Madalas ka bang nakakaranas ng rejection sa prospect mo?
Madalas ka bang napag sasalitaan ng hindi maganda ng mga prospect mo?
Hindi man natin isipin talagang maraming taong hindi sang ayon sa system ng networking.
Ito ang tatlong dahilan kung bakit ba maraming taong negative pag dating sa network marketing business.
1. Siguro hindi nya lubos naiintindihan ang system ng network marketing.
2. Sumali na sya pero isa sya sa mga taong hindi kumita.
3. May kakilala sya na hindi kumita at nag struggle pag dating sa ganitong industry.
Kaya naman hindi natin masisisi ang mga taong ito na hindi maging negative pag dating sa ganitong industry.
Pero kung ang tanong mo ay paano mo mararansanan na walang mag rereject sa inooffer mo, ito ang ilan sa mga effective na paraan to get zero rejection.
1. Give something valuable. Maraming taong ang alam lang sa networking ay benta-benta or recruit-recruit, right? Dahil ito ang nakikita ng mga prospect natin. At yan din ang dahilan kung bakit maraming nag struggle sa networking dahil hindi sila magaling magbenta at hindi sila magaling makipag-usap sa maraming tao. Instead na mag benta tayo o makipag usap sa maraming tao, bakit hindi tayo mag bigay na something na pwedeng makatulong sa mga prospect natin to attract sa inooffer mo.
2. Influence your prospect by your goal. Maraming tao ang nag oobserve kung paano ba nababago ang buhay mo dahil sa ginagawa mo. At isa sa mga pinaka magandang paraan para maattract mo ang iyong prospect sa iyong business ay i-enfluence mo sila sa pamamagitan ng iyong goal, sa gusto mong marating at makuha sa buhay.
For example, ang gusto mo ay magkaroon ng time freedom. So, ipakita mo sa kanila yong time freedom na nakukuha mo dahil sa business na ginagawa mo ngayon.
3. Sell yourself not your product. Kung ang inooffer mo ay business opportunity wag mong ibenta ang product mo. Ang gawin mo ay ibenta mo ang sarili mo “promote yourself” at ipakita mo kung ano ba ang pwedeng maitulong mo sa kanila kapag sumali sila sa business mo, kapag naging partner kayo.
Pero isa sa Misunderstanding sa tactics na ito, ang ginagawa ng karamihan ay sinasabi nila “Kapag nag join kayo sa business ko tutulungan ko kayo”.
So, ano ba ang mali?
Ito. “Don’t tell to your prospect, show them”.
‘Till Next Post,