Sa panahon natin ngayon hindi naman nauubusan ang mga gusto nating tularan.
Pwedeng gusto nating maging artista.
Gusto mong maging sikat na basketball player.
Gusto mong maging katulad ng mga successful entrepreneur.
So, marami.
Pero napag-isip-isip mo na ba kung ano ang ultimate goal mo?
Ito ang pinaka gustong gusto mong makamit.
Tipong iiwanan mo lahat ng goal mo sa buhay para makuha mo lang itong ultimate goal mo.
Dapat isipin mo nang mabuti kung ano ba talaga ang ultimate goal mo.
Paraan yan para tutokan at ibuhos ang panahon mo, energy, talino at resources sa pagtupad ng ultimate goal mo.
Paano mo ba malalaman o masasabing “Ito na yung Ultimate Goal ko! Ito na ang gusto kung gawin.”
Know Your Why
Dapat mong malaman na ang isang goal ay may isang rason kung bakit mo gagawin.
Ask your self, ‘Bakit ito ang goal ko?‘
Dapat klaro sa iyo kung bakit mo gagawin ang isang bagay o bakit gusto mong maabot isang pangarap. Para meron kang babalik-balikan kapag meron pagsubok na darating.
Dahil mas madaling mag quit sa isang bagay kaysa mag pursige kung hindi mo alam kung para saan ito.
Know Your Passion
Anong mga bagay ang gustong-gusto mong gawin?
Anong mga bagay ang hindi mo napipilitang gawin.
Kung baga, effortless ika nga.
Something na nag eenjoy ka.
Kung hindi naman kasama ito sa ultimate goal mo, mas magandang konektado ang iyong passion sa ultimate goal mo. Dahil makakatulong ito para mas mabilis mong makuha ang ulimate goal mo.
Don’t Rush Into It
Kung hanggang ngayon ay hindi mo pa rin alam ang pinaka ultimate goal mo. Wag kang magmadali, darating din yan.
Sabi nga, “ang kwento ng ating buhay ay mahirap hulaan at hindi dapat minamadali.”
Enjoy mo lang kung anong ginagawa mo. Kung anong interest mo sa buhay. At ayon! Darating ang panahon na nabubuhay kana para kunin ang ultimate goal mo o nabubuhay kana na nakuha ang ultimate goal mo.