Nasubukan mo na bang manalo sa casino?
Yong tipong 1,500 mo uuwi kang ng 10,000. San kapa? diba?
Kung araw-araw akong mananalo nang ganito kalaki siguro aaraw-arawin ko nang mag casino.
Pero natanong mo na ba kung may nananalo ba talaga sa pagsusugal?
Kung tatanungin mo ako kung may nananalo ba talaga sa pag susugal, YES! Meron, yon ang banker.
Mananalo ka sa una pero sisiguraduhin nila na babalik at babalik ka at mapapansin mo na marami nang nawala sayo.
Gambling is like taking drugs na talagang hahanap hanapin mo kapag sinubukan mo.
Parang addiction na hindi ka magpapapigil.
Ganito kasi ang tao kapag nakatikim ng panalo sa pagsusugal, gusto nyang mas manalo pa.
Hindi sya titigil hanggang hindi nya makuha ang mas malaking digit..
Kapag natalo naman, ano ang gusto? Diba ang makabawi?
Ganyan ang tao ayaw magpatalo.
At ang gagawin tataya at tataya yan hanggang maubos na lahat sa kanya.
Kung meron kang kakilala na addicted sa gambling or any bad habit, wag kang matakot na sabihin at mag intervene.
Kung kailangan mong isumbong sa nakakataas gawin mo dahil walang adik ang aamin sa kanilang ginagawa.
Para sa kanila libangan lang ito.
Kung nakikita mo naman ang sarili mo na addicted sa masamang gawain like gambling or drugs.
Wag na wag kang mahiyang humingi ng tulong. Isipin mo ang mga mahal mo sa buhay at mga taong nagmamahal sayo.
Ginawa ko itong Blog post na ito dahil gusto kong kapulutan ng aral ang nagyare sa Resorts World Manila dahil sa pagsusugal nagawa ng isang lalaking kitilin ang sariling buhay dahil lang sa kagustuhan na makabawi sa pagkatalo.
Kailangan nating gawing Lesson ang nangyaring ito.
“Gambling has the highest suicide rate of any addiction.”
Feel and Think.
- Addicted ka ba sa masamang gawain?
- Kailangan mo ba ng tulong?