Paano Kung Huling Araw Mo Na Sa Mundo?

November 7, 2017
neilyanto

Alam mo, marami akong kilalang hindi masaya sa kanilang ginagawa sa buhay.

 

Marami ang ayaw sa kanilang trabaho.

 

Maraming ang ayaw na bumabyahe papunta o galing sa trabaho at nasaStuck sa trapik 1 hanggang 3 oras kada-araw.

 

Ayaw nila ng nakakulong lang sa opisinanakatunganga sa computer, gumagawa ng paperworks.

 

Ayaw nila ang kanilang sweldo na nakapaliit at kulang pa pambayad sa mga bills at gastusin.

 

Ayaw nila ng malayo sa kanilang pamilya.

 

Alam ko kailangan natin gawin itong mga bagay na ito para mabuhay o mag-survive.

 

Pero hindi lang natin kailangan mag-survive. Kailangan din natin mabuhay ng masaya at komportable. Pwede naman tayong mabuhay dahil gusto natin yung ginagawa natin.

 

Kung ikaw ang tao na ayaw mo o sawang-sawa ka na sa ginagawa mo sa araw-araw lalo na sa iyong trabaho, paki-usap lang…

 

Huminto ka muna.

 

Tingnan mo muna saglit kung bakit hindi ka na masaya sa ginagawa mo.

 

Tingnan mo munang mabuti kung anong maari mong gawin.

 

Alam ko na gusto mo magbago ang iyong sitwasyon pero hindi mo lang magawa dahil nakakatakot.

 

Nakakatakot na baka mag-fail ka sa gagawin mong bago.

 

Nakakatakot na baka matuklasan mo ay hindi mo rin pala gusto.

 

Nakakatakot na baka hindi ka kumita tulad ng kinikita mo sa ngayon.

 

O baka nama’y natatakot ka sa sasabihin o iisipin ng iba sa’yo.

 

Ngayon, hindi ba’t mas malaki ang risk kung hindi ka aalis sa kalagayan o sitwasyon mo ngayon?

 

Kasi maari ka ring mag-fail o matanggal bigla sa trabaho. Maaring magbawas ng pasweldo ang iyong employer.

 

Maaring magkaroon ng malaking pangangilangan sa pangaraw-araw.

 

At ang pinakamabigat at pinakamalaking RISK sa lahat ay maaring nasa dulo ka ng iyong buhay at ngayon na pala ang huling araw mo sa mundo.

 

Tapos ang huling mararamdaman mo ay lungkot sa iyong buhay dahil hindi mo nagawa ang mga gusto mong gawin.

 

…Dahil hindi mo sinunod ang gusto talaga ng puso mo.

 

Alin sa dalawa ang mas kaya mong tiisin?

 

Sa dulo ng lahat, we will ask ourselves these 3 questions:

Did we live?
Did we love?
Did we matter?

Leave a Reply

Back to Archive

About Author

NEIL YANTO
Neil Yanto is a Video Creator and Online Entrepreneur. He helps Filipino Marketers and Online Entrepreneurs how to grow their marketing business from scratch across multiple marketing channels. READ MORE

Popular Post

November 23, 2024
Is Gunmart worth it? | Company Review
Read More
October 19, 2016
Content Marketing vs Traditional Marketing

  “Traditional marketing is telling the world you’re a rock star, content marketing is showing the world that you are one.” – Robert Rose   Nalaman ko ang dalawang strategies kung saan client feel “I need they help” or “They need my help”.   Ito ang tinatawag na “Content Marketing vs Traditional Marketing”   Kung […]

Read More
November 6, 2016
How to overcome Negative Thinking?

Quotes: “Once you replace negative thoughts with positive ones, you’ll start having positive results.” Mas madalas mo bang naiisip ang mga diffifulties, failure and disaster? Mas naiisip mo ba ang mga negative na napapanuod, nababasa at napapakinggan mo? Nakikita mo ba ang sarili mo na nahihirapan at walang kakayahan na mabago ang buhay? Madalas mo […]

Read More
Copyright © 2016 - 2024
Neil Yanto Blog
FOLLOW US

About me

Hello! I'm Neil Yanto, I'm a Registered Master Electrician. I’ve been working for almost 6 years in Engineering Industry before I went to Online Marketing. I started making blogs because I want to help my fellow citizens as well as share my ideas and knowledge about Online Business. I believe online business is a business of the future. Read More

Important

About MePrivacy PolicyTerms and ConditionsEarning DisclaimerLogin

Contact Us

Email: info@neilyanto.com