Karamihan sa atin gustong makuha ang goals sa buhay. Sino ba naman ang hindi? Pero ang malaking tanong bakit hindi ba natin makuha ang goal natin?
Simple because hindi natin alam kung paano. Karamihan sa atin hindi talaga naituro kung paano ang proper goal-setting technique at walang kahit anong school ang nagtuturo dito.
Alam mo ba ang pinaka kalaban natin ay ang ignorance, yan ang nagi-stay satin sa takot at kahirapan kung bakit hindi mo makuha ang goal mo. Sabi nga,
“The less you know, the less you do. The less you do, the less you can achieve.”
So ano ang kailangan mong gawin? Pag-aralan kung paano mo makukuha ang goal mo.
Kailangan mong magpatuloy na magbasa ng mga libro at mag attend ng mga training.
Hindi ko sinasabi dito na bumalik ka sa pag-aaral. Maraming mga resources ngayon ang pwede mo ng pagkunan at malaman ang proper goal setting.
Maraming mga video at mga live webinar na nagtuturo about dito.
Invest in education. Hindi education na babalik ka sa college at mag-aaral ng course. Basically ang ituturo lang sayo sa karamihang school ay kung paano maging empleyado. Hindi ako tutol sa education system natin pero yan ang reality.
Invest in education na pwede mong makita sa mga mistakes at experience ng mga successful people. Yan ang pinaka best teacher na magtuturo sayo about real life at real success.
OBSERVE!
LEARN!
STUDY!
Magbigay ka ng effort para maalis ka sa pagkakakulong ng pagiging ignorance. Sa pagiging walang alam sa tunay na buhay,sa tunay na nangyayari.