Alam ko nasabi mo na rin ito sa sarili mo at ilang beses mo na rin itong ginawa?
Paano ko nasabi?
Naalala mo ba yong bata ka pa?
Yong times na nahihirapan ka sa isang bagay at hindi mo makuha, iniiwanan mo at sinasabi mo na “Ayaw ko na ang hirap naman”.
At hindi mo napapansin hanggang sa pagtanda mo dala-dala mo ang salitang “AYAW KO NA.”
Ayaw ko na dahil mababa ang sahod?
Ayaw ko na dahil nakakastress.
Ayaw ko na dahil ang hirap, hindi ko alam kung papaano gagawin.
Ayaw ko na dahil ayaw kong masaktan.
Dahil dyan napakadali nating sumuko sa isang bagay.
Hindi mo pa ginawa ang best mo suko kana.
Hindi kapa nakakapag simula at iniisip mo pa lang ang isang bagay suko kana agad.
Papaano mo makukuha ang gusto mong makuha kung sa umpisa pa lang sumusuko kana?
Wala namang madaling gawain.
Meron bang bagay na titingnan mo lang tapos makukuha mo?
Yong nakatayo ka lang pero may lalapit sayo at magbibigay ng gusto mo?
Wala naman diba?
Yong pang liligaw nga o pag pili ng nililigawan kaylangan mong magbigay ng effort, time at feelings para makuha mo.
Ganun din sa ibang bagay.
Kaylangan mong paglaanan ng effort at time para mapitas mo ang isang prutas.
Hindi mo makukuha yong ng isang iglap lang, ng isang oras o isang araw lang.
Mahabang panahon ang gugugulin mo para makuha mo kung anong gusto mo sa buhay.
Fell and Think
- Anong dahilan bakit gusto mo nang sumuko?
- Hindi mo na gusto ang ginagawa mo o nahihirapan ka lang at maraming distraction sa paligid kaya hindi mo magawa ng ayos?