Mahilig kang mag sulat? Pero isa sa pinoproblema mo ay kung paano gumawa ng effective na title for your blog, article, presentation, atbp..
Kaya naman sinulat ko ito para makatulong sayo..
Alam mo bang katulad mo hirap na hirap din ako dati na pumili kung ano ang best title na ilalagay ko sa blog post ko. At talagang pinag-aralan ko at hinanap ko kung papaano ko magagawang mapapunta sa blog ko ang mga targeted prospect ko.
At alam mo rin bang hindi lang ako at ikaw ang nakakaexperience nito? Halos lahat ng blogger, writer at kung ano pa man ang tawag sa kanila ay na iexperience din nila ang ganitong problema.
Kaya ngayong araw na ito handa na akong ibigay sayo kung paano mo ba magagawang pumili ng best title para sa iyong blog na only your targeted reader lang ang makakabasa nito.
To Choose The Best Title For Your Blog Post is FOCUS IN THEIR PROBLEM
Dapat alam mo kung ano yong problema nila. In that case, makakapag attract ka ng mga readers na makakatulong sa kanila.
For example: Ang product mo ay water tumbler. So, ano bang pwedeng maging problema nila kaya dapat nilang gamitin ang water tumbler?
Ang pwedeng maging problema nila ay mas mapapagastos sila sa pag bili ng mineral water.
Pwedeng gawing title mo dito is; “How to Save Money by Buying these Small Things?”
Ang pwedeng mag click sa title na yan ay yong mga taong gustong makapag save ng pera imbes na gustong bumili ng water tumbler. Kung bago lang yang product na yan hindi mo na kaylangan magpaliwanag don sa target prospect mo.
This is only the idea na pwede mong gamitin.
At wag na wag mong kakalimutan na sa title na gagawin mo ay dapat binibida mo ang targeted prospect mo. Dapat malaman nya na yong title na yon ay para sa kanya na parang kinakausap mo sya.
Ito yong ginagamit ko kung paano ako gumagawa ng effective title for my blog post at ito rin ang ginagamit ng mga successful blogger and entrepreneur sa kanilang blog.
Sana marami kang natutunan.