Quote: “The higher you aim for dreams, the larger you appear to those who cannot reach the sky.”
Ano ang pangarap mo? Ano ang kaylangan mong gawin para marating mo ang pangarap mo? Ano ang mga steps na kaylangan mong sundan para makuha mo ang pangarap mo?
Imagine, malaki ang pangarap mo, malaki yong gusto mong marating, malaki yong gusto mong maabot para sa pamilya mo at sa mga mahal mo sa buhay.
At ang pangarap na yon ay makukuha mo ngayong araw na ito.
Pero bago mo makuha ang pangarap mo, meron kang dapat gawin ay ang akyatin ang building na yan para makuha ang Billion of CASH na tutupad ng pangarap mo.
Makukuha mo lang ang Cash na yon kapag narating mo ang tuktuk ng building na yan na hindi gumagamit ng gahit ano at ang mag sisilbing hagdan mo lang ay ang mga box na bakal na nakausli sa building.
Ang tanong ko sayo, “Aakyatin mo ba ang building na yan?”
Malamang sa malamang hindi. Sino ba naman ang taong magsasakripisyo para akyatin ang building na yan para lang sa pera na nakataya naman ang buhay nya?
Pero paano kung asawa mo ang nandon plus ang Billion of CASH na tutupad ng pangarap mo?
Aakyatin mo ba yon?
Malamang hindi siguro. Okay naman ang asawa mo don e may Billion of Cash pa sya yon nga lang kahit kaylan hindi sya makakababa.
Pero papaano kung, sabihin natin na may sakit ang anak mo, ooperahan sya at ang makakagamot lang nun ay ang asawa mo at ang CASH na nasa taas ay ang gagamitin mo para pambili ng gamit para maoperahan ang ANAK mo.
Malamang kahit anong mangyare, kahit nakataya pa ang buhay mo aakyatin mo ang building na yan.
So, bakit ko ba ito sinasabi sayo?
Ganito,
Alam mo bang maraming taong malaki ang pangarap? Alam mo bang maraming taong gustong yumaman? Alam mo bang maraming taong gustong mabago ang buhay?
Pero bakit hindi nila makuha yon?
DAHIL unang una hindi nila alam ang Biggest WHY nila.
Why people fail? dahil hindi nila alam ang biggest why nila.
Why have people fear to try? dahil hindi nila alam ang biggest why nila.
Try to think every single day and ask yourself, “What is my Biggest Why?”