Marami sa buhay na dumaan sa atin na ang reality ay hindi tugma sa mga ini-expect natin. Naalala ko dati noong nasa elementary level pa lang ako, noong simula kong mag-aral na mag play ng guitara. Ang expectation ko ay madali ko itong matututunan at makakapag play agad ako ng magagadang kanta.
Then the reality, na-stuck ako na pag-aralan ng mga chords na mahihirap dahil hindi pa kaya ng mga daliri ko. Ilang buwan ko ring pinag-aralan yon para magawa kong makapag play ng isang kanta, pero nag quit na rin ako na mas matuto pa.
Noong high school naman ako naalala ko na na sumali ako sa C.A.T. (Citizen Army Training) at maging isang officer dahil idol ko dati ang father ko na isang retired Marines. My expectation noong ay hahawak ako ng isang grupo na papamunuan ko, makikilala ako at irerespeto. But the reality is nag quit ako maging isang C.A.T. officer dahil ayaw kong sumusunod ako sa mga utos na ayaw kong gawin. Naging mahirap para sakin yon.
Noong nakapasa naman ako sa board exam as Registered Master Electrician, my expectation ay magkakaroon ako ng safe, secured job na mayroong magandang benefits at magkaroon ng balanse sa aking trabaho at sa aking buhay. Then, reality hit. Dahil kailangan kong mag trabaho ng mas mataas sa walong oras sa isang araw para lang kumita ng malaki, hindi ko rin nagagawa ang mga bagay na gusto kong gawin at hindi rin ako makapag-ipon.
What If I Hadn’t Quit?
I’m sure na mayroon ka ding sariling kwento na nangyari sayo na ang reality ay hindi tugma sa ini-expect mo. At sa mga oras na yon, may dalawang bagay lang tayong kailangang gawin.. either na magpatuloy tayo o mag quit tayo.
Paano kung hindi ako nag Quit na mag-aral mag play ng guitara? Siguro isa na ako sa magaling mag play ng guitara ngayon or isa na siguro akong guitar musician. Kung hindi ako nag Quit sa C.A.T., baka isa na rin akong sundalo ngayon at tinutupad ang isa sa pangarap ko dati at pangarap din ng father ko na may sumunod sa yapak nya.
Ang punto dito ay kung sino sa atin ang may kakayanan na mag decide na magpatuloy na gawin ang isang bagay ay ang mas madaling makakakuha ng skills at mga achievements na hindi nagagawa ng karamihan. Ang Network Marketing ay walang pinagkaiba dito. Kapag nagsimula ka sa ganitong negosyo kailangan na hindi ka mag-expect na mapabilis ang iyong results o kumita ng mas malaki.
So, wag kang gumawa ng mga goals na hindi attainable, kailangan lang ay ang level of commitment at hard work na karamihan ng tao ay ito ang sina-sacrifice. Pero ito ay walang pinagkaiba sa kahit anong bagay na pinili natin. Sa tingin ko lahat naman ay may kakayanan na ma-achieve ang kanilang gusto kung pipilitin natin na makuha ito.
What’s Your Passion?
Halimbawa, isang basketball fanatic… Alam nya ang stats ng bawat player sa bawat team, nakikinig sya sa bawat galaw ng bawat team at ina-analyze nya ang bawat laro, alam nya lahat ng bawat offensive and defensive plays, hindi nya pinapalagpas ang bawat laro kahit previous o post game man yan. At alam nya ang bawat maliliit na detalye tungkol sa lahat ng bagay pag dating sa basketball.
That takes dedication. Imagine na kung parehong tao ang nagbigay ng parehong halaga ng work at passion sa kahit anong bagay… Isang new college degree, natutong mag trade ng stock, natuto sa real estate investment at sa network marketing. Siguro mawawala na ang doubt mo na ang isang tao ay magiging successful na hindi nakukuha ng karamihan.
What’s Your Decision?
Sa Affiliate marketing, kailangan nating gumawa ng desisyon kapag nakita mo na ang reality. Kapag na-realize mo na magiging mahirap ang gagawin mo kaysa sa ini-expect mo. Kailangan nating mag decide kung magbibigay tayo ng time at effort o pipiliin natin na mag quit?
Lahat ng tao ay gustong makuha ang mas nabilis at mas magandang resulta, pero iilan lang ang willing na magbigay ng hardwork para makuha ito. Pero kung willing kang gumawa ng action at effort na hindi willing ang karamihan, makukuha mo ang gusto mong makuha para sa sarili mo na hindi kayang kunin ng iba.
So, kung hindi mo pa nakukuha ang results o achievements na ini-expect mo dito sa Network Marketing Business, ang tanong na kailangan mong sagutin ay: Ano ang desisyon mo? Magku-quit ka ba, o mag de-decide kang magbigay ng hard work na hindi naibibigay ng karamihan?
Ready To Get To Work?
Kung willing kang gumawa ng ng Action ngayon na hindi nagagawa ng karamihan, this Video Training is For You.
I hope may nakuha kang useful information in this post.