“Ginawa ko naman ang lahat ng sinabi nila pero bakit sila lang ang kumikita?”
Problema mo rin ‘yong tipong si upline lang ang kumikita ng malaki sa business pero ikaw zero cha-ching(commision) pa rin haggang ngayon?
Ramdam kita friend! ‘Yong araw-araw kang nag aattend ng training, ‘yong sinusunod mo naman lahat ng sinasabi ni upline, ‘yong gumagastos ka para sa mga invite mo para sa i-present ang business, at ‘yong aabsent ka sa trabaho para lang mag attend sa mga paid training na wala ka naman nakuha kundi power-power pa rin.
Pero sa lahat ng naranasan natin friend, sasabihin ko sayo na wala sa kanila ang problema. Wala sa upline mo, wala sa training at wala sa mga power ranger mong kasama na tumatambay sa office buong magdamag.
Alam mo kung nakanino ang problema?
NASA IYO FRIEND!
Hindi kita sinisisi kung bakit wala ka rin income hanggang ngayon. Pero the problem is, hindi mo makita ang sarili mo dahil sa iba ka naka focus.
Ano ba ang ibig kong sabihin?
Kaya hindi ka pa kumikita ngayon dahil hindi mo makita ang sarili mo na nag i-improve sa ginagawa mo. Napaka importante sa isang marketer na katulad mo na nag i-improve tayo every single day. Paano ka mag i-improve kung iba ang tinitingnan mo?
Kung nababasa mo ito ngayon, siguro ito na ang tamang oras para tigilan mo nang tumingin sa iba, tumingin sa upline mo at tumingin sa mga taong kumikita sa business nila. Simulan mo nang tingnan ang sarili mo.
Don’t compare yourself to others
May kasabihan nga,
FOCUS ON YOUR OWN SHIT!
Sabi nga, ang pagkukumpara sa iba ay hindi makakatulong sa pag improve ng pagkatao mo at lalong hindi yan makakatulong sa pag i-improve mo ng iyong skills. Yes! hindi masamang gawing motivation pero kung walang naitutulong sayo ang pag tingin sa mga resuls ng ibang tao, sa tingin ko hindi yan motivation.
Plain and simple.
QUIT comparing yourself to others.
Alam ko mas madaling sabihin kaysa gawin, pero kung ang behavior na ito ang sisira sa mga activities mo at pipigil sa iyong success, sa tingin mo hindi mo ba ititigil na tumingin sa iba?
Build Knowledge First
Isang reason kung bakit kumikita ang mga top earner sa company mo ay dahil may alam sila na hindi mo pa alam.
So, kaysa mag compare ka sa iba bakit hindi mo i-focus ang sarili mo sa pag build ng knowledge. May iba’t ibang level tayo ng pag-aaral. Kung beginner ka pa lang, focus in your personal growth. Kung may mga leads of prospect kana focus on how to answer objection and how the proper asking question. Kung kumikita kana, focus more on leadership and duplication.
Analyze Your Result
Ito ang napakahalagang bagay para makuha mo ang iyong success. Kailangan lagi mong ina-analyze ang iyong results positive o negative man yan para alam mo kung ano ang kailangan mong alisin, at ano ang kailangan mong itira na mga strategy.
Remember that, FOCUS ON YOUR OWN SHIT!, BUILD KNOWLEDGE FIRST AND ANALYZE YOUR RESULT.