Basic Effective Steps on How to Get Your Prospect’s Attention

March 2, 2017
neilyanto

Hirap ka bang makakuha ng customers?

Hirap ka bang mapansin ang product mo ng iyong prospect?

Kung yan ang problema mo gusto kong i-share sayo ang isang basic pero effective na paraan kung paano mo magagawang mapansin ng iyong prospect at mai-convert ito into sales.

Kung ang social media marketing ang gamit mong paraan para sa pag build ng iyong target market, this blog is for you.

Noon, ito rin ang problema ko. Hirap na hirap akong makakuha ng customer para sa business ko. Napaka ganda naman ng product ko, best selling product naman ito pero ang lagi kong tanong, bakit parang hindi pa rin ito patok?

Alam mo kung bakit? Bigyan kita ng example.

Bakit sa tv commercial gumagamit sila ng mga artista para sa advertising ng product nila?

Dahil sa influence. Dahil katiwa-tiwala na sila, kung baga binubuwis nila ang pangalan nila, ang pinaghirapan nilang pangalan para sa isang product. Sabi nga ni Mcdonalds, “Wala sa sarap ng fries yan, nasa pangalan”.

Sa dami na ng compitition ngayon sa market, san ka ba pwedeng mag focus para lahat ng irerefer mo kukunin nila?

Wag kang mag focus sa product, mag focus ka kung paano ka makakatulong sa kanila. Alagaan mo ang pangalan mo at pag aralan mo kung paano magiging maingay ang pangalan mo sa market.

Ito yong Basic pero effective na paraan na ginagawa ko para makuha ko ang attention ng mga prospect ko at ito rin ang gamit ng mga successful internet entrepreneur like Chinkee Tan and Bo Sanchez.

  • Clean your Social Media Profile

Teka!! Linisin??

“Yes”. Linisin mo ang Social Media Profile mo, dapat makita ng prospect mo ay social media hindi puro banners ng product, ng company or ng opportunity na inooffer mo.

Bakit? Kasi, tanungin kita, noong wala ka pang business, bakit ka pumupunta sa social media like facebook, twitter, or etc., para ba bentahan? Para ba bumili ng product? Para ba mag pa invite?.

“Hindi naman diba?”

Pumupunta tayo sa social media site para makipag socialize hindi para bentahan.

Kung may mga banner at offer ng product or opportunity na nasa profile mo, delete it. Dahil hindi yan nakakatulong para sa pag buo ng market. Yan ang dahilan kung bakit lumalayo sayo ang prospect mo.

  • Build Audience by adding friends or followers

Dapat makita ka ng prospect mo na kapakipakinabang ka. Dapat sabihin nya na,

“ui..magagamit ko to!!”hahaha. ”

“Matutulungan ako nito sa ganitong bagay, sa ganitong paraan”

Kapag nagawa mo yon, sila na mismo ang magtatanong sayo at don mo na pwedeng ioffer yong product mo. Pero hindi parang pabenta, parang nag rerefer ka lang.

Dapat magawa mong maraming makakita sayo.

  • Create Attention (Give Something Free)

Gumawa ka ng Call to Action. Ano ba yong pwedeng call to action.

Pwede, “Like this page”, “Click my website”, “Like this link”.

Pero lagi mong itatanong sa sarili mo, “What’s in it for me?. “Anong pake ko dyan?”, “Anong makukuha ko dyan?” para iclick nila yong Call To Action mo.

Dapat lagi mong ibibida ang prospect mo. Paborito nila yon, lagi mong gamitin yong word na “You”, “Ikaw”, “Sayo”.

Example. Product mo ay Sabon. Sabihin natin na Kojic Soap.

“Whiten Skin In Just 7 Days?

Click this link>>http://abcdefghi.jkl

to get Free Manual and Product how to get whiter skin In just 7 Days”

Pero pwede mo rin gawin ay story format. Kapag story format kasi mas nakaka relate ang mga prospect.

  • Encourage Engagement

Isa sa mas nagbigay sakin ng magandang results ay ang pag follow up ng mga prospect. Kasi don mo magagawang mag offer ng kahit anong products.

Kaylangan mong makuha ang information details nila like email or kaylangan mo silang mapa like sa page mo para magawa mong mafollow up o makita nila ang pinafollow up mo by posting in your page na may kasamang link ng product mo.

Remember na hindi mo kaylangan mag post ng banner ng products or ng opportunity. Dapat meron kang ginagamit na content page nandon ang lahat ng product o opportunity na inooffer mo.

Recommended Page: 4 Tools That Will Help You To Create Free Content

  • Reply To Their Comments (Building Rapport)

Isang paraan ng pag follow up ay ang pag reply sa comment nila.

By Building Rapport mas mapapataas mo ang influence rate mo pag dating sa industry na ginagalawan mo. Ang kagandahan pa dito, mas lalong mag va-viral yong post mo. Kung baga mas madaming makakakita nito.

Recommended Page: Facebook Posting Techniques That Most Marketer Don’t Know

Ito yong basic pero effective na paraan kung paano mo magagawang makuha ang attention ng prospect mo.

Kung nahihirapan kang bumuo ng system at ng strategy para dito.

Gusto kong mag bigay sayo ng free training video para mas lalo mo pang maintindihan para magawa mo yong nagagawa rin namin at ng mga successful entrepreneur.

Leave a Reply

Back to Archive

About Author

NEIL YANTO
Neil Yanto is a Video Creator and Online Entrepreneur. He helps Filipino Marketers and Online Entrepreneurs how to grow their marketing business from scratch across multiple marketing channels. READ MORE

Popular Post

November 23, 2024
Is Gunmart worth it? | Company Review
Read More
October 19, 2016
Content Marketing vs Traditional Marketing

  “Traditional marketing is telling the world you’re a rock star, content marketing is showing the world that you are one.” – Robert Rose   Nalaman ko ang dalawang strategies kung saan client feel “I need they help” or “They need my help”.   Ito ang tinatawag na “Content Marketing vs Traditional Marketing”   Kung […]

Read More
November 6, 2016
How to overcome Negative Thinking?

Quotes: “Once you replace negative thoughts with positive ones, you’ll start having positive results.” Mas madalas mo bang naiisip ang mga diffifulties, failure and disaster? Mas naiisip mo ba ang mga negative na napapanuod, nababasa at napapakinggan mo? Nakikita mo ba ang sarili mo na nahihirapan at walang kakayahan na mabago ang buhay? Madalas mo […]

Read More
Copyright © 2016 - 2024
Neil Yanto Blog
FOLLOW US

About me

Hello! I'm Neil Yanto, I'm a Registered Master Electrician. I’ve been working for almost 6 years in Engineering Industry before I went to Online Marketing. I started making blogs because I want to help my fellow citizens as well as share my ideas and knowledge about Online Business. I believe online business is a business of the future. Read More

Important

About MePrivacy PolicyTerms and ConditionsEarning DisclaimerLogin

Contact Us

Email: info@neilyanto.com