Sa panahon ngayon, maraming tao ang nakararamdam ng palaging pagod o tinatawag na chronic fatigue.
Hindi ito basta-bastang pagod na nawawala matapos ang pahinga o tulog. Bagkus, ito ay mas malalim at maaring makaapekto hindi lamang sa pisikal na aspeto ng buhay kundi pati na rin sa mental at emosyonal na kalagayan.
Ngunit bakit nga ba palaging pagod ang karamihan sa atin? Alamin ang mga posibleng sanhi, at tuklasin ang mga simpleng solusyon upang labanan ito.
Ano ang Chronic Fatigue?
Ang chronic fatigue ay ang kondisyon ng matagal at sobrang pagkapagod na hindi nalulunasan kahit pa sapat ang tulog o pahinga.
Maaaring ito ay sintomas ng mas malalim na problema o resulta ng hindi tamang pamumuhay.
Kung hindi ito agad matutugunan, maaaring magdulot ito ng seryosong epekto sa ating kalusugan at pang-araw-araw na gawain.
Bakit Palaging Pagod? (Mga Sanhi ng Chronic Fatigue)
May iba’t ibang dahilan kung bakit tayo nakakaramdam ng matinding pagod. Narito ang mga pangunahing sanhi:
1. Kulang sa Nutrisyon
Kapag hindi sapat ang pagkain ng masustansyang pagkain, nawawala ang mga importanteng vitamins at minerals na kailangan ng ating katawan upang mag-function ng maayos.
Ang mga processed foods ay maaaring magbigay ng panandaliang lakas ngunit nagdudulot din ng mas matagal na pagkapagod.
2. Stress
Ang stress ay isa sa pangunahing dahilan ng fatigue. Kapag lagi kang stressed, nagkakaroon ng hormonal imbalance sa katawan, tulad ng pagtaas ng cortisol levels, na nagdudulot ng pagkapagod at mahinang resistensya.
3. Walang Regular na Ehersisyo
Ang kawalan ng pisikal na aktibidad ay nagdudulot ng panghihina ng katawan at stamina.
Ang regular na ehersisyo ay mahalaga upang mapanatili ang tamang daloy ng dugo at oxygen sa katawan na nagbibigay enerhiya.
4. Puyat o Hindi Maayos na Tulog
Ang tulog ay mahalaga para sa pag-recharge ng ating katawan.
Kapag kulang o putol-putol ang tulog, naapektuhan ang ating focus, mood, at enerhiya sa buong araw.
5. Mga Health Issues
May ilang sakit o kondisyon tulad ng anemia, diabetes, at thyroid problems na nagpapalala ng pagod.
Mahalaga ang regular na check-up upang malaman kung may mas malalim na sanhi ang nararamdamang chronic fatigue.
Paano Malalabanan ang Chronic Fatigue?
Huwag mag-alala dahil may mga simpleng paraan upang labanan ang chronic fatigue. Narito ang mga hakbang na makakatulong:
1. Kumain ng Healthy Foods
Magdagdag ng prutas, gulay, at whole grains sa iyong diet. Ang mga pagkaing ito ay puno ng vitamins, minerals, at antioxidants na nagpapalakas ng katawan at nagtatanggal ng toxins.
2. Mag-Exercise Regularly
Kahit simpleng walking, jogging, o stretching, malaking tulong ito para mapanatili ang tamang daloy ng dugo at mapalakas ang energy levels.
3. Matulog ng Maayos
I-prioritize ang 7-8 oras na tulog gabi-gabi. Magkaroon ng consistent sleep schedule at iwasan ang gadgets bago matulog upang maiwasan ang distractions.
4. I-manage ang Stress
Maglaan ng oras para sa relaxation techniques tulad ng yoga, meditation, o simpleng deep breathing exercises. Ang paglalaan ng panahon para sa sarili ay mahalaga upang mabawasan ang stress.
5. Mag-Take ng Food Supplements
Ang tamang food supplement ay makakatulong upang mapunan ang kakulangan sa nutrients at mapalakas ang katawan. Isang magandang halimbawa nito ay ang Sante Barley Powder.
Ang Sante Barley Powder ay organic at puno ng nutrients na tumutulong upang mapanatili ang kalusugan at sigla ng katawan. Narito ang ilan sa mga benepisyo nito:
Energy Booster
Ang Sante Barley Powder ay may natural enzymes at chlorophyll na nagbibigay ng dagdag enerhiya at tumutulong upang mabawasan ang pakiramdam ng pagod.
Pampalakas ng Immune System
Mataas ito sa Vitamin C at antioxidants na tumutulong sa paglaban sa stress at sakit.
Better Digestion
Mayaman ito sa fiber na tumutulong upang mas ma-absorb ng katawan ang nutrients mula sa pagkain.
Detox Benefits
Nililinis nito ang katawan mula sa toxins na maaaring sanhi ng pagkapagod at mababang energy levels.
Hello! I'm Neil Yanto, a content creator and entrepreneur with over 115,000 subscribers on YouTube. I create blogs and reviews to share my knowledge about online business and help others make informed decisions. I believe that online business is the future of entrepreneurship.
Cryptocurrency trading has seen exponential growth in the past few years, and with it, several platforms have emerged to cater to the needs of traders and investors. One of the most recognized names in the industry is OKX, a global cryptocurrency exchange offering a wide range of features and tools. If you’re looking to understand […]
One of the most frequently asked questions on my YouTube channel is whether Online Reading Media (ORM) is a legitimate platform or just another scam. What is Online Reading Media? According to their company profile, ORM is an online platform where employees can supposedly earn money by reading books and novels. They claim to pay […]
Quotes: “Once you replace negative thoughts with positive ones, you’ll start having positive results.” Mas madalas mo bang naiisip ang mga diffifulties, failure and disaster? Mas naiisip mo ba ang mga negative na napapanuod, nababasa at napapakinggan mo? Nakikita mo ba ang sarili mo na nahihirapan at walang kakayahan na mabago ang buhay? Madalas mo […]
Hello! I'm Neil Yanto, I'm a Registered Master Electrician. I’ve been working for almost 6 years in Engineering Industry before I went to Online Marketing. I started making blogs because I want to help my fellow citizens as well as share my ideas and knowledge about Online Business. I believe online business is a business of the future. Read More