Ang Affiliate Marketing ay hindi madali katulad ng sinasabi ng ibang Guru.
Walang magic push button para maging isang successful sa ganitong industry, walang 3 step system ang kailangan mo lang gawin para maging milyonaryo.
Ang affiliate marketing ay isang business model at katulad din ng ibang business, tumataas ito at tumabaa. Mayroong magagandang araw at mayroon namang hindi.
Sa kabila ng lahat ng ito, ang affiliate marketing ang isa pa rin sa pinakamadaling negosyong simulan kung saan ang income potential nya ay unlimited. Kailangan mo lamang malaman at sundin ang process kung nais mong maging matagumpay.
In this post, pag-uusapan natin ang 4 common Problem ng mga Affiliate Marketer at paano ito mao-overcome para magawa mong maging smooth ang iyong business. Kahit na ikaw ay nagsisimula pa lang sa affiliate marketing o matagal mo nang ginagawa ito pero nahihirapan ka pa rin, ito ang mga challenges na mai-experience mo na makaka effect sa affiliate marketing business mo. Ready ka na ba?
Getting the Right Information
Ang make money online industry ay polluted na nang mga scam at maling impormasyon.
Karamihan ng mga tao ay gustong makapag quit sa kanilang trabaho, magkaroon ng extra income, makaalis sa buhay may utang, maafford nila ang magkaroon ng magandang vacation, travel o magkaroon ng kotse. Ang mga scammer ay alam nila kung paano nila makukuha ang atensyon ng kanilang prospect, magbigay ng maling impormasyon at fake income results para magkaroon lang ng sales.
Pero mayroong mga fair amount of legitimate places online na nagbibigay ng tamang impormasyon para sa mga tao o para kumita sila sa ng pera online.
Karamihan sa nakaranas ng ganitong problema ay sila yung mga taong nabibigyan na ngayon ng tamang kaalaman pagdating sa affiliate marketing. Kung mayroon ka nang alam sa affiliate marketing at ngayon hindi mo ma-achieve ang gusto mong results sa pamamagitan ng sarili mong effort maaaring maranasan mo rin ito.
Ito ang paraan para makuha mo ang tamang impormasyon na kailangan mo nang sa ganun makuha mo na ang hinahangad mong income results sa pamamagitan ng affiliate marketing.
Para magtangumpay ka dito, ang kailangan mo ay impormasyon na makakatulong sayo para ma-build ang iyong long term business – information na malinaw sayo, step by step, relevant and timely. Hindi mo kailangan ng isang miracle information na magbibigay sayo ng success sa pamamagitan ng single method.
Kung babasahin mo itong aking website, malalaman mo na only e-Skulahan ang pinipromote ko dahil in my view, ang training dito ay para sa gustong kumita at malaman ang tamang strategy sa affiliate marketing. Dahil dito nakapag quit na ako sa trabaho at nagkaroon ng time freedom dahil sa product ng e-Skulahan.
Making Your First Commissions
Once na pumasok ka sa affiliate marketing, ito ang pinaka challenge na mararanasan mo – ang makuha ang first commission mo.
Para sa karamihan, mas pinaniniwalaan nila na para makuha mo ang first commission mo ay kailangan maniwa ka na ito ay wo-work. May iba naman na naniniwala na ang buong make money online ay isang malaking scam at hindi nila maisip na kaya nilang kumita sa ganitong industry.
Ang bawat isa ay magkakaiba talaga ng way of thinking at dito matutukoy kung kailan at gaano kabilis mong makukuha ang first commission mo. If you believe na hindi mo kayang kumita sa ganitong industry, malamang na tama ka. Dahil kung ano ang way of thinking mo ganun din ang result ng action mo.
Marami akong nakilalang mga marketer na hindi nila makuha ang first commission sa first month at mayroon naman na nakukuha na nila ang first commission nila in just 1 week dahil sa pagsunod nila sa training. Mayroon namang mga marketer na wala talaga silang nakuhang commission sa entire journey nila at sila ang mga taong nag quit ng mabilisan.
Ang reality is it takes time at kailangan mo nang consistency para makuha mo ang first commission mo katulad ng ibang business.
Dealing With Outside Pressure
Maaring mahirap makuha ang isang taong walang interes sa make money online at paniwalain sila na ang ginagawa mo ay maaring magbigay ng financial freedom. After all ang affiliate marketing ay hindi pinaka conventional career na pipiliin mo o business venture.
Maaaring ang family mo o close friends mo ay skeptical at hindi nila maintindihan ang ginagawa mo. Madalas ito ang sinasabi nila:
“Hindi magwo-work sayo yan!”
“Mahirap yan!”
“Maghanap ka nang magandang trabaho!”
“Scam yan, hindi ka kikita dyan!”
Yan madalas ng malimitan na maririnig mosa taong hindi sumusuporta sayo. Ang common objection na ito ay maaring madala sayo sa pag Quit at iwanan ang ganitong industry.
Kung nakakaranas ka ng ganitong challenges ang kailangan mong gawin ay isipin kung bakit mo ginagawa ito, ano ba ang gusto mo? At ano ang kailangan mong gawin para makuha mo ang iyong goals. Sabi ng. “Acknowledge the pressure and move forward.”
Related Blog Post: How To Deal With Dream Stealers?
Understanding Niche Marketing
Ito ang kailangan mong i-overcome dahil kapag hindi mo ito naintindhan kung paano nagwo-work ang niche marketing mahihirapan kang kunin ang first commission mo.
Noong unang pumasok ako bilang isang Affiliate Marketing nahirapan din ako sa pag-unawa ng niche marketing hanggang nakita ko ang e-Skulahan. Bago ko naintindihan ang critical piece na ito para maging successful, nagsimula muna akong mag promote na walang sinusundan.
Sa totoo, maaring kang kumita online sa kahit anong product. Pero ang niche marketing ay isang product na nagbibigay ng solusyon sa isang problema ng tao.
So, kailangan na maintindihan mo kung ano ba ang niche at ano ang problema na kinakaharap ng prospect mo na kailangan mong pagtuunan ng pansin para hanapan ng solunsyon.
Dahil dito maaring magbukas ang pinto ng isang buyers kung saan naghahanap sila ng solusyon sa kanilang problema.
For example, maraming taong nag-iisip na ang weight loss niche ay laos na. Pero hindi. Kailangan mo lang malaman ang tamang angle para tumaas sa search engine ng product mo. Kapag hindi mo naintindihan ang niche marketing, maaaring ang keyword mo ay “how to lose weight” o “how to diet” at mapapansin mo walang pumapansin sa product mo.
Pero kapag naintindihan mo naman ang niche marketing ay maaaring ang maisip mo karamihan na hinahanap ng prospect ay mismong ang product. Katulad, “acai berry to lose weight” or “does the Calorie Switch Diet work”
So kung gusto mong umangat sa mga bagong marketer, ang kailangan mo ay hanapin ang tamang niche at alamin kung ano ba ang common problem ng prospect.
Ito ang 4 common Problem ng mga Affiliate Marketer at paano mo ito mao-overcome.
Maghanap ng isang bagay na maaring magwork sayo at paghirapan ito. Kailangan mong mag commit sa isang bagay na magbibigay sayo ng iyong goals.
How do you find something that works?