Minsan natanong mo na rin ba ito sa sarili mo?
“Paano ba magsimula?”
Isa man itong program, task na gusto mong makumpleto, o gusto mong magsimula ng bagong negosyo o producto. – Ang tanong, “Paano ba magsimula?”
Alam mo ba kung ano ang nakakatakot na bagay na magbibigay satin ng kakulangan na mag umpisa at pumapatay sa karamihang proyekto at gawain?
Procrastination is putting off the start. Kapag nag simula kang mag procrastinate don na magsisimulang mahirapan tayo na magsimula sa isang bagay.
How I Started
Noong sinimulan ko ang www.neilyanto.com, wala rin akong idea kung paano ba magsimula. Tumingin ako ng mga blogs at natakot ako dahil sa kanilang mga naaccomplished: hindi lang sa maraming nagbabasa kundi marami silang article na naisulat, magandang website design, unique domain name, maraming services at eBook na kanilang binebenta, at marami pang iba.
Hindi ko kayang gawin ang lahat ng iyon dahil I have a day job at hindi ako technical person pag dating sa computer. So, I skipped it all at nagsimula akong gumawa ng free account sa blogger at free trial sa Instapage.
Hindi ko inaasahan na madali lang at gumanda ang pakiramdam ko. Yung tipong nasa isip ko “YES!! Yayaman na ako.”
Then nagsimula na akong gumawa ng first blog post ko. Feeling ko nasa linya na ako nang magagaling na blogger. (Feeling lang yon.hehe)
Ito, kung paano ako nagsimula. Sa totoo lang mahirap sa umpisa pero kapag nasanay ka nang gawin ang mga bagay na araw-araw mo nang ginagawa, mapapansin mo na hindi na mahirap. Katulad ng first job mo, ganun din once na nagsimula ka nang isang bagay na first time mo pa lang gagawin.
Start a Task
Kung nabasa mo yung “How I Made My 1st MILLION by Chinkee Tan“, napakagandang libro, about ito sa direct selling. Madali lang basahin, 1 day tapos ko nang basahin ang libro.
Pero mas madaling basahin ang libro kaysa ipatupad ang mga nakalagay sa libro.
Tama diba? Maliban kung mas madali mong nasimulan.
Paano ka magsisimula sa isang task kung nag poprocrastinate ka dahil masyadong mahirap?
First, pick a task. I advice na magsimula ka sa madaling gawin, ‘yong tipong matatapos mo agad.
Start a Habit
Paano ba magsimula ng isang habit? Maraming tao ang naguguluhan kung paano magsimula dahil iniisip nila na mahirap.
“Starting is the key to a habit”. Kapag hindi ka nag umpisa, hindi ito kailanman magiging isang habit. Gusto mo nang isang exercise? Move and do your Job. Even just 5 minutes is all you need.
Dahil excited ka sa mga gawain mo, gusto mo nang gawin agad-agad. Nangyari din ito sakin, ‘yong tipong gusto kong gawin ang lahat ng bagay pero sa huli na pansin ko na wala pala akong natapos kahit isa.
I Advice na wag mong gawin lahat. Start as simply as possible.
Bakit? Mas easier kung ang gagawin mo ay tiny habits. Try mong simulang tumakbo 30 minutes a day, at try mo tumakbo ng 5 minutes a day. Alin sa dalawa ang mabilis mong magagawa? The answer is the easy way.
Kung gusto mong manatili ang iyong habit, start so incredibly simple that you can’t fail. Later Maaari mong pataasin ang iyong gawain and start a new habit. But START EASY.
Start a New Venture
Ngayong ready kanang simulang gawin ang mga task na kailangan mong gawin. Isang bagong magiging kabanata ng buhay mo – maaaring isang bagong negosyo at bagong buhay ang naghihintay sayo.
Start as simply as humanly possible. How simple can you make this new business? How simple can you make the product? Make it even simpler.
Hindi mo magagawang mag fail.
It is where new worlds are created, new journeys began, new lives are born.