Sinubukan mo bang balikan yong buwan at taon na nakalipas at sinabi mo sa sarili mo?. “Kung nagawa ko sanang gawin yong bagay na yon, sana paunti unti ko nang nakukuha ang gusto ko.” o “Kung nag commit sana ako dati sana katulad na rin nila ako.”
Lagi natin sinasabi sa sarili natin “Gusto kong maging _________”. Gusto ko maging sexy, gusto kong mag ipon, gusto kong mag invest, gusto kong magpapayat, gusto kong maghanap ng trabaho, gusto kong maghanap ng extra income, gusto ko pumunta sa ganito. Pero lagi natin hinahanap yong perfect timing para gawin yong mga bagay na gusto natin.
Imagine, gusto mong magpapayat. At naisipan mo lang na gawin yon after 3 years. Sa tingin mo kung ginawa mong mag gym at mag hire ng trainor nong nakalimpas na tatlong taon?. Siguro ibang iba kana ngayon.
Imagine, makalipas ang 5 years saka mo naisipan mag ipon dahil kaylangan mo na. Sa tingin mo kung nagawa mo nang mag ipon nong nakalipas na limang taon, magkano na kaya ang ipon mo ngayon?
Sa mga entrepreneur na nakakabasa nito, siguro subukan mong bumalik at mag-isip – Kung nagawa mong mag take ng massive action sa bagay na gusto mo na makakabuti sa family mo at sayo, anong pagbabago ang meron ka sana ngayon?.
Kadalasan, marami tayong gustong gawin, maraming pumapasok na ideas sa isip natin dahilan kung bakit we struggle to take massive action. May mga bagay na gusto natin maging perfect bago natin gawin. Yong hindi natin pagkilos yon ang nagki-create ng doubt and uncertainty. Sinisimulan natin makinig don sa mga tao kung bakit hindi nag work sa kanila kaya ang nangyayare narereprogram ang utak natin sa doubt, sa takot na mag fail tayo. Masyado tayong natatakot baka hindi magwork ito sa atin. Madalas umaabot ng months, years hanggang nangyayareng ayaw na natin.
The best time para gawin mo ang mga bagay na gusto mo ay “Ngayon”. Kung kaylan mo naisip yong bagay na yon, yong ang pinaka best time para gawin yon.
May tinatawag akong “7 Day Rule”
Ang 7 Day Rule ay ang maximum days na kaylangan mo mag take ng action once na maisip mo o malaman mo yong gusto mong gawin. Bakit 7 Days? Dahil kapag nakalipas ang 7 days na yon, makakalimutan mo na sya, madalas pa nga hindi umaabot sa 7 days nawawala na sa isip mo yong bagay na yon.
Ito yong favorite quotes ko.
Mark Zuckerberg once said, “The biggest risk is not taking any risk. In a world that’s changing really quickly, the only strategy that is guaranteed to fail is not taking any risks.”
Subukan mong balikan yong tatlong taong nakalipas, para masabi mo sa sarili mo, “Mabuti na lang ginawa ko tong ___________________.”
I’ll leave you with one of my favourite Chinese Proverbs: “The best time to plant a tree was 20 years ago. But the second best time is today.”
Simulan mo nang gawin ang bagay na gusto mo NGAYON.