Lagi mo bang tinatanong sa sarili mo
“Bakit ako pinanganak ng ganito?”
“Bakit kami mahirap.”
Yung feeling na hindi ka masaya sa buhay mo dahil parang may kulang.
May gusto kang gawin pero hindi mo kayang gawin.
Sa tingin ko karamihan sa mga tao na gumigising sa umaga na mayroong parehong tanong sa kanilang isipan. Gumigising sila na mayroong pagkabalisa, wala sa mood at mayroong negatibong pag-iisip. Sinisimulan nila ang kanilang umaga ng tanong “bakit ganito ang buhay hindi maganda at masaya, bakit madilim ang kanilang mundo?.” Hindi nila makita sa kanilang sarili ang positibong mga bagay.
Unsatisfied is one of the cause of stress and failure of moving forward.
Kung baga hindi natin maisip ang mga positibing bagay at lagi nating nakikita ang mga negatibong bagay dahil hindi tayo satisfied kung ano mang mayroon tayo.
Bakit nga ba hindi ka masaya at hindi ka satisfied sa buhay mo? Ito ang ilan sa dahilan kung bakit nakakaranas mo ang pag ka unsatisfied sa sarili mo.
Kung higit nating titingnan ang ating sarili sa kung anong meron ang ibang tao na wala tayo mas mararamdaman natin ang feeling na unsatisfied. Hindi mo pwedeng ipagkumpara ang iyong sarili sa ibang tao dahil dito magsisimula ang inggit. Minsan hindi masamang mainggit siguraduhin lang natin na nasa positive side tayo dahil kung hindi, yan ang magiging dahilan ng iyong malungkot at unsatisfied na buhay.
For example, tinitingnan mo ang isang tao para maging isang motivation at inspiration sa sarili mo para mag take ng action at makuha ang mga gusto mong marating, ito ay positive side na naibibigay sayo.
Pero kung tinitingnan mo ang sarili mo para ipagkumpara sa ibang tao o kung anong meron sila na wala sayo, ito ay negative side na maibibigay sayo at magiging dahilan ng pagkalungkot at unsatisfied na buhay.
Tandaan mo na isa tayong produkto ng environment. Kung napapalibutan ka ng mga negatibong tao, sila ay makakaapekto sayo. Alamin mo kung sino ba ang mga taong nagbibigay sayo ng negative energy at subukan mo gumugul ng mas kaunting oras sa kanila. Simulan mong makisama sa mga positibong tao dahil ito ay magbibigay sayo ng positive energy sa iyong buhay.
Dahil gumugugol tayo ng mas maraming oras sa ating trabaho, kung hindi mo gusto ang iyong trabaho, 100% sure ako na nabubuhay ka na unsatisfied at hindi masaya. Pero may kapangyarihan kang baguhin ito. Bakit hindi mo gusto nag iyong trabaho? Mayroon bang bagay na kaya mong baguhin? Kung wala, then start looking for another job. Bigyan mo lang ang iyong sariling tumungin kung anong mas magbibigay sayo ng kaligayahan.
Ang pag focus sa material na bagay ay maaaring magbigay sayo dissatisfaction at kalungkutan sa buhay. Ito ay pwedeng magparamdam sayo ng panandaliang kasiyahan ngunit ang isang short term happiness ay mas mabilis na nawawala. Sa halip mag focus ka sa long term hapiness at success para makuha mo ang kasiyahan sa iyong buhay.
Kung unsatisfied ka sa iyong buhay dahil maraming negative energy ang nakapaligid sayo katulad ng mga negatibong tao, maliit na sahod, at marami pang iba. Join to Our Big Community.
5:02 am ng mag alarm ang cellphone ko. Gusto ko nang bumangon para maligo pero naramdaman ko na parang masakit ulo ko kaya sabi ko magpapalate na lang ako.
Then 5:30 am nag alarm ulit ang cellphone para maligo na ako. Sabi ko sa isip ko parang hindi ko kaya, anong oras na kasi ako nakauwi galing trabaho then wala pa sa oras ang pagkain ko. Kaya sabi ko mag ha-half day na lang ako para makapahinga baka puyat lang ito.
9:15 ng nagising ako para pumasok na sa trabaho. I check my facebook and email dahil everyday routine ko na rin kasi yon.
Pag bukas ko ng email ko. Ito agad ang nakita ko.
“Hi Neil
Greetings from Unity Network!
YES, that’s correct! You just earned ₱1000 referral commission.”
Hindi na rin bago ito sakin kasi ilang beses na rin nangyare sakin na may bumili na hindi dumadaan sakin.
So, ang ginawa ko hinanap ko kung sino yong bumili ng training program para ma iadd ko sa exclusive facebook group namin.
Hindi ko sya mahanap kaya ang ginawa ko nag email na lang ako sa kanya.
Then Ayon, iadd nya ako sa facebook.
And nag message sya sakin.
Materriano: “Ako po sir Ito ib a lang ang fb. User..
Kanino lang po ako nag Bayad sir ng bills sa LBC”
Neil: “ahhh..okay, Ikaw si Materiano Dela Fuente?
Okay, iaddna kita sa Group.”
Sabi ko sa kanya wait lang sya para maiadd sa facebook group.
Sabi nya gusto nyang makipag kwentuhan sakin. So, ako naman okay lang. Medyo masama na rin pakiramdam ko dito at feeling ko may lagnat na ako.
Bigla ako natuwa sa kwento nya.
Madalas nag hahanap talaga tayo ng sign sa lahat ng bagay kung tama ba ang gagawin natin o hindi. Ito ang isang problema nating mga Pilipino.
At ang maling ginagawa pa natin ay mag tanong sa mga taong hindi naman nakakaalam.
For example, kapag may sakit ka san ka magtatanong? diba sa Doctor.
Kung kaylangan mo ng financial advice, san ka dapat mag tanong sa license financial advisor diba?.
Ganun din sa pagiging entrepreneur, mag tatanong ka sa tamang tao at ginagawa ang pagiging entrepreneur.
Kung nag aalangan ka na bumili, bakit hindi mo kausapin? Alamin mo kung totoo ang sinasabi nya. Then decide.
Bakit ko isinabi ito?
Maliban sa pagiging risk taker nya,
Itong result na ito ay bunga sa isag email marketing strategy na gusto kong ishare sayo.
The Power of Email Marketing.
Hindi ko sya nakausap.
Hindi kami nagkita o nagchat man lang.
But nakapag buo ako ng ng magandang connection sa kanya using my content. At alam ko na kaya mo rin gawin ang lahat ng ito.
Papaano mo ba magagawa ito?
Maghapon akong nag-iisip ng topic na isusulat ko sa Blog ko.
Ang hirap naman kasing mag-isip ng magandang Title at Topic para sa Blog.
Tapos ang dami pang Distraction na nakapaligid sakin.
Nag research na ako sa google at sa social media site pero wala pa rin.
Ano kayang nangyayari sakin?
Ang ginawa ko naglaro na lang ako ng Online Games, e, wala din naman.
Nang nasa gitna ako ng labanan bigla may pumasok sa isip ko.
Good Topic and Good Topic. PERO dahil nga nasa gitna ako ng labanan at malapit na kaming manalo. Sabi ko “Wait lang malapit na ito.”.
Inuna kong tapusin yung paglalaro ko.
And YES! panalo kami.
Ang score? 45-96.
Agad-agad akong pumunta sa Blog ko para isulat yung magandang Topic na nasa isip ko.
Nandon na ako sa Blog Post ko para isulat hanggang NAWALA AKO BIGLA.
“Nasan na?”
Yung magandang Topic at Title na nasa isip ko nawala bigla.
Talagang inisip ko. Alam mo nasa isip ko? Yong mga strategy kung paano kami nanalo sa Online Games na nilalaro ko.
Madalas tayong mga tao mas inuuna pa natin ang mga hindi importanteng bagay. Mas pinag binibigyan pa natin ng pansin yung hindi naman makakatulong satin.
Minsan ang nakakalungkot satin? Iniisip pa nating makatulong sa mga taong nakapaligid satin pero ang tulungan ang sarili natin? hindi natin maisip.
Sabi nga;
“Paano mo tutulungan ang ibang tao kung hindi mo tutulungan ang sarili mo.”
Kung naisip mo nang kunin ang pangarap mo gawin mo na ngayon. Dahil kapag hindi mo pa ginawa ngayon mapapansin mo na ang pangarap mo mahirap ng maabot dahil sa maliit na oras na lang ang natitira para kunin ito.
Piliin mong kunin ang pangarap mo ngayon.
Magplano ka kung paano makukuha ito.
Grab an opportunity na pwedeng makatulong para makuha ang pangarap mo.
Iwanan mo lahat ng bagay na pumipigil para kunin ang pangarap mo.
Pag-aralan mo and DON’T QUIT to you DREAMS.
May mga sandali sa buhay ng tao na magbabago ang lahat at susubukan kung gaano tayo katatag. Maaaring masisante sa trabaho, mabuntis nang hindi inaasahan, o hindi makahanap ng perpektong trabaho para sayo. Pero hindi lahat ng mga hindi inaasahang pangyayari ay negatibo, ngunit sa pangkalahatan, may mga bagay na makakaapekto sa iyong financial future at kailangan mong baguhin kung paano ka mag-isip o humawak ng iyong pera.
Gayuman, ang pagiging handa sa anumang hindi inaasayang pangyayari ay isang matalinong pag-iisip. Ito ang ilan sa mga pangyayari sa buhay natin na kailangan nating paghandaan.
Ang mga nakaraang ilang taon ay nakita natin kung gaano kalupit ang isang kalamidad, maaaring makasira ng ari-arian at makalagas ng buhay ng tao. Ang isang kalamidad ay biglang dumarating satin, at kailangan natin itong paghandaan.
May dalawang paraan kung paano mo magagawang paghandaan ang isang kalamidad.
May mga bagay na hindi natin gusto pero nangyayari at hindi natin ito mapipigilan. Ang tanging magagawa lang natin ay paghandaan ang araw na ito.
Mayroong tatlong paraan kung paano mo magagawang paghandaan ito.
Isa sa pinaka mahalaga na kailangan nating paghandaan ay ang ating Future dahil kapag hindi ito pinaghandaan matatapos tayo sa buhay na mahirap.
Paano pag-hahandaan ang Future?
Solve Your Long-term Problem. Kailangan mong malaman kung ano ba ang end goal mo sa buhay. Itanong mo sa sarili mo, mas sapat na ipon ba ako para pumasok sa isang mabigat na sitwasyon? May sapat na ipon ba ako para magsimulang mag pamilya? May sapat na ipon ba ako para sa edukasyon ng aking mga anak? May sapat na ipon ba ako para sa aking retirement?Kung hindi mo masagot ang mga yan, kailangan mong gumagawa ng paraan para masolusyunan ang iyong long-term problem.Ito ang kailangan mong gawin para sa iyong long-term problem.
Simulan mong mag tayo nang isang negosyo o pumasok sa isang business opportunity na magagawang makapag bigay sayo ng financial freedom.Alam naman natin kung bakit tayo nag sisimulang mag trabaho para hindi lang kumita ng pera at mabuhay.
Para makuha natin ang pangarap natin at masolusyonan ang long-term problem natin, at hindi natin magagawa yon kung aasa lang tayo sa income na pumapasok satin buwan-buwan.
Kung nahihirapan kang kunin ang end goal mo, or gusto mong mas mabilis mong makuha ang financial goal mo, kaylangan mong tingnan ang paraan kung paano mo magagawang mapalaki ang iyong income.
May mga short-term income solutions katulad ng paghanap ng second job, ngunit kung alam mo na kaylangan mong magkaroon ng mas mataas na income, kailangan mong tingnan ang long-term solutions ng iyong problema.
Ito ang pwedeng makatulong para makuha mo ang financail goal na gusto mo.
Ang unang step na kailangan mong gawin ay alamin kung ano ba ang mga kayang mong gawin na pwede mong gamitin para makapag buo ng part time gigs na maaari mong gawin sa gabi or sa weekends.
Mayroon ka bang alam na ibang language?
Maaari kang mag-alok ng classes sa iyong center of community or online.
Mahusay ka ba sa Math?
Simulan mong magturo sa halagang P1,200 per hour.
Mahusay ka ba sa Online Marketing Strategy?
Offer a Recorded or live Video Class. Start a home decorating service, offer workshops on creative writing, cake decorating, wedding photography — Ang mga opportunity ay limitless and those who skilled can generate an extra P25,000 per month.
Kaya mong higitan o i-doble ang digit na yan kung ikaw ay magaling sa computer. IT consultants charge P1,100-P2,200 per hour skilled amount budget (based on www.freelancer.com), while Web designers charge anywhere from P10,000-P30,000 to create a very small project.
Maari mong gawin ang mga bagay na gusto mo sa libre mong oras.
Maraming paraan para kumita ka sa iyong hobbies, kung ikaw ay isang creative person, maaari mong gamitin ito para kumita sa iyong libreng oras.
Maaari mong simulang magbukas ng isang easy store para ibenta ang iyong artwork.
Be sure na enough ang iyong singil para ma-cover mo ang iyong materials at time.
Isa pang paraan para kumita sa ka sa iyong hobbies ay gumawa ng Youtube Channel or show na base sa iyong hobby.
Maaari mong ipakita kung paano gumawa ng mga items o review ng items na araw-araw mong ginagamit.
Kung ang hobby mo ay gaming, maaari ka ring gumawa ng mga video about walkthrough at commentary sa iyong mga kaibigan.
Kailangan mo nang oras para magawa mo ito.
Gayunpaman, kung gagawin mo ito ay dapat consistently dahil maaari itong maconvert into extra money.
Isa pang option para magawa mong mapalaki ang iyong income ay simulang magtrabaho bilang isang freelancer sa iyong libreng oras.
Maraming uri ng freelancer job.
Maaari kang mag trabaho sa graphic design, in video production, as a consultant or a writer.
Tingnan mo kung anong mga skills na mayroon ka at pag aralan mo kung paano mo magagawang mai-offer ang skills na yon as a service sa small businesses or families.
Pagkatapos simulan mong i-market ang iyong sarili at gumawa nang contact list. Overtime maaari kang makabuo ng sapat na contact para gawin itong full-time option sa iyo.
Kung iniisip mong mag-trabaho bilang isang freelancer kailangan mo ng isang solid system in place of makatulong sa pagkukulekta ng pera sa iyong project.
Kailangan ng oras upang bumuo ng isang solid income stream as a freelancer, mahalagang tandaan na maaaring mag-iba-iba kapag ginagawa mo na ito.
Maaaring magkaroon ng biglaang taas ng income depende sa client kung wala silang mahanap na ibang freelancer.
Bukod pa rito ang ibang trabaho ay pana-panahon at hindi mo ito mapapansin kapag hindi kapa umaabot sa isa o dalawang taon bilang isang freelancer.
Siguraduhin na pag-isipan o bigyan ng oras bago ka umalis sa iyong primary income job.
Isa pang Great Way para mapataas mo ang iyong income ay bumuo ng multiple passive income streams.
Karamihan sa mga ito ay resulta ng isang blog, website or Youtube Channel na itinatag mo online.
Kailangan ng oras at lot of effort para masimulan mong kumita ng tunay na pera.
Dapat kang mag focus sa isang topic kung saan nag eenjoy kang alamin ito o gumawa ng isang topic na pang kalahatan.
Kailangan mong mag trabaho, at magbigay oras para makabuo ng audience, at pag-aralan kung paano mo magagawang mag engage o pumunta ang mga tao sa iyong blog, website o youtube channel.
Kung interesado kang gawin ito kailangan mong maging komportable gamitin ang lahat ng uri ng Social Media Site para maabot mo ang mas maraming taong pupunta sa iyong channel or site.
Marami nang taong nagtagumpay sa ganitong proseso ngunit marami ring mga taong hindi nagtagumpay dahil sa hindi tamang pag gamit ng online marketing strategy.
Ang susi ng isang passive income ay ang pagbuo ng solid base na makakapag generate ng income para sayo.
Kung magsusulat ka ng sarili mong libro, kailangan mo nang apat hanggang limang publish na libro bago mo makita ang passive income. Sa Blog at website naman, it can take several years.
Ito ay isang pang matagalang project at dapat ito ay ini-enjoy mo.
I did not graduate from college” Ito ang excuse ng karamihang tao kung bakit wala silang trabaho, hindi nila gusto ang trabaho nila o maliit ang kanilang kinikita. Hindi natin masisisi ang tao na gimitin ito bilang isang dahilan dahil narin sa ating society or sa ating kinalakihan na nag tanim sa atin na isipin ang ganitong paraan.
Dapat nating malaman na ang traditional education ay napag-iwanan na. Kung paano namin natutunan ang technology, at paano namin nakita ang mabilis na pagbabago ng buhay ng tao. Kung ikaw ay nasa 18 to 25 years old, you are in your best age and time para pumili ng trabaho at ng buhay na ayon sa gusto mo.
Maraming opportunity at kapangyarihan ang naibibigay satin ng bagong technology. Sa katunayan, hindi ngayon ang oras upang gumawa ng dahilan at reklamo tungkol sa mga masamang bagay na nangyari sa’yo sa nakaraan. Hindi ngayon ang dahilan para sisihin kung bakit hindi ka nakapag kolehiyo o nakapag tapos ng kolehiyo.
The basic things you need to learn is already covered in the K-12 program.
Maari kang gumawa ng sarili mong desisyon sa iyong buhay pagkatapos mong makapag tapos sa senior high. Maghanap ng opportunity. Maghanap ng taong gusto mong maging para gawing gabay at matuto ng mga dapat mong gawin.
Engineering, Law, Accountancy, Medicine, at iba pang mga kurso na may certificate o board exam ay mga larangan na nangangailangan ng pagpapatuloy ng iyong degree sa kolehiyo. Kung nais mong ituloy ang isang bagay na related sa Information Technology, Marketing, Business, ang pagtapos sa kolehiyo ay optional.
Please don’t get me wrong. Hindi ko hinihikayat na huwag kang kumuha ng degree sa kolehiyo dahil kung meron kang kakayahan na gawin ito, bakit hindi mo ipagpapatuloy? Ito ay isang magandang bagay kung maaari mong tapusin ang degree na gusto mo.
Ang article na ito ay para sa mga taong nag-aalala para sa kanilang kinabukasan, ang mga walang capacity para tapusin ang kolehiyo. Dito ibibigay ko ang aking papanaw kung papaano mo magagawang maging successful kahit hindi ka nakapag tapos ng kolehiyo.
Maraming pagkukunan sa online ngayon na maari mong pag-araalan. Kung wala kang budget pero meron kang eagerness na mag-aral, maari mong gamitin ang online para hanapin ang gusto mong matutunan.
Kung wala ka namang internet connection or computer, iyo ang mga pwede mong gawin. Mag-apply ng anumang trabaho na ayon sa iyong edad, isang trabaho na hindi kakain ng oras mo. Maraming trabaho na pwede mong gawin habang ikaw ay nag-aaral, Restaurant Crew, Call Center Job, Virtual Assistant, Provide Tutor Service, at iba pa. Ang idea ay simple earn para punan ang pang-araw-araw na pangangailangan mo at isang tabi ang pera na gagamitin sa pag-surf ng net at printing materials.
Kung meron kang kaibigan na makakatulong sayo, then ask for help. Maari mong hilingin na ibigay ang mga lumang libro na makakatulong sa gusto mo. Maraming mga paraan na maarin mong gawin upang makuha ang lahat ng material na kaylangan mo. Don’t be lazy, don’t make excuse. Do it.
Isa pang bagay na maaari mong gawin, kung ikaw ay fast learner ay iapply at gawin lahat ng matututunan mo. Sa paraang ito mas magiging successful ka ng mas maaga kaysa sa iyong mga batchmate.
Kung babalik ako sa college days, maari akong gumawa ng blog about music and playing drums dahil ito yong pinaka interest ko noon.
Kung natutunan ko ang blog noong nag-aaral pa ako siguro meron na akong sariling business pagkatapos ng apat na taon.
Kung ikaw ay isang out-of-school youth at nalaman mo ang gusto mong gawin, pag-aralan mo ‘yon, pagsikapan mong matutunan at makuha ang goal na yon. Makikita mo na kaya mong malampasan ang mga taong nakapag tapos ng kolehiyo.
Karamihan ng college graduates ay may ganitong ideyalistang pag-iisip na magkakaroon sila ng mataas ng suweldo pagkatapos nilang makapag tapos ng pag-aaral. “This is just not real.”
Ito ang totoo. May mababang chance na makukuha mo agad ang iyong dream job sa iyong unang job application. Maraming mga tao, they jump from one job to another hanggang maging masaya sila sa kanilang salary at company.
Kung ikaw ay out-of-school youth. Mararanasan mo ang mga bagay na mas maaga. Makakakuha ka ng mas magandag decisions at mas magandang buhay kaysa sa iyong batch. Huwag kang mag-alala sa struggle dahil parte yan ng iyong journey. Ang kailangan mo lang gawin ay keep learning at take a massive action na ayon sa iyong goal.
Here my final word.
Ang main reason kung bakit nag-aaral ang mga tao sa college ay para magkaroon ng mas magandang trabaho at mataas na suweldo.
Kung ito lang ang iniisip mo ay may mas magandang opportunity outside the path of college. Huwag kang kumuha ng degree para lang sa wala. Karamihan sa mga estudyante ay kumukuha ng degree na madalas humahantong sa walang pinaggalingan. Hindi nila pinaplano pagkatapos nila sa college.
Milyong college graduate dito sa Pilipinas ay walang trabaho.
“How about that?”
Mas gusto ko pang matuto kung paano gumawa ng ice candies at pataasin ang aking income sa pamamagitan ng pagpalawak ng aking network sa school at sa company canteen.
Ang iyong goal ay kumita ng stable at mataas na income pagkatapos ng college. Kung ikaw ay isang out-of-school youth, most likely ang goal mo rin ay ganito pero kaylangan mong pag-aralan ng mas mabilis, mag plano ng maayos, at gawing laser-like focus or be action taker and consistent.
“You just need to do it, take responsibility and make no excuse.”
May dalawang mangingisda
Ang gamit nila pareho sa pagingisda ay fishing tackle.
Yong isa matagal nang naghihintay pero walang nakukuha.
Pero yung isa magaling talaga, marami syang nakukuha.
Sa tuwing nakakabingwit sya ng isda ang ginagawa nya tinitingnan nya, kapag medyo may kalakihan binatato nya pabalik.
Tapos ang kinukuha lang nya yong maliliit.
Hindi na nakatiis yong katabi nya,
Sabi nya don sa katabi nyang mangingisda,
“Sir, mawalang galang na ho, ako kanina pa ako naghihintay dito pero ni isa wala ako makuhang isda pero ikaw marami ka nang nabibingwit.
Pero may napansin po ako sir.
Bakit po kapag malaki ang nakukuha nyo binabalik nyo sa ilog?”
Sabi ng isang mangingisda,
“e, kasi maliit lang ang lalagyan ko, tingnan mo ohh!. Ang nilalagay ko lang dyan ay yong magkakasya.”
Imbes na bumili sya ng malaking lalagyan mas pinili nya yong available na lalagyan kahit maliit.
Ang problema satin, kung mapapansin mo katulad nang isang mangingisda, magaling sya mangkuha ng isda pero pinipili nyang bitawan ang malalaking isda kasi pinagkakasya lang nya ang isda sa maliit na lalagyan.
Katulad natin binibitawan natin yong mga malalaking pangarap o goal sa buhay natin dahil iniisip natin na hindi natin kayang maabot dahil mahirap lang tayo, wala tayong talent o hindi tayo nakapag tapos nang pag-aaral. Kaya yung malalaking opportunity na dumarating sa’tin binibitawan natin lalo na kung mahihirapan tayo don.
Kung baga nanatili tayo sa maliit na lalagyan.
Kaylangan mong mangarap ulit at mag set ng malaking goal.
Anong next na kailangan mong gawin para makuha mo ang pangarap na yon at ang goal na yon?
Important Practice To Get Your Goal
Kailangan mong sanayin ang sarili mong gumawa ng mga Good Habit.
Ano ba yung Good Habit na yon?
Ang Good Habit ay yung mga bagay o gawain na makakapag bigay sayo ng results o mga bagay na tutulong para makuha mo ang goal mo.
Let say for Example.
Isa kang Freelancer designer. Ang goal mo ay maging # 1 freelancer designer pero hindi pa ganun karami ang market mo kaya hirap kang makakuha ng client.
Ang ginawa mo para maraming makakita ng design mo ay gumawa ka ng Facebook page at nag post ng mga sarili mong design. Gumawa ka rin ng Blog para mas lumaki ang market mo at nag aral ng mga strategy.
Araw-araw mong ginagawa yan.
Ito ang Good Habit.
Ang Bad Habit naman ay yung gumawa ka ng mga bagay na walang kinalaman o hindi sayo makakapag bigay ng results.
Like. Nanuod ka mag hapon ng TV, o maghapon kang nag online games, etc..
Merong dalawang type of discipline na kaylangan nating i-practice, external and internal discipline.
External Discipline. Minsan kaylangan natin ng ibang tao to motivate ourselves at maging positive sa buhay. Magagawa natin yon kung makikisama o makiki salamuha tayo sa group of people na katulad din ng ating mindset.
For Example.
Ang Goal mo ay mag save ng Pera, so, makisama ka sa mga taong nakakapag save na nang pera. Or Ang Goal mo ay maging isang Entrepreneur, so, makisama ka sa mga entrepreneur.
Bakit?
Dahil yung positive energy at kung paano sila mag trabaho maadopt mo yon. May kasabihan nga kapag nakisama ka sa mga drug addict sa loob ng isang buwan, malamang drug addick kana rin. So, ganun din sa kahit anong goal. Kapag nakisama ka sa mga successful people malamang may posibility na maging successful ka rin dahil maadopt mo kung ano man ang ginagawa nila.
Internal Discipline. Alam naman natin lahat ng bagay ay nag sisimula sa sarili natin. Kahit anong talino natin, kahit gaano pa tayo kagaling kapag wala tayong self-discipline malamang hindi natin makukuha ang goal natin.
For Example.
Gusto mong magpapayat. Ang ginagawa mo nag i-excercise ka lang kung kaylan mo lang gusto. Ang tanong, papayat ka ba non?
So, dapat araw-arawin mo para pumayat ka at para makuha mo ang shape na gusto mo.
Ganun din sa pag kuha ng kahit anong goal dapat meron tayong self-discipline na araw-arawin yung mga kaylangan nating gawin.
Ito ang pinaka mahalagang practice na kaylangan mong i-apply para makuha mo ang goal na gusto mo.
Ito yung favorite quotes ko “ACTION is the foundation key to all success.”
Kaylangan mong mag take ng action para makuha mo ang goal mo.
Kilala mo ba si Juan Tamad? Alam mo na ba ang kwento nya?
Nakakita si Juan Tamad ng isang Prutas.
Ang ginawa nya tinitigan nya ito.
Makalipas ang ilang oras lumabas ang nanay nya.
Nanay: “Juan nasan kana ba?”
Juan: “Inay, nandito po kumukuha ng prutas”
Nanay: “Anong ginagawa mo dyan Juan”
Juan: “Hinihintay ko pong malalag itong prutas para makain ko.”
Katulad ni Juan nihinihintay natin na may dumating satin na opportunity pero sa katunayan marami nang dumaang opportunity satin hindi lang natin kinuha, hindi lang tayo nag take ng action para kunin ito.
Kung gusto mong makuha ang goal mo at ang mga pangarap mo sa buhay kailangan mong mag take ng action para kunin ito. Dahil hindi ang opportunity ang kukuha sayo kailangan mong kunin ito.
Mahalaga sa bawat isa sa atin na malaman kung ano ba ang Purpose natin sa buhay.
Why?
Because “Purpose should give you direction and meaning in life.”
Ang hirap gumising na walang patutunguhan, hindi mo alam kung para saan ang buhay mo.
I hope hindi tayo gumigising para magtrabaho, kumain tapos matulog lang.
Trabaho kain tulog, trabaho kain tulog! Same cycle every day.
Naku! Napakahirap non.
Kailangan, malaman natin kung ano ang gusto talaga natin sa buhay
Katulad nga nong sinabi ni Si Steve Jobs,
Na kailangan, you must know what you want in life,
Alamin mo talaga kung anong gusto mo sa buhay.
And you must live according to your, what? “PURPOSE!”
Ang purpose ni Steve Jobs magbigay ng Innovation.
Kaya nga nag isip sya ng mga bagong imbensyon para tangkilikin ng mga tao ang kanyang produkto.
Bakit mahalagang malaman natin ang ating purpose?
Dahil magkakaroon tayo ng directon at kahulugan sa ating buhay
How to know your purpose?
Alamin mo kung anong kakayahan mo.
What is your greatest strength?
Focus in your strength,
Maximize your strength,
Pagalingin mo pa lalo kung anong ginagawa mo.
Kung magaling kang magluto, yan ang purpose mo.
Kung magaling kang mag sulat yan ang purpose mo.
Kung magaling kang mag benta, yon ang gawin mo.
Kung magaling ka sa admin, yon ang gawim mo, yon ang purpose mo.
And makes sure don’t jump from one thing to the other.
You cannot be a jack of all trades and master of nothing.
Now are the time and generation of specialization.
People love to pay for an expert.
They don’t want to pay someone who knows a lot of things, they only pay in expertise.
Mahalagang magkaroon tayo ng progreso sa ating buhay dahil ito ay nangangahulugan na paunti-unti nating nakukuha ang mga goal natin. Hindi mahala kung gaano ito kalaki o kaliit, ang mahalaga ay nagkakaroon tayo ng resulta araw-araw para makamit ang goal sa buhay.
Ang tanong, paano mo ba magagawang magkaroon ng progreso para makuha mo ang iyong goal?
Ang iyong abilidad para magkaroon ng progreso ay kadalasang nagsisimula sa iyong willingness para mag take ng action. Mag-isip ka tungkot sa iba’t ibang aspeto ng iyong personal at professional life para malaman mo ang pagbabago na pwedeng makatulong sayo.
Palagi mong tatanungin sa sarili mo, “Kapag hindi ko ba ginawa ito, anong mangyayari sakin?”
Kapag hindi ko ba sinunod ang mga tips kung paano mag-ipon anong mangyayari sakin?
Kung lagi kang nagrereklamo dahil wala ka laging pera malamang paulit-ulit mong gagawin yon, at lilipas ang taon ganun at ganun pa rin ang problema mo.
Alam mo ba ang dahilan kung bakit wala tayong natatapos, walang progress at walang resulta?
Dalawang dahilan lang yan. Una, gusto mong simulan lahat ng bagay at pangalawa, wala kang sinisimulan kahit isa.
Focus single-mindedly on that one big “Yes” until it is done.”
O mag simula ka ng isa hanggang maging habit mo pagkatapos magdagdag ka ng isa.
Don’t say Yes o Don’t say No sa lahat. Kailangan mong mag decide kung ano ba yung mga dapat kong gawin sa mga hindi dapat gawin.
Ang isang tao na may kakayahan na magkaroon ng progreso sa buhay ay may dalawang mahalagang katangian: Siya ay may tiwala sa kanyang sarili at naniniwala sa kakayahang magtagumpay sa buhay.
Ito ang tatlong bagay na pwedeng makatulong para magkaroon ka ng progreso at makuha ang goal mo sa buhay.
Dahil marami nang naging successful sa pagiging isang entrepreneur, marami na ring gustong sumubok sa ganitong larangan.
Iba’t ibang mga dahilan sa buhay kung bakit gusto nilang tahakin ang ganitong industry.
Dahil nabuhay tayo sa panahon na hindi lang natin tinitingnan ang pagiging isang entrepreneur kundi nakikita natin na ito ay pwedeng makapag bigay satin ng magandang buhay at nang ating mga pangarap.
Naniniwala ako na sinuman ang may tamang dedikasyon ay maaring maging isang successful na entrepreneur. Gayunman, meron mga maling rason kung bakit gusto nilang maging isang entrepreneur, at nagiging dahilan ng pagka over motivated, na sanhi ng pag ka dissatisfied sa isang trabaho, ma burn out, or actually fail:
Ito ang common misconception nang karamihang pumapasok sa pagiging isang entrepreneur. Iniisip nila kapag ikaw ay isang entrepreneur agad-agad mong makukuha ang pangarap mo sa buhay o maging isang “overnight billionaires“.
Ang pagiging isang motivated lamang sa pera ay nagiging sanhi ng pagpigil sa iyong abilidad na makapag desisyon nang long-term sa iyong business, na magpaparamdam sayo ng unsatisfied and stressed dahil hindi mo nakuha ang iyong target number.
It’s true! Ang pagiging isang entrepreneur ay may potensyal na tumaas ang kanilang personal visibility, lalo na kapag ang kanilang marketing strategy ay may kinalaman sa media exposure. Like Boo Sanchez and Chinkee Tan.
Gayuman, kung ang dahilan ng iyong pagpasok sa pagiging isang entrepreneur ay tanging pagtaas ng iyong popularity para sakin ito ay isang malaking Bad Idea. Dahil magiging dahilan ito nang pagiging isang survivorship bias.
Yes, it’s true: Bilang isang entrepreneur, magagawa mong makapag set ng sarili mong schedule. Hawak mo ang oras mo, kahit anong araw pwede kang magtrabaho, meron kang unlimited vacation. Pero, lagi mong tatandaan, ang success ng iyong business ay nakadepende sa effort na gagawin mo.
Imagine, kung busy ka sa pagtatravel sa loob ng isang taon, wala ka nang sapat na oras para tulungan ang iyong business na maging successful. Kung ang iniisip mo lang ay vacation time as a entrepreneur, tingnan mo ang amount na papasok sa iyong business at lalabas.
Ang Ilang Entrepreneur ay nagsisimulang mag start ng isang business dahil gusto nila ang idea of being positive force in the world, and para sakin I respect that. Gusto nilang bumuo ng isang magandang team, panatilihing masaya ang kanilang kliente, at gawin pakipakinabang ang isang lugar habang sila ay narito.
Sa kasamaang-palad, ang isang ganitong mentality ay nagbibigay ng mababang kalidad ng business decisions; Halimbawa, sa halip na bumuo nang magandang strategy, work flow or productive management system, nagkakaroon ng unproductive team na hindi nakakatulong sa pag grow ng iyong business. At magagawa mong mag sakripisiyo nang iyong kakayanang kumita para sa ibang dahilan.
Wala kang specific na motivation. Yes! Meron kang idea at impresyon na sinuman ay may kakayahang maging isang successful entrepreneur. Sa puntong ito, maaari mong maisip, “Why not?” at simulang maging isang entrepreneur na walang ibang rason kundi ang katotohanan na maari ring kaya mo. Ito ay tinatawag na “whimsical approach” na may pagkakataon na maging successful, ngunit maaring mag simula ng isang problema na hindi mo inaasahang mangyare.
Meron ka bang financial model?
Marunong ka ba kung paano mag scale?
Alam mo ba kung magkano ang capital na kaylangan mong ilabas?
Are you psychologically strong enough?
Familiar ka ba sa mga dark truths nang pagiging isang entrepreneur?
Maraming magagandang dahilan para maging isang entrepreneur, ngunit bago ka pumunta sa next step. Pag-isipan mong mabuti kung ano ba ang personal motivations mo at kung healthy reasons ba ito para makuha mo maging isang successful entrepreneur.