Naniniwala ka ba na nakulong na ako?
Tama ang nabasa mo, nakulong na ako ng ilang beses. Hindi kapani-paniwala na nangyari sakin ang buhay na ganun, kahit ako hindi ko lubos matanggap.
Ang sakit isipin pero totoo at ayaw ko nang bumalik sa buhay na ganun.
Kung hindi ako nagkakamali tatlong beses akong nakulong.
Unang beses kong maramdaman na makulong ay noong high school ako.
Naalala ko subject noon ng English nang pinagtawanan nila ako dahil sa wrong grammar ko.
Mula noon nakulong ako sa takot na pagtawanan ulit.
Pangalawang beses akong nakulong ay noong College ako. Dahil sa hindi inaasahan, lahat nawala sakin dahil nakulong ako sa takot na maniwala sa sarili kong kakayanan. Maniwalang malagpasan ang sakit na nararamdaman. Maniwalang kaya kong ipagpatuloy ang buhay na pinagdadaanan..
Pero nakabangon ako at nagpatuloy. Nakaalis ako sa kulungan na ako rin ang may gawa.
Kala ko noon hindi ko na mararamdaman na makulong ulit pero nakulong ulit ako noong nag tatrabaho na ako dito sa manila.
Ang sakit dahil paulit-ulit akong nabigo ng kapalaran. Nakulong ako sa takot na sumubok ulit.
Kung iisipin natin, bakit ba natin hindi makuha ang gusto natin sa buhay at nagtitiis tayo sa lugar kung saan hindi tayo aangat?
Isa lang naman ang sagot dyan, dahil nakakulong tayo. Nakukulong tayo sa takot na pagtawanan, takot na maniwala sa kakayanan at takot na sumubok ng paulit-ulit.
Wag nating ikulong ang sarili natin sa sarili nating takot. Wag nating subukang paglipasan ng panahon bago natin makita ang mga bagay na dapat kinukuha mo na ngayon.
Hindi tayo nabubuhay para lang matulog, gumising at kumita ng pera. Kailagan mo ring kunin kung ano ang gusto mo sa buhay. At ang isang paraan para makuha mo yon ay sumakay ka sa isang sasakyan kung saan ibibigay sayo ang mabilis na paraan para makuha ang “Gusto Mo” sa buhay.
Simulang wag matakot at sumubok ng mga bagay-bagay. At hindi yan magsisismula sa kahit kanino, mag sisimula yan dapat sayo mismo.
“Traditional marketing is telling the world you’re a rock star, content marketing is showing the world that you are one.” – Robert Rose Nalaman ko ang dalawang strategies kung saan client feel “I need they help” or “They need my help”. Ito ang tinatawag na “Content Marketing vs Traditional Marketing” Kung […]
Quotes: “Once you replace negative thoughts with positive ones, you’ll start having positive results.” Mas madalas mo bang naiisip ang mga diffifulties, failure and disaster? Mas naiisip mo ba ang mga negative na napapanuod, nababasa at napapakinggan mo? Nakikita mo ba ang sarili mo na nahihirapan at walang kakayahan na mabago ang buhay? Madalas mo […]