3 Important Practice To Get Your Goal

June 22, 2017
neilyanto

May dalawang mangingisda

Ang gamit nila pareho sa pagingisda ay fishing tackle.

Yong isa matagal nang naghihintay pero walang nakukuha.

Pero yung isa magaling talaga, marami syang nakukuha.

Sa tuwing nakakabingwit sya ng isda ang ginagawa nya tinitingnan nya, kapag medyo may kalakihan binatato nya pabalik.

Tapos ang kinukuha lang nya yong maliliit.

Hindi na nakatiis yong katabi nya,

Sabi nya don sa katabi nyang mangingisda,

Sir, mawalang galang na ho, ako kanina pa ako naghihintay dito pero ni isa wala ako makuhang isda pero ikaw marami ka nang nabibingwit.

Pero may napansin po ako sir.

Bakit po kapag malaki ang nakukuha nyo binabalik nyo sa ilog?

Sabi ng isang mangingisda,

e, kasi maliit lang ang lalagyan ko, tingnan mo ohh!. Ang nilalagay ko lang dyan ay yong magkakasya.

Imbes na bumili sya ng malaking lalagyan mas pinili nya yong available na lalagyan kahit maliit.

Ang problema satin, kung mapapansin mo katulad nang isang mangingisda, magaling sya mangkuha ng isda pero pinipili nyang bitawan ang malalaking isda kasi pinagkakasya lang nya ang isda sa maliit na lalagyan.

Katulad natin binibitawan natin yong mga malalaking pangarap o goal sa buhay natin dahil iniisip natin na hindi natin kayang maabot dahil mahirap lang tayo, wala tayong talent o hindi tayo nakapag tapos nang pag-aaral. Kaya yung malalaking opportunity na dumarating sa’tin binibitawan natin lalo na kung mahihirapan tayo don.

Kung baga nanatili tayo sa maliit na lalagyan.

Kaylangan mong mangarap ulit at mag set ng malaking goal.

Anong next na kailangan mong gawin para makuha mo ang pangarap na yon at ang goal na yon?

Important Practice To Get Your Goal

Habit.

Kailangan mong sanayin ang sarili mong gumawa ng mga Good Habit.

Ano ba yung Good Habit na yon?

Ang Good Habit ay yung mga bagay o gawain na makakapag bigay sayo ng results o mga bagay na tutulong para makuha mo ang goal mo.

Let say for Example.

Isa kang Freelancer designer. Ang goal mo ay maging # 1 freelancer designer pero hindi pa ganun karami ang market mo kaya hirap kang makakuha ng client.

Ang ginawa mo para maraming makakita ng design mo ay gumawa ka ng Facebook page at nag post ng mga sarili mong design. Gumawa ka rin ng Blog para mas lumaki ang market mo at nag aral ng mga strategy.

Araw-araw mong ginagawa yan.

Ito ang Good Habit.

Ang Bad Habit naman ay yung gumawa ka ng mga bagay na walang kinalaman o hindi sayo makakapag bigay ng results.

Like. Nanuod ka mag hapon ng TV, o maghapon kang nag online games, etc..

Discipline.

Merong dalawang type of discipline na kaylangan nating i-practice, external and internal discipline.

External Discipline. Minsan kaylangan natin ng ibang tao to motivate ourselves at maging positive sa buhay. Magagawa natin yon kung makikisama o makiki salamuha tayo sa group of people na katulad din ng ating mindset.

For Example.

Ang Goal mo ay mag save ng Pera, so, makisama ka sa mga taong nakakapag save na nang pera. Or Ang Goal mo ay maging isang Entrepreneur, so, makisama ka sa mga entrepreneur.

Bakit?

Dahil yung positive energy at kung paano sila mag trabaho maadopt mo yon. May kasabihan nga kapag nakisama ka sa mga drug addict sa loob ng isang buwan, malamang drug addick kana rin. So, ganun din sa kahit anong goal. Kapag nakisama ka sa mga successful people malamang may posibility na maging successful ka rin dahil maadopt mo kung ano man ang ginagawa nila.

Internal Discipline. Alam naman natin lahat ng bagay ay nag sisimula sa sarili natin. Kahit anong talino natin, kahit gaano pa tayo kagaling kapag wala tayong self-discipline malamang hindi natin makukuha ang goal natin.

For Example.

Gusto mong magpapayat. Ang ginagawa mo nag i-excercise ka lang kung kaylan mo lang gusto. Ang tanong, papayat ka ba non?

So, dapat araw-arawin mo para pumayat ka at para makuha mo ang shape na gusto mo.

Ganun din sa pag kuha ng kahit anong goal dapat meron tayong self-discipline na araw-arawin yung mga kaylangan nating gawin.

Action.

Ito ang pinaka mahalagang practice na kaylangan mong i-apply para makuha mo ang goal na gusto mo.

Ito yung favorite quotes ko “ACTION is the foundation key to all success.”

Kaylangan mong mag take ng action para makuha mo ang goal mo.

Kilala mo ba si Juan Tamad? Alam mo na ba ang kwento nya?

Nakakita si Juan Tamad ng isang Prutas.

Ang ginawa nya tinitigan nya ito.

Makalipas ang ilang oras lumabas ang nanay nya.

Nanay: “Juan nasan kana ba?

Juan: “Inay, nandito po kumukuha ng prutas

Nanay: “Anong ginagawa mo dyan Juan

Juan: “Hinihintay ko pong malalag itong prutas para makain ko.

Katulad ni Juan nihinihintay natin na may dumating satin na opportunity pero sa katunayan marami nang dumaang opportunity satin hindi lang natin kinuha, hindi lang tayo nag take ng action para kunin ito.

Kung gusto mong makuha ang goal mo at ang mga pangarap mo sa buhay kailangan mong mag take ng action para kunin ito. Dahil hindi ang opportunity ang kukuha sayo kailangan mong kunin ito.

Back to Archive

About Author

NEIL YANTO
Neil Yanto is a Video Creator and Online Entrepreneur. He helps Filipino Marketers and Online Entrepreneurs how to grow their marketing business from scratch across multiple marketing channels. READ MORE

Popular Post

September 7, 2022
Rigorsbot #1 Trading Bot Pa Rin Ba? CONS | Company Review

Ngayon, maraming mga nagtatanong sa akin, bakit nawala ang video ko about rigorsbot, kung profitable pa rin ba ang rigorsbot, kung maganda pa rin bang mag simula sa rigorsbot at ano-ano ang mga dahilan kung bakit umalis ako bilang isang user ng rigorsbot. Ngayon, sa tingin ko kasi, responsibility ko na ipaliwanag sayo kung bakit […]

Read More
July 19, 2022
DGP Bot Totoong Trading Bot or Totoong Trading SCAM? | Company Review

"Pa review din po si DGP bot sir thank you." - Ai Leparto"Hello sir pa review din po yung DGP bot po" - Jamie R"may review knb Sir s DGP BOT?" - tomm const Register to DGPBOT: https://bit.ly/3IV8OlRBINANCE: https://bit.ly/3gFEhLQDGP Bot Telegram: https://t.me/DGPTradingPlatform_bot 0:00 - Introduction0:30 - Ano and DGP Bot?1:00 - Paano Kumita sa DGP […]

Read More
August 28, 2018
Why Don’t People Set Goals?

Karamihan sa atin gustong makuha ang goals sa buhay. Sino ba naman ang hindi? Pero ang malaking tanong bakit hindi ba natin makuha ang goal natin?   Simple because hindi natin alam kung paano. Karamihan sa atin hindi talaga naituro kung paano ang proper goal-setting technique at walang kahit anong school ang nagtuturo dito.   […]

Read More
Copyright © 2016 - 2023
Neil Yanto Blog
FOLLOW US

About me

Hello! I'm Neil Yanto, I'm a Registered Master Electrician. I’ve been working for almost 4 years in Engineering Industry before I went to Online Marketing. I started making blogs because I want to help my fellow citizens as well as share my ideas and knowledge about Online Network Marketing Business. I believe online business is a business of the future. Read More

Quick Links

About MePrivacy PolicyTerms and ConditionsAffiliate Term of ServiceEarning DisclaimerLoginInvestment & Opportunity

Contact Us

Email: info@eskulahan.com