“Brad, wala kang gagawin magbigay ka lang ng pera kikita ka ng doble para sa pamilya mo at para sa mga pangarap mo sa buhay.”
Naranasan mo na bang ma-scam?
Ako naranasan ko na. Yung tipong nagbigay ka ng pera pero wala namang naibalik na kahit anong produkto o serbisyo sayo.
Ang sakit non diba? Matagal mong pinaghirapan na ipunin ang pera tapos ganun-ganun lang mawawala na parang bula na wala ka namang napakinabangan kahit isa.
Kagaya na lang nang napanuod ko sa tv kagabi. Isang Retired na scam ng mahigit kumulang 8 milyon.
‘Yung tipong 5 thousand pa lang masakit na sa puso 8 milyon pa kaya?
Meron namang nagsasabi na, “Ako hindi ako magbibigay agad don.”
Hindi natin masasabi, diba? Katulad kung ang isang scammer ay gumagamit ng pain and pleasure strategy. ‘Yung tipong gagamitin yong kahinaan mo para mapa OO ka lang nila.
Kaya naman ginawa ko itong blog post na ito para tulungan ka na makaiwas sa mga Petmalu at mga Lodi na Scammer. Ano ba ang mga kailangan mong gawin para makaiwas sa scam?
Educate Yourself
Marami satin na aware sa scam pero dahil na rin sa gustong gusto nilang kumita ng malaki o madoble/matriple ang kanilang pera pumapasok sila sa mga business na walang kasiguraduhan at nagbibigay sila ng pera sa mga taong hindi naman nila kilala.
Hindi rin natin masisisi ang mga taong nai-scam dahil malaki ang pangarap nila at gusto nilang bumuo ng mas magandang future sa family nila, yon nga lang napupunta sa maling pag iinvest ng pera.
Kaya naman bago pumasok sa isang business kailangan mo munang punuan ng kaalaman ang iyong isip. Kailangan mong pag-aralan ang mga tamanag paraan ng pag-iinvest ng malaking pera.
Kailangan mo ring i-identify ang mga popular scam na involve ang pera, alamin ang mga common practice ng mga scammer at i-recognize ang possible phishing scams o yung mga bagay na kailangan mong ibigay para masolusyonan ang problema mo.
Stop and Search
Bago mo ibigay ang pera sa isang agent o sa isang tao kailangan mo munang tumigil at mag search kung ito ba ay legit, meron ba itong mga dukomento, registered ba ito at ano ba ang company nila?
Hindi pa nagtatapos diyan, baka naman ang tao ang scam hindi ang company. So, tingnan mo kung totoo bang member ito ng isang legit na company o empleyado ba talaga ito o baka naman nagpapanggap lang.
Wag kang magdalawang isip na mag tanong sa company na irerepresent ng isang agent dahil reponsibilidad mo yon na mag imbestiga dahil magbibigay ka ng malaking pera.
Wag mag tiwala agad, suyurin at halungkatin mabuti bago mag invest ng pera dahil baka maging bato ang papasukan mo.
Tingnan mo din kung ano ba ang ginagawa ng agent. Ano ang pamumuhay nya? Saan sya nakatira? Magtanong ka ng personal na bagay sa kanya para malaman mo kung ito ba ay legit at mapagkakatiwalaan.
Lagi mong tatandaan hindi masama ang magtanong, magresearch at tumigil bago magsimula.
Invest With People You Trust not You Believe
Sabi nga ng iba wag mag tiwala agad at naniguro muna. Pag-aralan muna bago mag invest at magimbestiga muna bago magsimula. Pero kung meron ka namang kakilala na legit at matagal mo nang pinagkakatiwalaan bakit ka pa lilipat sa iba, diba?
Maraming scammer ang gagawin ang lahat para magtiwala sila sayo. Maraming scammer na mag iinvest at kukunin ang loob mo para magtiwala sila sayo. At papaniwalain ka nila na kailangan mo mag invest sa kanila.
Papaano mo ba magagawang mag tiwala?
Bibigyan ka ng flower o mga regalong hindi mo naman kailangan?
Papangakuan ka ng malaking kitaan o pagbalik ng mabilis ng pera?
Kung ganyan ang sinasabi sayo wag kag magtiwala.
Wag ka makipagkita sa public place, makipagkita ka sa company office nila at doon iproccess ang payment.
Kung online investment naman yan, tingnan mo kung ano ang lifestyle ng taong pina-follow mo.
Kung ito ba ay nagtuturo o nagpopromote lang.
Mag invest sa pinagkakatiwalaan mo hindi sa pinaniniwalaan mo.
Pag-aralan.
Maniguro.
Magsiyasat.