The Best Time to Take Action

February 22, 2017
No Comments
neilyanto

Sinubukan mo bang balikan yong buwan at taon na nakalipas at sinabi mo sa sarili mo?. “Kung nagawa ko sanang gawin yong bagay na yon, sana paunti unti ko nang nakukuha ang gusto ko.” o “Kung nag commit sana ako dati sana katulad na rin nila ako.”

Lagi natin sinasabi sa sarili natin “Gusto kong maging _________”. Gusto ko maging sexy, gusto kong mag ipon, gusto kong mag invest, gusto kong magpapayat, gusto kong maghanap ng trabaho, gusto kong maghanap ng extra income, gusto ko pumunta sa ganito. Pero lagi natin hinahanap yong perfect timing para gawin yong mga bagay na gusto natin.

Imagine, gusto mong magpapayat. At naisipan mo lang na gawin yon after 3 years. Sa tingin mo kung ginawa mong mag gym at mag hire ng trainor nong nakalimpas na tatlong taon?. Siguro ibang iba kana ngayon.

Imagine, makalipas ang 5 years saka mo naisipan mag ipon dahil kaylangan mo na. Sa tingin mo kung nagawa mo nang mag ipon nong nakalipas na limang taon, magkano na kaya ang ipon mo ngayon?

Sa mga entrepreneur na nakakabasa nito, siguro subukan mong bumalik at mag-isip – Kung nagawa mong mag take ng massive action sa bagay na gusto mo na makakabuti sa family mo at sayo, anong pagbabago ang meron ka sana ngayon?.

Kadalasan, marami tayong gustong gawin, maraming pumapasok na ideas sa isip natin dahilan kung bakit we struggle to take massive action. May mga bagay na gusto natin maging perfect bago natin gawin. Yong hindi natin pagkilos yon ang nagki-create ng doubt and uncertainty. Sinisimulan natin makinig don sa mga tao kung bakit hindi nag work sa kanila kaya ang nangyayare narereprogram ang utak natin sa doubt, sa takot na mag fail tayo. Masyado tayong natatakot baka hindi magwork ito sa atin. Madalas umaabot ng months, years hanggang nangyayareng ayaw na natin.

The best time para gawin mo ang mga bagay na gusto mo ay “Ngayon”. Kung kaylan mo naisip yong bagay na yon, yong ang pinaka best time para gawin yon.

May tinatawag akong “7 Day Rule”

Ang 7 Day Rule ay ang maximum days na kaylangan mo mag take ng action once na maisip mo o malaman mo yong gusto mong gawin. Bakit 7 Days? Dahil kapag nakalipas ang 7 days na yon, makakalimutan mo na sya, madalas pa nga hindi umaabot sa 7 days nawawala na sa isip mo yong bagay na yon.

Ito yong favorite quotes ko.

Mark Zuckerberg once said“The biggest risk is not taking any risk. In a world that’s changing really quickly, the only strategy that is guaranteed to fail is not taking any risks.”

Subukan mong balikan yong tatlong taong nakalipas, para masabi mo sa sarili mo, “Mabuti na lang ginawa ko tong ___________________.”

I’ll leave you with one of my favourite Chinese Proverbs: “The best time to plant a tree was 20 years ago. But the second best time is today.”

Simulan mo nang gawin ang bagay na gusto mo NGAYON.

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
guest
0 Posts
Newest
Oldest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

Back to Archive

About Author

neilyanto
Hello! I'm Neil Yanto, a content creator and entrepreneur with over 115,000 subscribers on YouTube. I create blogs and reviews to share my knowledge about online business and help others make informed decisions. I believe that online business is the future of entrepreneurship.

Popular Post

January 15, 2025
Santé NutriPair: Your Daily Dose of Wellness

Santé Nutripair SRP: ₱3,744.00 VIP Price: ₱3,120.00 with 10% cashback Description: Get your daily dose of power pair with the Santé NutriPair set. This set includes 1 box of Santé Barley powder (3g x 30 sachets) and 1 box of Daily-C (750mg x 100 capsules). In today’s fast-paced world, maintaining a healthy lifestyle can be […]

Read More
October 19, 2016
Content Marketing vs Traditional Marketing

  “Traditional marketing is telling the world you’re a rock star, content marketing is showing the world that you are one.” – Robert Rose   Nalaman ko ang dalawang strategies kung saan client feel “I need they help” or “They need my help”.   Ito ang tinatawag na “Content Marketing vs Traditional Marketing”   Kung […]

Read More
November 6, 2016
How to overcome Negative Thinking?

Quotes: “Once you replace negative thoughts with positive ones, you’ll start having positive results.” Mas madalas mo bang naiisip ang mga diffifulties, failure and disaster? Mas naiisip mo ba ang mga negative na napapanuod, nababasa at napapakinggan mo? Nakikita mo ba ang sarili mo na nahihirapan at walang kakayahan na mabago ang buhay? Madalas mo […]

Read More
Copyright © 2016 - 2025
Neil Yanto Blog
FOLLOW US

About me

Hello! I'm Neil Yanto, I'm a Registered Master Electrician. I’ve been working for almost 6 years in Engineering Industry before I went to Online Marketing. I started making blogs because I want to help my fellow citizens as well as share my ideas and knowledge about Online Business. I believe online business is a business of the future. Read More

Important

About MePrivacy PolicyTerms and ConditionsEarning DisclaimerBrand Deal GuidelinesLogin

Contact Us

Email: info@neilyanto.com
Neil Yanto Official Website™