Maghapon akong nag-iisip ng topic na isusulat ko sa Blog ko.
Ang hirap naman kasing mag-isip ng magandang Title at Topic para sa Blog.
Tapos ang dami pang Distraction na nakapaligid sakin.
Nag research na ako sa google at sa social media site pero wala pa rin.
Ano kayang nangyayari sakin?
Ang ginawa ko naglaro na lang ako ng Online Games, e, wala din naman.
Nang nasa gitna ako ng labanan bigla may pumasok sa isip ko.
Good Topic and Good Topic. PERO dahil nga nasa gitna ako ng labanan at malapit na kaming manalo. Sabi ko “Wait lang malapit na ito.”.
Inuna kong tapusin yung paglalaro ko.
And YES! panalo kami.
Ang score? 45-96.
Agad-agad akong pumunta sa Blog ko para isulat yung magandang Topic na nasa isip ko.
Nandon na ako sa Blog Post ko para isulat hanggang NAWALA AKO BIGLA.
“Nasan na?”
Yung magandang Topic at Title na nasa isip ko nawala bigla.
Talagang inisip ko. Alam mo nasa isip ko? Yong mga strategy kung paano kami nanalo sa Online Games na nilalaro ko.
Madalas tayong mga tao mas inuuna pa natin ang mga hindi importanteng bagay. Mas pinag binibigyan pa natin ng pansin yung hindi naman makakatulong satin.
Minsan ang nakakalungkot satin? Iniisip pa nating makatulong sa mga taong nakapaligid satin pero ang tulungan ang sarili natin? hindi natin maisip.
Sabi nga;
“Paano mo tutulungan ang ibang tao kung hindi mo tutulungan ang sarili mo.”
Kung naisip mo nang kunin ang pangarap mo gawin mo na ngayon. Dahil kapag hindi mo pa ginawa ngayon mapapansin mo na ang pangarap mo mahirap ng maabot dahil sa maliit na oras na lang ang natitira para kunin ito.
Piliin mong kunin ang pangarap mo ngayon.
Magplano ka kung paano makukuha ito.
Grab an opportunity na pwedeng makatulong para makuha ang pangarap mo.
Iwanan mo lahat ng bagay na pumipigil para kunin ang pangarap mo.
Pag-aralan mo and DON’T QUIT to you DREAMS.
Feel and Think
- Ano ang pangarap mo?
- Paano mo kukunin ito?
- Handa ka bang iwanan lahat ng pumupigil sa pangarap mo?