Nakulong Ako!

March 6, 2018
neilyanto

Naniniwala ka ba na nakulong na ako?

 

Tama ang nabasa mo, nakulong na ako ng ilang beses. Hindi kapani-paniwala na nangyari sakin ang buhay na ganun, kahit ako hindi ko lubos matanggap.

 

Ang sakit isipin pero totoo at ayaw ko nang bumalik sa buhay na ganun.

 

Kung hindi ako nagkakamali tatlong beses akong nakulong.

 

Unang beses kong maramdaman na makulong ay noong high school ako.

 

Naalala ko subject noon ng English nang pinagtawanan nila ako dahil sa wrong grammar ko.

 

Mula noon nakulong ako sa takot na pagtawanan ulit.

 

Pangalawang beses akong nakulong ay noong College ako. Dahil sa hindi inaasahan, lahat nawala sakin dahil nakulong ako sa takot na maniwala sa sarili kong kakayanan. Maniwalang malagpasan ang sakit na nararamdaman. Maniwalang kaya kong ipagpatuloy ang buhay na pinagdadaanan..

 

Pero nakabangon ako at nagpatuloy. Nakaalis ako sa kulungan na ako rin ang may gawa.

 

Kala ko noon hindi ko na mararamdaman na makulong ulit pero nakulong ulit ako noong nag tatrabaho na ako dito sa manila.

 

Ang sakit dahil paulit-ulit akong nabigo ng kapalaran. Nakulong ako sa takot na sumubok ulit.

 

Kung iisipin natin, bakit ba natin hindi makuha ang gusto natin sa buhay at nagtitiis tayo sa lugar kung saan hindi tayo aangat?

 

Isa lang naman ang sagot dyan, dahil nakakulong tayo. Nakukulong tayo sa takot na pagtawanan, takot na maniwala sa kakayanan at takot na sumubok ng paulit-ulit.

 

Wag nating ikulong ang sarili natin sa sarili nating takot. Wag nating subukang paglipasan ng panahon bago natin makita ang mga bagay na dapat kinukuha mo na ngayon.

 

Hindi tayo nabubuhay para lang matulog, gumising at kumita ng pera. Kailagan mo ring kunin kung ano ang gusto mo sa buhay. At ang isang paraan para makuha mo yon ay sumakay ka sa isang sasakyan kung saan ibibigay sayo ang mabilis na paraan para makuha ang “Gusto Mo” sa buhay.

 

Simulang wag matakot at sumubok ng mga bagay-bagay. At hindi yan magsisismula sa kahit kanino, mag sisimula yan dapat sayo mismo.

Back to Archive

About Author

NEIL YANTO
Neil Yanto is a Video Creator and Online Entrepreneur. He helps Filipino Marketers and Online Entrepreneurs how to grow their marketing business from scratch across multiple marketing channels. READ MORE

Popular Post

September 7, 2022
Rigorsbot #1 Trading Bot Pa Rin Ba? CONS | Company Review

Ngayon, maraming mga nagtatanong sa akin, bakit nawala ang video ko about rigorsbot, kung profitable pa rin ba ang rigorsbot, kung maganda pa rin bang mag simula sa rigorsbot at ano-ano ang mga dahilan kung bakit umalis ako bilang isang user ng rigorsbot. Ngayon, sa tingin ko kasi, responsibility ko na ipaliwanag sayo kung bakit […]

Read More
July 19, 2022
DGP Bot Totoong Trading Bot or Totoong Trading SCAM? | Company Review

"Pa review din po si DGP bot sir thank you." - Ai Leparto"Hello sir pa review din po yung DGP bot po" - Jamie R"may review knb Sir s DGP BOT?" - tomm const Register to DGPBOT: https://bit.ly/3IV8OlRBINANCE: https://bit.ly/3gFEhLQDGP Bot Telegram: https://t.me/DGPTradingPlatform_bot 0:00 - Introduction0:30 - Ano and DGP Bot?1:00 - Paano Kumita sa DGP […]

Read More
August 28, 2018
Why Don’t People Set Goals?

Karamihan sa atin gustong makuha ang goals sa buhay. Sino ba naman ang hindi? Pero ang malaking tanong bakit hindi ba natin makuha ang goal natin?   Simple because hindi natin alam kung paano. Karamihan sa atin hindi talaga naituro kung paano ang proper goal-setting technique at walang kahit anong school ang nagtuturo dito.   […]

Read More
Copyright © 2016 - 2023
Neil Yanto Blog
FOLLOW US

About me

Hello! I'm Neil Yanto, I'm a Registered Master Electrician. I’ve been working for almost 4 years in Engineering Industry before I went to Online Marketing. I started making blogs because I want to help my fellow citizens as well as share my ideas and knowledge about Online Network Marketing Business. I believe online business is a business of the future. Read More

Quick Links

About MePrivacy PolicyTerms and ConditionsAffiliate Term of ServiceEarning DisclaimerLoginInvestment & Opportunity

Contact Us

Email: info@eskulahan.com