Siguro madalas mo nanag naririnig ito at nasabi na rin ito ng magulang mo, “Magsipag at magtiyaga ka lang aasenso kana!”
Kung ikaw ang tatanungin, naniniwala ka ba dito?
Alam mo bang karamihan ng mga tao ay naniniwala sa kasabihang yan? Masilag, maityaga at maniwala ka lang na kaya mong gawin, aasenso ka?
Magbigay tayo ng magandang halimbawa,
Si Jose ay isang mambubote, masipag sya dahil araw-araw syang naghahanap ng bote, matiyaga sya dahil kahit sa mainit na araw patuloy pa rin nyang ginagawa ang trabaho nya at naniniwala sya na balang araw aasenso sya dahil masipag, matyaga at naniniwala sya sa kaya nyang gawin.
Ang tanong, aasenso kaya sya sa ganong proseso?
Malamang hindi.
So, ano ba ang kulang sa ginagawa ni Jose?
Ang kasama ng pagiging masipag at matiyaga ay ang dalawang ito:
Hindi sapat na masipag at matiyaga lang tayo dapat meron din tayong alam. Bakit ba naging successful ang dating hindi successful? Dahil meron silang karunungan, masipag, matiyaga at
Maraming taong masipag, matiyaga at matalino pero iilan lang ang mga taong madiskarte. Alam nila kung saan nila gagamitin ang pagiging matiyaga, masipag at karunungan nila.
Maraming hindi nagiging successful dahil hindi nila makumpleto ang apat na ito.
Marunong sila, madiskarte at masipag pero hindi naman sila matiyaga, so, wala rin.
Matiyaga ka, madiskarte ka, marunong sila pero hindi sila masipag, so, wala rin.
Hindi sapat ang pagiging masipag at matiyaga dapat may karunungan ka at madiskarte ka sa buhay para makuha mo ang buhay na gusto mo.
If you like this post don’t forget to like and share.
Subscribe to our newsletter updates.
‘Till Next Post.
“Traditional marketing is telling the world you’re a rock star, content marketing is showing the world that you are one.” – Robert Rose Nalaman ko ang dalawang strategies kung saan client feel “I need they help” or “They need my help”. Ito ang tinatawag na “Content Marketing vs Traditional Marketing” Kung […]
Quotes: “Once you replace negative thoughts with positive ones, you’ll start having positive results.” Mas madalas mo bang naiisip ang mga diffifulties, failure and disaster? Mas naiisip mo ba ang mga negative na napapanuod, nababasa at napapakinggan mo? Nakikita mo ba ang sarili mo na nahihirapan at walang kakayahan na mabago ang buhay? Madalas mo […]