Madalas ka bang nade-demotivate?
At Madalas mo bang nasasabi ang tulad nito;
“Bakit si ______ kumita na naman, bakit ako hindi pa ginawa ko naman ang lahat?”
“Ang taas ng Grades nya, bakit ako bagsak nag aral naman ako ng mabuti?”
“Sisimulan ko pa lang gawin ang Project ko pero si ________ tapos nya na agad, paano nya nagawa yon?”
“Si kumpare may bago na naman kotse pero ako hindi makabili pareho lang naman kami ng sahod!”
Minsan, lagi nating tinitingnan ang resulta ng ibang tao at lagi nating kinukumpara ang sarili natin sa kanila.
Madami tayong tanong na nakikita, “bakit ganito”, “bakit ganyan”, PERO minsan ba natanong natin sa sarili natin kung san tayo nagkukulang?
Minsan “OO” at minsan naman”HINDI”.
Madalas nga sinasabi pa natin “Kasi hindi ako marunong kaya di ako kumita”
“Wala ako reviewer na katulad sa kanya”
All the negative thought na naiisip natin sa sarili natin mas binibigyan natin ng pansin at lahat ng positive thought naman ay binabato natin sa ibang tao.
San ka nagkulang?
Para magawa natin na hindi mademotivate, you need to control your emotion.
Wag nating tingnan ang resulta ng ibang tao dahil hindi natin alam ang ginagawa nya sa ginagawa mo. Sa halip pagtuonan natin ng pansin kung paano tayo mag go-grow araw-araw.
Focus to yourself. Ikaw at ikaw lang ang pwedeng tumulong sayo hanggang sa huli.
Wag natin ikumpara ang sarili natin sa iba dahil magkakaiba tayo. Ikumpara natin ang sarili natin sa maliit o malaking resulta na nakukuha natin sa araw araw dahil makakatulong ito para malaman natin kung gumagalaw tayo.
‘Till Next Post,