“Mamaya na lang! Bukas na lang!” Madalas mo rin bang sabihin ito sa sarili mo? Hindi ka nag-iisa kapatid. Kung hindi mo naitatanong, yang ang paborito kong sabihin kapag meron akong task na dapat tapusin. Napakasipag kong sabihin yan. Kaya naman lahat ng task na dapat kong gawin laging deadline kung gawin ko.
Pero lahat nagbago noong pumasok ako sa pagiging Online Marketer. Bakit? Merong mga bagay kapag nag set ka ng goal sa sarili mo kailangan mong makuha lalo na kung ang pag-uusapan ang future ng pamilya mo o ng mga anak mo.
So, bakit ba tayo nakakaranas ng ganong attitude?
Ang tawag dito ay Procrastination o yong pagpapaliban ng isang gawain na dapat tapusin. Kung minsan, ang procrastination ay nangyayari hanggang sa “huling minuto” bago ang isang deadline.
Ang procrastination ay galing sa isang behavior na ang tawag ay “time inconsistency” base sa Behavioral psychology research. Ang time inconsistency ay isang parte ng behavior ng utak ng tao na nagpapahalaga sa agarang reward o yung mga bagay na madaling makuha kaysa sa future reward o yong mga bagay na pang Long Term.
Para mas maintindihan mo, imagine na meron kang dalawang personality, ito ang Future Self at Present Self. Kapag nag set ka ng goal – like loosing weight or writing eBook or Saving money – ikaw ay gumagawa ng plano para sa Future. Nakikita mo kung anong gusto mong makuha sa iyong hinaharap. Mayroong mga pag-aaral na kapag nag-iisip ang isang tao para sa iyong Future Self, mas madaling makita ng isip ang mga mahahalagang bagay na kailangan gawin para sa makuha ang Long Term benefits.
Ganunpaman, kahit na ang Future Self ang nakakapag set ng goals, ang Present Self ang bukod tanging nagti-take ng action. Kapag dumating na ang araw na kailangan mo nang mag-decide, kailangan mo nang mag take action, nababalewala na ang Future Self. Dahil ikaw ang nasa present moment, at ang iyong isip ang ay nakatuon lang sa Present Self.
“Present Self really likes instant gratification, not long-term payoff.“
Marami satin na gustong maging matagumpay pero hindi natin kinukuha yon dahil masarap gawin ang mga bagay bagay na magpapasaya satin ngayon. Kung baga mas naiisip natin kaysa sa mag-ipon at palaguin ang pera, mas magandang bumili ng mga bagong gadget o gamit. Mas madaling kumain ng mas masarap kaysa pumunta sa Gym araw-araw. Mas masayang mag travel kaysa mag invest. Kaysa tapusin ang nasimulan mas masarap mag quit at kalimutan ang lahat.
Marami sa mga kabataan ngayon lalo na kapag pumasok na sa 21 to 22 years old, mayroon nang knowledge about saving for retirement pero mas madaling bumili ng bagong sapatos kaysa paghandaan ang retirement after 30 to 40 years.
Alam natin ang magandang benefits nag pag-iipon o ang pagi-gym pero dahil sa matagal natin itong dapat gawin mas naiisip natin na masarap yung pakiramdam ng pwede mong magawa ngayon kaysa maghintay ka pa ng ilang buwan, taon o dekada.
Ito ang isang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin makuha ng iyong goal o gustong marating sa buhay. O kaya naman kaya hanggang ngayon hindi ka pa rin kumikita sa business mo dahil sa isang dahilan, ito ay ang Procrastination.
“Traditional marketing is telling the world you’re a rock star, content marketing is showing the world that you are one.” – Robert Rose Nalaman ko ang dalawang strategies kung saan client feel “I need they help” or “They need my help”. Ito ang tinatawag na “Content Marketing vs Traditional Marketing” Kung […]
Quotes: “Once you replace negative thoughts with positive ones, you’ll start having positive results.” Mas madalas mo bang naiisip ang mga diffifulties, failure and disaster? Mas naiisip mo ba ang mga negative na napapanuod, nababasa at napapakinggan mo? Nakikita mo ba ang sarili mo na nahihirapan at walang kakayahan na mabago ang buhay? Madalas mo […]