Lagi mo bang tinatanong sa sarili mo
“Bakit ako pinanganak ng ganito?”
“Bakit kami mahirap.”
Yung feeling na hindi ka masaya sa buhay mo dahil parang may kulang.
May gusto kang gawin pero hindi mo kayang gawin.
Sa tingin ko karamihan sa mga tao na gumigising sa umaga na mayroong parehong tanong sa kanilang isipan. Gumigising sila na mayroong pagkabalisa, wala sa mood at mayroong negatibong pag-iisip. Sinisimulan nila ang kanilang umaga ng tanong “bakit ganito ang buhay hindi maganda at masaya, bakit madilim ang kanilang mundo?.” Hindi nila makita sa kanilang sarili ang positibong mga bagay.
Unsatisfied is one of the cause of stress and failure of moving forward.
Kung baga hindi natin maisip ang mga positibing bagay at lagi nating nakikita ang mga negatibong bagay dahil hindi tayo satisfied kung ano mang mayroon tayo.
Bakit nga ba hindi ka masaya at hindi ka satisfied sa buhay mo? Ito ang ilan sa dahilan kung bakit nakakaranas mo ang pag ka unsatisfied sa sarili mo.
You compare yourself to others.
Kung higit nating titingnan ang ating sarili sa kung anong meron ang ibang tao na wala tayo mas mararamdaman natin ang feeling na unsatisfied. Hindi mo pwedeng ipagkumpara ang iyong sarili sa ibang tao dahil dito magsisimula ang inggit. Minsan hindi masamang mainggit siguraduhin lang natin na nasa positive side tayo dahil kung hindi, yan ang magiging dahilan ng iyong malungkot at unsatisfied na buhay.
For example, tinitingnan mo ang isang tao para maging isang motivation at inspiration sa sarili mo para mag take ng action at makuha ang mga gusto mong marating, ito ay positive side na naibibigay sayo.
Pero kung tinitingnan mo ang sarili mo para ipagkumpara sa ibang tao o kung anong meron sila na wala sayo, ito ay negative side na maibibigay sayo at magiging dahilan ng pagkalungkot at unsatisfied na buhay.
You surround yourself with negative people.
Tandaan mo na isa tayong produkto ng environment. Kung napapalibutan ka ng mga negatibong tao, sila ay makakaapekto sayo. Alamin mo kung sino ba ang mga taong nagbibigay sayo ng negative energy at subukan mo gumugul ng mas kaunting oras sa kanila. Simulan mong makisama sa mga positibong tao dahil ito ay magbibigay sayo ng positive energy sa iyong buhay.
You hate your Job.
Dahil gumugugol tayo ng mas maraming oras sa ating trabaho, kung hindi mo gusto ang iyong trabaho, 100% sure ako na nabubuhay ka na unsatisfied at hindi masaya. Pero may kapangyarihan kang baguhin ito. Bakit hindi mo gusto nag iyong trabaho? Mayroon bang bagay na kaya mong baguhin? Kung wala, then start looking for another job. Bigyan mo lang ang iyong sariling tumungin kung anong mas magbibigay sayo ng kaligayahan.
You are highly focused on money and material things.
Ang pag focus sa material na bagay ay maaaring magbigay sayo dissatisfaction at kalungkutan sa buhay. Ito ay pwedeng magparamdam sayo ng panandaliang kasiyahan ngunit ang isang short term happiness ay mas mabilis na nawawala. Sa halip mag focus ka sa long term hapiness at success para makuha mo ang kasiyahan sa iyong buhay.
Kung unsatisfied ka sa iyong buhay dahil maraming negative energy ang nakapaligid sayo katulad ng mga negatibong tao, maliit na sahod, at marami pang iba. Join to Our Big Community.