Nahihirapan ka bang makapag benta ng product at services mo Online?
Madalas na nasa Online Business at mga Online marketer ito ang problema nila. Hirap na hirap at halos walang pumapansin ng mga product nila.
Marami na rin akong nakitang mga strategy na hindi talaga nagwowork at mga strategy na talagang nakapag bigay sa mga successful entrepreneur ng mga magandang result na gusto nila.
Naalala ko dati back 2015 nang magsimula akong mag promote ng product at services, nahirapan din ako dati at halos walang nakikinig at pumapansin sa mga post ko.
Doon talagang naghanap ako ng mga strategy online, may pagkakataon pa nga na nagawa ko pang bumili ng online course para magawa kong mapalaki ang sales ko pero ganun pa rin, wala pa ring nangyari.
Sa dami ng mga Online Sellers at mga Marketer na nagsilitawan ngayon sapat na ba ang Products at merchandise, at Social media account?
Or course not!
Kailangan gumawa ng ingay para mapansin at habulin ng customers.
So, Paano? Ano ba ang sikreto?
1. Review Your Product/Services
Review your product using Video or Blog post. Mas nakikita kasi ng mga prospect kung paano ito nakatulong sayo, ano ang kagandahan ng product o services inooffer mo at paano rin ito makakatulong sa kanila.
Sa paraang ito mapapataas mo ang brand credibility ng product o services mo.
Magkakaroon ka rin ng visitors confidence, viral potentials, increased conversions and more more more trust.
Napakalagi ng ng benefits kapag meron kang review sa product o services na inooffer mo.
2. Create a best advertising Image
Kung ikaw ang tatanungin, maganda ba na ang sini-share mong advertising image ay “Okay lang,” o “Pwede na ?”.
Diba hindi?
Mas maganda kung yun ay Best, yung tipong may Wow Factor.
Dapat picture pa lang nakakahikayat na.
Alam mo bang sa mga advertisement ay 80% ang unang unang tinitingnan ng mga prospect ay ang image or video? 15% lang sa headlines at 5% sa body?
Napakalaki ng effect ng Video o Image sa isang ads dahil ito ang nakakahikayat sa mga prospect.
Hindi mo kailangan maging pro sa pagkuha ng images or video.
Pag-aralan lang ang proper lighting at flattering angles para makuha mo ang best image or video na hanap mo para sa ads.
3. Be Unique But Simple
Kung ikaw ang tatanungin, bakit sila bibili sayo kung meron naman sa iba?
Bakit nila mas pipiliing maging loyal sayo kung meron namang mas the best sa iba?
Kung product ang pag-uusapan kailangan mong pag-isipan kung paano ile-leverage pagdating sa Quality, Packaging o Presentation, Pricing, at Promos o Giveaways.
Kung services naman, ano ang ginagawa mo na hindi ginagawa ng karamihan? at Ano ang ibibigay mo na hindi kayang ibigay ng karamihan?
Hindi mo kailangan maging kumplikado para maging kakaiba, madalas kung sino pa yung simple sila pa yung kakaiba.
Hindi lang nagtatapos dyan, kailangan mo silang ulit uliting ligawan para maging loyal sila sayo at bumili ng paulit-ulit.
4. Be Consistent
Kailangan mong maging consistent. Kung gaano ka ka-passionate noong sinimulan mo, dapat ituloy-tuloy mo lang ito.
Don’t put an Online Business or Don’t Join in Online Business Opportunity kung wala ka namang planong palaguin ito.
Araw-arawin mo at itodo mo.
At ito ang magiging dahilan para makilala at habulin ka ng mga prospect clients mo.