“Paano ba magkaroon ng qualified prospect sa networking business mo?”
Ito ang sa problema na kinakaharap ng mga networker kung paano sila makakakuha ng mga positive prospect o qualified prospect sa networking business nila.
Noong nasa offline marketing pa ako as a networker, marami din akong naranasan na mga rejections. Karamihan ng mga napapakitaan ko ng business opportunity ay mga negative pagdating sa networking. I struggle a lot and I felt na hindi ito ang industry na para sakin.
Pero noong natutunan ko yung isang strategy kung paano ako magkaaroon ng mga qualified prospect doon na ako nagsimulang kumita.
Kung gusto mong magkaroon ng good prospect, you should learn how to qualify your prospect.
Paano ba yon?
Pag sinabing qualify is not prejudging. Yung tipong sasabihin mo na,
“Hindi ito ang hinahanap ko.”
“Itong isa ito mukang mayaman ito ang i-invite ko.”
“Ito kaibigan ko iinvite ko ‘to.”
“Ito may pera to, ito wala.”
“Ito yon, huwag siya.”
Hindi ganun ang tamang pag ku-qualify ng prospect.
Alam mo bang sa ganitong type ng business, hindi lang sa network marketing business but in sales. ‘Yung mga taong ini-expect mong bibili ng product mo o sasali sayo ay hindi talaga sila yung sumasali o bumibili.
Kung sino pa ‘yong mga hindi mo inaasahang bibili o sasali sa business mo ay sila pa ‘yong nagjo-join o bumibili ng product mo.”
Parang nakakapag taka diba?
Pero kailangan na hindi ka magsayang ng oras sa mga maling tao o unqualified prospect. Meaning, the single most wasteful thing ay ang makipag usap sa taong hindi naman interesado sa product o services na inooffer mo, o kaya naman unqualified sila sa business mo.
Like for example,
Nagbebenta ka ng burger, pero ang binebentahan mo ay ‘yung mga taong katatapos pa lang kumain. Imagine na may bibili pa kaya sa kanila?
O kaya naman nagbebenta ka ng sabon na Gluta, pero ang binebentahan mo ay ‘yung mga taong mapuputi na. Isipin mo kung bibili pa kaya sila ng Gluta mo.
O sabihin natin na ang start up ng business opportunity mo ay P12,000, ang afford lang nila ay P4,000.
So, kahit anong pilit mo sa kanila kung busog naman sila, kung mapuputi naman sila o hindi nila afford yung mataas na start up ng business, hindi sila lalabas ng pera.
Para magkaroon ka ng good prospect ay kailangan na matuto ka ng mga qualifying questions. Alamin mo muna kung ano ang kailangan ng prospect mo, baka naman kasi ang gusto ng prospect mo ay ang business opportunity kung paano kumita pero naka focus ka sa product. So, kahit anong pilit mo sa product, e kung gusto nilang marinig ang kitaan hindi ka nila papakinggan at baka hindi na sila mag join sayo.
Ask question, “Bakit kayo nagkainteres sa business?“, doon mo malalaman kung sa product o sa opportunity sila naka focus. Then doon mo na i-present ang gusto nilang malaman.
Then, kailangan mo ulit mag ask ng questions pagkatapos mong i-present ang product o business opportunity. Then itanong mo kung, “Ano ang pinakanagustuhan mo sa presentation o sa video?”
Then doon muna i-qualified yung prospect, gamitin mo ang reason why o ang mga pinaka nagustuhan nila sa presentation.
Example: (Disclaimer – Hindi sa lahat ng oras effective itong script. Depende ito sa pag-uusap nyo ng prospect mo.)
Script: “Okay, magkano naman po ang kaya nyong i-invest para (use the reason why) matulungan nyo ang family nyo para (ano ang nagustuhan nya) possible nyo din pong magawang kumita ng P100,000 per month.”
Kung hindi naman niya afford ang price ng business opportunity mo. Pwede mong itanong sa kanya kung,
Script: “Ang price po ng product namin ay P12,000, kaya nyo bang gumawa ng paraan (use the reason why) para matulungan mo ang family mo?”
Kung hindi, tapusin mo agad ang pag-uusap pero mag-iwan ka ng possible na pwede nya pang magawa ito.
Script: “Okay po, sa tingin ko po hindi ito para sa inyo ngayon. It’s not necessary na bumili kayo ngayon. Pero naniniwala po ako na pwede nyong gawin ito sa mga susunod na araw. Kung dumating po ang araw na yon, I’m willing to guide and help you sa business.”
Sa paraang yon, binigyan mo sya ng paniniwala na kaya nya at willing kang tulungan sya.
Kung hindi qualified ang prospect, wag nyong awayin o sabihan masama dahil siguro ngayon hindi pa sya ready pero baka sa mga susunod na maging ready na sya. Kung sinabihan mo sya ng masasama, 100% na hindi na sya sasali sayo o kaya naman magiging negative na sya sa networking business.
Kaya maraming nahihirapang mag invite at magkaroon ng qualified prospect dahil hindi nila alam ang tamang paraan ng pagtatanong at pagsasagot.
“Traditional marketing is telling the world you’re a rock star, content marketing is showing the world that you are one.” – Robert Rose Nalaman ko ang dalawang strategies kung saan client feel “I need they help” or “They need my help”. Ito ang tinatawag na “Content Marketing vs Traditional Marketing” Kung […]
Quotes: “Once you replace negative thoughts with positive ones, you’ll start having positive results.” Mas madalas mo bang naiisip ang mga diffifulties, failure and disaster? Mas naiisip mo ba ang mga negative na napapanuod, nababasa at napapakinggan mo? Nakikita mo ba ang sarili mo na nahihirapan at walang kakayahan na mabago ang buhay? Madalas mo […]