Wala Akong Pera, Paano Ako mag i-Invest sa Knowledge ko?

June 26, 2018
neilyanto

Maraming mga marketers ang natatakot mag invest sa knowledge nila. Madalas iniisip natin ito na isang expenses para satin. Hindi natin nakikita once na mag build tayo ng knowledge at sini-share natin ito sa iba, doon mas possible na kumita tayo ng mas malaki sa business natin.

 

Noong bago lang ako sa business, sa network marketing business, ganito din ang mindset ko about building knowledge. Bakit ako mag aaral e mag iinvite lang naman ako. Yon ang katwiran ko dati. Kasi naman nakakatamad magbasa ng libro, ang daming nakasulat. Nakakatamad manuod ng Video nakakantok. So, ang dami nating dahilan. Kulang ang oras ko, mamaya na lang. Yung mga ganong dahilan. Yung mga libreng pdf nga sa internet hindi ko binabasa, paano pa kaya yang may bayad. Diba?

 

Kung baga hindi tayo naka focus sa pag build ng knowledge, naka focus tayo para lang kumita ng pera. Tingnan mo, mag research ka about sa mga milyunaryong tao kung tumigil na sila sa pag-aaral. Sila nga patuloy na nag-aaral para mas ma-improve at makasabay sila sa panahon, tayo pa kaya?

 

Kung ang product mo ay mga tangible products, nauubos yan once na binenta mo. At once na naubos bibili ka na naman ulit at maaubos na naman. Unlike sa knowledge na isang bilihan mo lang, lifetime mo na syang magagamit. Ang misconception kasi ng mga networkers, once na mag invest na sila sa product kikita na sila pagkalipas ng ilang araw, ilang linggo, ilang buwan ng limpak-limpak na salapi without building their knowledge. Maling mali diba?

 

Kailangan mo nang continues learning, ang learning hindi yan natatapos. Kung gusto mo talagang maging successful at makuha ang mga gusto mo sa buhay, patuloy at patuloy ka pa rin ang pag-aaral.

 

Noong mga panahon na nagsimula akong mag-aral about online marketing doon ko nalaman ang malaking pagkakaiba ng paid knowledge kumpara free knowledge.

 

Naniniwala ako na lahat na nasa Google at lahat ng information na gusto mong malaman ay free mo nang malalaman sa Google. Ang malaking pagkakaiba ng Paid knowledge ay organize ang mga training. Kung baga step by step mong malalaman yung mga information na kailangan mong malaman. Hindi katulad sa Free knowledge na, Yes malalaman mo at nasa Google na lahat pero maraming mga tutorial na minsan malilito ka dahil contradict sila sa isa’t isa, at minsan nga hindi talaga nagwo-work yon. Ang mahirap dito hindi mo sila matanungan kung sino man ang author ang gumawa nun. Hindi katulad sa Paid knowledge na pwede ka pa nilang i-mentor at magkaroon ng 1 on 1 coaching, pwede pa kayong mag-usap at pwede mo pang maiwasan yung mga hindi nagwowork. Ganun kalaki ang pagkakaiba ng paid at free knowledge.

 

Karamihan kasi ng mga tao ang katwiran e “Bakit pa ako bibili ng mga online course, ng mga audio book, ng mga eBook e Free lang yan sa Google.”

 

Ang tanong ko sayo,
“Bakit ka pa bumibili ng miniral water kung pwede ka naman pala kumuha ng tubig sa gripo?”
“Bakit ka pa bumibili ng mga gulay kung pwede ka naman pala mag tanim?”
“Bakit bumibili ka ng karne sa palengke kung pwede ka naman pala mag alaga ng baboy?”
“Bakit bumibilika pa ng lutong ulam kung pwede ka naman pala mag luto na lang sa bahay nyo?”
“Bakit kailangan mo pang bumili ng damit, pwede ka naman mag tahi?”
Bakit kailangan mo pang bumili?

 

Ano ang ibig kong sabihin? Binibili natin ang mga bagay-bagay dahil gusto nating mapadali, gusto nating mapabilis, mas maging convenience sa atin.

 

Kung baga kaysa i-risk mo ang sarili mo sa pag-inom ng tubug sa gripo, e, bibili ka na lang ng miniral water para alam mong safe tagala yon.
Kaysa magtanim ka ng gulay at hintayin ng ilang araw o buwan bago mo makain, e, bibili kana lang sa palengke.

 

Sa madaling salita, gusto natin mapabilis, madali at maging convenience satin ang mga bagay-bagay. Ganun din sa pagbili ng mga paid knowledge.

 

Kaysa magkaroon ka ng information overload dahil hindi mo alam kung ano ang uunahin mo at ano ang i-aapply mo, mas maganda diba na step by step mo na itong natututunan.

 

Karamihan ng mga bagong marketer, networker at nasa online business. Karamihan sa kanila ay mayroong background thingking. Katulad ng sa title ng Writin blog na ito, wala akong pera, paano ako mag iinvest sa knowledge? Background thingking yon.

 

Katulad, maggy-gym na lang ako kapag malaki na ang katawan ko. Kakain na lang ako kapag busog na ako. Diba? Parang sira lang, mag gy-gym kung kailan malaki na katawan? Syempre kailangan mo munang mag gym bago lumaki katawan mo. Katulad sa business, kailangan mo munang mag build ng knowledge at ng skills bago ka kumita ng pera. So, kailangan mo talagang mag invest sa knowledge mo bago ka kumita ng pera.

 

Kung nagsisimula ka pa lang sa ganitong insdustry, I recommend na mag invest ka sa knowledge about personal development, kasi nagsisimula ka pa lang. At pwede mo yung i-share sa iba para makapag attract ka rin ng same ng mindset mo.

Leave a Reply

Back to Archive

About Author

NEIL YANTO
Neil Yanto is a Video Creator and Online Entrepreneur. He helps Filipino Marketers and Online Entrepreneurs how to grow their marketing business from scratch across multiple marketing channels. READ MORE

Popular Post

October 28, 2024
COINTECH2U REVIEW - 99% Winning Rate Fake or Real
Read More
October 19, 2016
Content Marketing vs Traditional Marketing

  “Traditional marketing is telling the world you’re a rock star, content marketing is showing the world that you are one.” – Robert Rose   Nalaman ko ang dalawang strategies kung saan client feel “I need they help” or “They need my help”.   Ito ang tinatawag na “Content Marketing vs Traditional Marketing”   Kung […]

Read More
November 6, 2016
How to overcome Negative Thinking?

Quotes: “Once you replace negative thoughts with positive ones, you’ll start having positive results.” Mas madalas mo bang naiisip ang mga diffifulties, failure and disaster? Mas naiisip mo ba ang mga negative na napapanuod, nababasa at napapakinggan mo? Nakikita mo ba ang sarili mo na nahihirapan at walang kakayahan na mabago ang buhay? Madalas mo […]

Read More
Copyright © 2016 - 2024
Neil Yanto Blog
FOLLOW US

About me

Hello! I'm Neil Yanto, I'm a Registered Master Electrician. I’ve been working for almost 6 years in Engineering Industry before I went to Online Marketing. I started making blogs because I want to help my fellow citizens as well as share my ideas and knowledge about Online Business. I believe online business is a business of the future. Read More

Important

About MePrivacy PolicyTerms and ConditionsEarning DisclaimerLogin

Contact Us

Email: info@neilyanto.com