“Traditional marketing is telling the world you’re a rock star, content marketing is showing the world that you are one.” – Robert Rose
Madalas nating marinig ang dalawang sitwasyon pagdating sa mga kliyente: yung pakiramdam nila na “I need their help” o kaya naman ay “They need my help.”
Dito na pumapasok ang tinatawag na Content Marketing vs. Traditional Marketing.
Kung mapapansin mo, madalas ginagamit ang dalawang estratehiyang ito para makaakit ng mas maraming customers.
Pero para mas lubos mong maunawaan ang pagkakaiba nila, ikukumpara natin sila base sa kung paano sila nagwo-work.
Narito ang 4 na bagay na kailangan mong malaman tungkol sa Content Marketing vs. Traditional Marketing:
1. Interruption vs. Non-interruption
- Traditional Marketing: Isang uri ito ng interruption marketing at advertising. Ito yung mga tipong may biglang mag-a-appear na ad campaign para magbenta ng produkto o serbisyo habang may iba kang ginagawa, tulad ng mga TV commercials. Kadalasan, wala kang makukuhang direktang value o tulong mula rito.
- Content Marketing: Kabaligtaran naman ito at kadalasang ginagawa ng mga professional online creators. Isa itong non-interruption marketing kung saan nagdaragdag sila ng value sa karanasan ng tao at talagang nakakatulong sa mga nakikinig o nanonood ng kanilang campaign.
2. Selling vs. Helping
- Traditional Marketing: Isa lang ang layunin nito, ang makabenta ng produkto o serbisyo. Kung papansinin mo, direktang pinag-uusapan sa traditional marketing ang mga item na pwede mong bilhin agad.
- Content Marketing: Mas nakatutok ito sa pagtulong kaysa sa pagbenta. Alam ng mga tao kung kailan at saan sila binebentahan, at madalas ayaw nila doon. Ang gusto nila ay ang impormasyong tunay na makatutulong sa kanila.
3. Event-based vs. Consistent Message
- Traditional Marketing: Halos lahat ng marketing ng mga negosyo ay "event/campaign-based," kung saan naglalabas lang sila ng ad kapag may bago silang produkto o serbisyo. Okay ito kung gusto mo lang magbenta ng mabilisan.
- Content Marketing: Kabaligtaran nito ang content marketing. Dito, bumubuo ka ng trusted bond sa iyong audience sa mahabang panahon, kung saan consistency is key.
4. Expense vs. An Asset
- Traditional Marketing: Gumagastos ka rito ng pera. Kapag huminto ka na sa pagbabayad o natapos na ang binayaran mong oras, magtatapos na rin ang campaign, at mawawala na ang investment mo roon.
- Content marketing: Isa itong uri ng campaign kung saan nagbibigay ka ng value sa iyong audience na hindi basta-basta nawawala. Ang content marketing ay isang asset sa iyong negosyo na hinding-hindi magtatapos o mawawala ang bisa.
Are you ready to change the way you communicate?



Discussion (0)
Leave a comment
No comments yet. Be the first to share your thoughts!