Marami bang taong hindi sangayon sa ginagawa mo?
Marami bang taong hindi ka naiintindihan sa mga bagay na gusto mo?
Nararanasan mo rin bang sabihin nila ito sayo?
“Totoo ba yan? Baka naman scam yan?”
“Naniwala ka dyan?”
“Hindi ka aasenso sa ganyan”
“Naku sila lang yumayaman dyan”
“Mahirap yan”
“Magagaling lang ang yumayaman dyan”
“Kaylangan dyan madiskarte”
“Mga nauna lang yumayaman dyan”
“Ikaw yayaman? Sus! Mangarap”
Yong mga taong nagsasabi nang hindi maganda sa business mo, sa trabaho mo, sa pangarap mo, etc.
Yan yong mga taong tinatawag na “Dream Stealer” or tinatawag kong “TAE”, bakit tae?
Sila yong “Taong Ayaw sa Entrepreneur”.
Nakakatawa diba yong mga taong TAE.hahahaha
Pero maiba tao, Merong dalawang klaseng Dream Stealer
2 types of dream stealer
1. Unintentional Dream Stealers
Ito yong mga taong kapamilya mo. Yong mga taong hindi sinasadya na maging isang dream stealer. Yong mga taong concern lang sayo na ayaw ka nilang mag fail or masaktan sa ginagawa mo kaya parang naninegative ka nila.
Pero anong gagawin mo kung mangyare sayo ito?
Yong tipong negative na ang mga kapamilya mo sa ginagawa mo?
Ito yong dapat mong gawin. Kausapin mo sila at ipaliwanag mo kung bakit ginagawa mo ito o kung bakit kaylangan mong gawin ito. Sabihin mo yong reason why mo para maintindihan ka nila at para makuha mo yong suporta nila.
Pangalawang type ng dream stealer ay yong tinatawag na
2. Intentional Dream Stealers
Itong yong mga taong di mo kaano-ano, hindi mo kakilala or nakausap mo lang.
Yong taong kapag nakausap mo puro negative yong sasabihin sayo, puro negative yong ikukwento sayo.
Papaano mo ba maiiwasan ang mga taong ganito?
Naniniwala ako sa buhay natin hindi maiiwasan na makasalamuha o makakilala ng mga taong negative o yong mga tinatawag na intentional dream stealer. Nasa buhay na natin yan. So, hindi mo maiiwasan yan.
Ano ba ang gagawin mo?
Ang gagawin mo lang ay Totally Ignore this type of people. Kung baga dito mo gagamitin yong “pasok sa isang tenga labas sa kabilang tenga”. At hindi mo kaylangang makipag talo sa mga ganitong klaseng tao dahil ito yong mga taong sarado ang pag iisip.
Sa halip gawin mo silang Inspiration para makamit ang mga gusto mo sa buhay at ipakita mo sa kanila na hindi ka nila kayang matinag kahit anong sabihin or gawin nila.
Kung naghahanap ka ng mga taong Postive mindset at pwede makatulong sayo.
You are welcome to be part of our community.
Just Click Here