kailangan gawin sa buhay natin, either we make money or we make excuses. Pumili ka sa dalawa.
If you choose to make money, kailangan nating malaman na ang kakulangan sa pera, opportunity, education at connection ay hindi ang pinkaproblema para maging successful tayo. It is lack of KNOWLEDGE!
Ano ang solusyon?
Kailangan mong magkaroon ng bagong kaalaman about how to become wealthy, how to become successful in business or kung paano ka magiging isang matalinong entrepreneur.