May dalawang mangingisda
Ang gamit nila pareho sa pagingisda ay fishing tackle.
Yong isa matagal nang naghihintay pero walang nakukuha.
Pero yung isa magaling talaga, marami syang nakukuha.
Sa tuwing nakakabingwit sya ng isda ang ginagawa nya tinitingnan nya, kapag medyo may kalakihan binatato nya pabalik.
Tapos ang kinukuha lang nya yong maliliit.
Hindi na nakatiis yong katabi nya,
Sabi nya don sa katabi nyang mangingisda,
“Sir, mawalang galang na ho, ako kanina pa ako naghihintay dito pero ni isa wala ako makuhang isda pero ikaw marami ka nang nabibingwit.
Pero may napansin po ako sir.
Bakit po kapag malaki ang nakukuha nyo binabalik nyo sa ilog?”
Sabi ng isang mangingisda,
“e, kasi maliit lang ang lalagyan ko, tingnan mo ohh!. Ang nilalagay ko lang dyan ay yong magkakasya.”
Imbes na bumili sya ng malaking lalagyan mas pinili nya yong available na lalagyan kahit maliit.
Ang problema satin, kung mapapansin mo katulad nang isang mangingisda, magaling sya mangkuha ng isda pero pinipili nyang bitawan ang malalaking isda kasi pinagkakasya lang nya ang isda sa maliit na lalagyan.
Katulad natin binibitawan natin yong mga malalaking pangarap o goal sa buhay natin dahil iniisip natin na hindi natin kayang maabot dahil mahirap lang tayo, wala tayong talent o hindi tayo nakapag tapos nang pag-aaral. Kaya yung malalaking opportunity na dumarating sa’tin binibitawan natin lalo na kung mahihirapan tayo don.
Kung baga nanatili tayo sa maliit na lalagyan.
Kaylangan mong mangarap ulit at mag set ng malaking goal.
Anong next na kailangan mong gawin para makuha mo ang pangarap na yon at ang goal na yon?
Important Practice To Get Your Goal
Habit.
Kailangan mong sanayin ang sarili mong gumawa ng mga Good Habit.
Ano ba yung Good Habit na yon?
Ang Good Habit ay yung mga bagay o gawain na makakapag bigay sayo ng results o mga bagay na tutulong para makuha mo ang goal mo.
Let say for Example.
Isa kang Freelancer designer. Ang goal mo ay maging # 1 freelancer designer pero hindi pa ganun karami ang market mo kaya hirap kang makakuha ng client.
Ang ginawa mo para maraming makakita ng design mo ay gumawa ka ng Facebook page at nag post ng mga sarili mong design. Gumawa ka rin ng Blog para mas lumaki ang market mo at nag aral ng mga strategy.
Araw-araw mong ginagawa yan.
Ito ang Good Habit.
Ang Bad Habit naman ay yung gumawa ka ng mga bagay na walang kinalaman o hindi sayo makakapag bigay ng results.
Like. Nanuod ka mag hapon ng TV, o maghapon kang nag online games, etc..
Discipline.
Merong dalawang type of discipline na kaylangan nating i-practice, external and internal discipline.
External Discipline. Minsan kaylangan natin ng ibang tao to motivate ourselves at maging positive sa buhay. Magagawa natin yon kung makikisama o makiki salamuha tayo sa group of people na katulad din ng ating mindset.
For Example.
Ang Goal mo ay mag save ng Pera, so, makisama ka sa mga taong nakakapag save na nang pera. Or Ang Goal mo ay maging isang Entrepreneur, so, makisama ka sa mga entrepreneur.
Bakit?
Dahil yung positive energy at kung paano sila mag trabaho maadopt mo yon. May kasabihan nga kapag nakisama ka sa mga drug addict sa loob ng isang buwan, malamang drug addick kana rin. So, ganun din sa kahit anong goal. Kapag nakisama ka sa mga successful people malamang may posibility na maging successful ka rin dahil maadopt mo kung ano man ang ginagawa nila.
Internal Discipline. Alam naman natin lahat ng bagay ay nag sisimula sa sarili natin. Kahit anong talino natin, kahit gaano pa tayo kagaling kapag wala tayong self-discipline malamang hindi natin makukuha ang goal natin.
For Example.
Gusto mong magpapayat. Ang ginagawa mo nag i-excercise ka lang kung kaylan mo lang gusto. Ang tanong, papayat ka ba non?
So, dapat araw-arawin mo para pumayat ka at para makuha mo ang shape na gusto mo.
Ganun din sa pag kuha ng kahit anong goal dapat meron tayong self-discipline na araw-arawin yung mga kaylangan nating gawin.
Action.
Ito ang pinaka mahalagang practice na kaylangan mong i-apply para makuha mo ang goal na gusto mo.
Ito yung favorite quotes ko “ACTION is the foundation key to all success.”
Kaylangan mong mag take ng action para makuha mo ang goal mo.
Kilala mo ba si Juan Tamad? Alam mo na ba ang kwento nya?
Nakakita si Juan Tamad ng isang Prutas.
Ang ginawa nya tinitigan nya ito.
Makalipas ang ilang oras lumabas ang nanay nya.
Nanay: “Juan nasan kana ba?”
Juan: “Inay, nandito po kumukuha ng prutas”
Nanay: “Anong ginagawa mo dyan Juan”
Juan: “Hinihintay ko pong malalag itong prutas para makain ko.”
Katulad ni Juan nihinihintay natin na may dumating satin na opportunity pero sa katunayan marami nang dumaang opportunity satin hindi lang natin kinuha, hindi lang tayo nag take ng action para kunin ito.
Kung gusto mong makuha ang goal mo at ang mga pangarap mo sa buhay kailangan mong mag take ng action para kunin ito. Dahil hindi ang opportunity ang kukuha sayo kailangan mong kunin ito.