Naalala ko dati nong may gustong gusto akong sapatos. Nagkakahalaga yon ng P4,660.
Dahil gustong gusto ko nagtipid talaga ako para mabili ko lang yong sapatos na yon. Hindi muna ako sumama sa mga gala at nagbaon na lang ako para hind na gumastos ng lunch.
Pagkatapos ng isang buwan tuwang-tuwa ako dahil meron na akong pera pambili ng sapatos na yon.
Very excited talaga at agad ako pumunta sa lugar kung saan ko nakita ang sapatos na yon.
Pero bago ako dumating don meron akong intersection na dadaanan. Kahit saan naman ako dumaan, ang kalalabasan ko ay yong store kung saan ko nakita yong gusto kong sapatos.
Sa kanan halos walang dumadaan kasi ang madadaanan don ay mga bahay pero dito sa kaliwa puro tindaan ang madadaanan. Para ngang festival sa ganda ng lugar na yon at halos marami ang dumadaan.
Nakakatuwa!
So, sabi ko ang aga pa naman dito muna ako dadaan sa kaliwa para makapag tingin-tingin na rin.
Tumingin-tingin ako sa bawat store at nagulat ako kasi ang mumura ng mga bilihin. Nakakaingganyo talagang bumuli pero naisip ko may bibilhn akong sapatos.
Sa paglakad lakad ko may nakita akong damit ang mura lang P100, e, ang pera ko naman ay P5,000, so, binili ko na kasi sobra naman ang pera ko saka magadang klase yong damit na yon.
Sa paglakad-lakad ko ulit nakakita ako ng bag kaso ang problema, yong bag nagkakahalaga ng P500, kapag binili ko to kukulangin na ako pambili ng sapatos. Pero P500 lang yun, kung sa mall yon siguro nagkahalaga yon ng P2,000 to P3,000.
So, nag isip ako, marami akong mabibili dito kaya napag desisyonan ko na saka na lang ako bibili nong gusto kong sapatos.
Marami akong nabili at tuwang tuwa talaga ako.
Pagkarating ko sa bahay, nagulat ako kasi yong sapatus ko nasira na sa tagal ng paglalakad ko.
Nakita ko yong bag sa kwarto, kabibili ko lang pala ng bagong bag. At halos na pinamili ko meron na ako at yong iba hindi ko naman talaga masyado kaylangan. Naingganyo lang ako kasi ang mura ng mga bilihin pero yong pinaka kaylangan ko at pinaka gusto ko hindi ko nabili.
Katulad ng kwento ko,
Madalas tayong mga tao may gusto tayong marating sa buhay pero hindi natin marating dahil maraming distraction sa mga dadaanan natin. Mare-realize lang natin na nagkamali tayo sa pagpili kung anong dadaanan natin kapag nakita natin yong pinaka kaylangan natin sa buhay. Ang masakit pa dito, malalaman natin yon, kung kaylan matanda na tayo at hindi na natin kayang baguhin ang mga pagkakamali natin dahil kulang na tayo sa oras.
At madalas kapag nagkamali na tayo hirap na hirap tayong bumalik para ayusin ang pagkakamali at makitang maging matagumpay tayo.
Isa pang personality ng isang tao ay yong mag pa attract sa mga distraction. Mas ginugusto nating pumasok sa mga bagay na hindi naman makakatulong sa mga goal natin kaya naman mas madali tayong makaramdam ng negative at mademotivate cause ng pag quit sa mga pangarap natin o gusto natin sa buhay.
Kung isa ka sa nakakaranas nito, kaylangan mong pumili ng isang daan kung saan mas less ang distraction para makuha mo ang gusto mo sa buhay.
Makisama ka sa mga taong same ng goal mo at mga taong action taker. Dahil makakatulong ito para maattract mo ang positive energy at mindset na meron sila. Maiiwasan mo rin ang manegative at mademotivate.
Kung gusto mong makuha ang mga pangarap mo pumili ka ng lugar at daan kung saan mas madali mong maaot at makuha ang goal mo sa buhay.
Fell and Think
- Anong mga bagay ang masasabi mong nagkamali ka ng pagpili?
- Paano mo ito hinaharap ngayon?
- May mga bagay ka bang ginagawa para mabago ito?