How To Generate More Traffic To Your Offer?

February 9, 2017
neilyanto

Ang hirap isipin diba kung saan ka mag aadjust.

Dalawa lang naman siguro ang dahilan kung bakit walang pumapansin ng offer mo at hindi mo pa nagagawang magkaroon ng results.

Una, hindi pa marami ang nakakakita ng offer mo at pangalawa hindi targeted people ang nakakakita ng offer mo.

Paano mo magagawang maraming makakakita ng offer mo at paano mo magagawang puro targeted people lang ang makakakita nito?

In our industry ang unang unang kaylangan mong malaman o gawin ay mag produce ng traffic.

Ano ba itong traffic na ito?

Ang “traffic” ay ang mga taong makakakita ng offer at product mo.

Meron tayong 2 Source of Traffic,

1. Organic Traffic or Free Advertising Traffic
2. Paid Traffic

Pag usapan natin yong una ang Organic traffic or Free traffic.

Saan ka ba pwedeng makakuha ng free traffic?

1. Social Media
Isa sa mga tambayan ng tao ngayon ang social media specially on Facebook, Instagram and twitter. Kaya naman isa sa pinaka magandang site para sa free promotion ay ang mga site na ito.

Pero meron din itong disadvantage,

a. not targeted ang halos lahat ng nakakakita sa product o pino-promote mo.
b. Hindi mo hawak ang website kasi any time pwede kang i-ban o i-report ng mga tao.

2. Video marketing
Best free traffic na mas marami ang conversion rate ay ang video marketing at ang nangunguna dyan ang ang youtube. Pero isa rin sa magandang gamitin ngayon ay ang Facebook live.

3. Searching Engine (SEO)
One of the best free traffic na ginagamit ng mga online marketer lalo na yong mga successful entrepreneur at blogger ay itong SEO o Searching Engine Optimizer. Ito yong tinatawag na unpaid web search results o organic traffic results once na nag search ka sa google, bing or yahoo. Ito yong pinaka mahirap na strategy sa free traffic dahil sa maraming magagaling na blogger sa buong mundo. Pero once na malaman mo ang sekreto kung paano gawin ang ganitong strategy, ang very advantage na pwedeng maging results mo dito ay ang tinatawag na “Targeted Prospect”.

Ang lahat ng makakakita sa offer o sa blog mo ay ang mga tamang tao. Kung baka mas madali mo nang macoconvert as a buyer yong taong makakakita ng offer na pinopromote mo.

Pag-usapan natin ngayon ang tinatawag na Paid Traffic at gaano ba ito kaganda.

Kung bago ka pa lang sa online business, affiliate marketing, online network marketing or any business na gumagamit ka ng online, this strategy ay masasabi kong best gamitin to generate traffic and leads.

Unang una, targeted prospect ang mga pwede mong makuha dito.
Pangawala, less rejection madalas pa nga wala pa.
Pangatlo, pwede mong masala kung sino lang ang pwedeng makakita ng offer or products mo.

Saan site kaba pwedeng gumawa ng paid traffic or paid advertising traffic.

1. Facebook Ads
Ito yong pinaka paburito kong gamitin dahil maliban sa maraming tumatambay sa facebook hindi sya mahigpit kumpara sa mga ibang paid ads.

2. Twitter Ads
Kung ang target market mo ay mga foreigner o mga ibang lahi. Ito yong best gamitin dahil dito madalas sila nakatambay sa twitter hindi sa facebook.

3. Instagram Ads
Ito ngayon yong lumalaking social site na nakikita ko in the next year mag boboom sya katulad ng facebook. Kung mahilig kang mag picture or gumawa ng sarili mong image best gamitin ang Instagram ads. Marami kasing ads sa facebook na hindi approved lalo na kung pure text ang image pero dito sa Instagram malaya mong syang magagawa.

4. LinkedIn Business
Dito naman sa LinkedIn kung ang target market mo ay mga professional na tao ito ang best gamitin para sa business advertising ads mo. Pero ang disadvantage lang nito medyo malaki ang kaylangan mong ibudget para sa LinkedIn Business dahil subscription sya.

5. Goggle Adword
Kung meron ka namang blog at landing page. Kung gusto mo na targeted at siguradong bibili ng product mo ito ang best advertising ads na para sayo. Saan ba pumupunta ang mga sure buyer? Saan ba naghahanap ng mga product ang mga tao? Saan? Sa GOGGLE.

6. Youtube Advertising Ads
Kung isa ka naman sa mahilig gumawa ng video or mag shoot ng video. Youtube advertising ads ang the best mong gamitin dahil pangalawang tambayan ng tao ay ang manuod ng “VIDEO”. Kaya naman top 2 ang Youtube sa most view site sa buong mundo. Kung Video marketing ang pag uusapan, youtube is the best paid advertising in video.

Ayan! Sana marami kang natutunan dito about how to generate traffic in your business, offer or in your products.

I wish na kahit isa dyan iapply mo para mas maraming makakita ng product na inooffer mo kasi naniniwala ako na mas maraming makakakita mas mapapadali ang sales mo.

Leave a Reply

Back to Archive

About Author

NEIL YANTO
Neil Yanto is a Video Creator and Online Entrepreneur. He helps Filipino Marketers and Online Entrepreneurs how to grow their marketing business from scratch across multiple marketing channels. READ MORE

Popular Post

November 28, 2024
Major Red Flag: ₱2.5B Capital Gap and Crypto Deficits Uncovered at Licensed Philippine Exchange

The Philippine crypto scene is facing scrutiny after a financial audit exposed significant issues at a licensed cryptocurrency exchange. The audit highlights a troubling ₱2.5 billion capital gap and deficits in reserves of XRP and other cryptocurrencies. These findings raise concerns about the stability and reliability of local crypto exchanges, emphasizing the need for stricter […]

Read More
October 19, 2016
Content Marketing vs Traditional Marketing

  “Traditional marketing is telling the world you’re a rock star, content marketing is showing the world that you are one.” – Robert Rose   Nalaman ko ang dalawang strategies kung saan client feel “I need they help” or “They need my help”.   Ito ang tinatawag na “Content Marketing vs Traditional Marketing”   Kung […]

Read More
November 6, 2016
How to overcome Negative Thinking?

Quotes: “Once you replace negative thoughts with positive ones, you’ll start having positive results.” Mas madalas mo bang naiisip ang mga diffifulties, failure and disaster? Mas naiisip mo ba ang mga negative na napapanuod, nababasa at napapakinggan mo? Nakikita mo ba ang sarili mo na nahihirapan at walang kakayahan na mabago ang buhay? Madalas mo […]

Read More
Copyright © 2016 - 2024
Neil Yanto Blog
FOLLOW US

About me

Hello! I'm Neil Yanto, I'm a Registered Master Electrician. I’ve been working for almost 6 years in Engineering Industry before I went to Online Marketing. I started making blogs because I want to help my fellow citizens as well as share my ideas and knowledge about Online Business. I believe online business is a business of the future. Read More

Important

About MePrivacy PolicyTerms and ConditionsEarning DisclaimerLogin

Contact Us

Email: info@neilyanto.com
Neil Yanto Official Website™