Lahat tayo gusto natin guminhawa ang buhay. Gusto natin magkaroon ng business opportunity. Pero sa totoo lang ang isa sa pumipigil satin para magsimulang mag negosyo ay ang tinatawag na FEAR, ang takot.
Takot saan? Takot tayo sa Rejection, takot tayo sa failure, takot tayo kung magwo-work ito o hindi, at higit sa lahat natatakot tayo na malugi.
Gusto mo bang maalis ang takot na nararamdaman mo pag dating sa pagnenegosyo?
Most of the time kasi yong na nararamdaman natin ay yong takot na baka hindi mag work sa atin yong business na yon na gusto mong pasukin.
Like for example, pagpasok mo sa isang kwarto na madilim, diba madalas natatakot tayo. Iniisip natin kung “ano kayang nasa loob ng kwartong ‘to?”, ano kayang pwede nating makita, baka may multo, mga ganung pag-iisip. Para matanggal ang takot natin na yon, diba ang gagawin mo ay bubuksan mo ang ilaw. Kapag maliwanag doon na naaalis yong takot mo, diba? Wala namang dapat katakutan kasi maliwag na.
Ganun din sa pagnenegosyo, para hindi ka matakot na pumasok ulit sa pagnenegosyo, sa online business o sa mlm business o sa kahit anong marketing business pa yan, kailangan na mag aral ka muna, matuto ka muna, magtanong ka muna sa mga expert sa bagay na ganun. May kasabihan nga tayo,
To avoid fear of failing the business, learn the business first.
Learn from your mistake then ang unang hanapin mo ay kung paano mo magagawang madaming makakita ng business mo using proper advertisement o proper traffic strategy. Kasi kung gagawin mo na naman ulit kung ano ang ginagawa mo dati malamang sa malamang mag fi-fail kana naman ulit.
So, kailangan mo munang alamin yung way how to promote your business. Kasi kung alam mo na ang formula sigurado ako na magtatagumpay ka. Ang formula pala ay hindi lang sa maganda ang product at benefits business mo, ang formula pala ay dapat alam mo ang iba’t ibang way of proper promotion or proper attraction.
So, unang kailangan mong gawin ay;
- Study the Business – Kailangan pag-aralan muna ang business bago magsimula.
- Learn from your Mistakes – Matuto sa pagkakamali ng nakaraan para hindi na maulit na mag fail.
- Be brave and face your fear – Higit sa lahat maging matapang sa lahat ng oras at matutong harapin ang ating kinakatakutan.