“Mas madaling mag Quit kaysa gumawa ng effort”
Nakakatawang isipin pero totoo din naman. Madalas kung ano pa yung ayaw mong mangyari yon pa ang madaling gawin ng walang kahirap-hirap.
Nahihirapan kang gumawa ng kahit anong action na gusto mo, kasi mas inuuna mo pang isipin kung anong sasabihin sayo ng ibang tao kaysa sa kung anong magandang maidudulot sayo o sa pamilya mong dapat mong gawin.
Mas nauuna pa yung takot na baka magkamali ka muli kaysa sa dahilan kung bakit kailangan mong gawin ang bagay na ikakaunlad mo.
Bakit nga ba mahirap tapusin ang mga bagay na nasimulan?
Bago natin pag-usapan ang mga tamang pamamaraan kung paano mo mapapanatiling positive mindset, pagiging motivated sa isang bagay at higit sa lahat ang pagiging consistent, pag-usapan muna natin kung bakit may mga taong hirap na hirap tapusin ang mga nasimulan.
Na-experience mo na ba ito?
Excited ka dati na mag-umpisa at malinaw sayo kung ano ang gusto mo, then fast forward, ano ang nagiging ending? Bigla na lang itong nawawala at naglalahong parang bula.
Naranasan mo na rin ba ito?
Sa tagal-tagal kong naghahanap ng solusyon kung paano ako magiging consistent sa mga ginagawa ko o sa mga sinimulan ko, ito ang nadiskubre ko kung bakit maraming mga tao ang nabibigo at nauuwi ito sa pag ku-Quit.
Walang Plano
Wag kang magsimula ng kahit anong bagay kung wala ka namang plano.
Ilang beses kang nagsimula pero nauuwi ito sa wala, dahil wala kang plano. Kung hindi mo lalagyan ng plano ang lahat ng sisimulan mo, wala ring pagbabago. Ang pag galaw mo ay nagiging bara-bara dahil na ka depende lang ito sa kung anong mood mo. Paano kung hindi mo feel, e di wala kang gagawin?, e’ paano kung feel mong mag relax, e di wala kang magagawin? Gets mo ba Hindi pwedeng wala kang plano.
Ngayon, kung meron ka nang plano, simulan mo agad ito at i-apply mo agad ito. Then move on sa mga nakalipas na araw.
Walang Paninindigan
Wag mong simulan ang isang bagay kung hindi buo ang loob mo.
Dapat desidido ka! Hindi pwedeng interesado ka lang, dapat committed ka.
Dapat may disiplina ka!
Dapat may paninindigan ka!
Kahit anong mangyari, walang sukuan para sa pangarap.
Tandaan mo na ang gagawin mo ay hindi pang short-term, ito ay para sa future mo.
Walang Priority
Huwag kang magsimula kung wala kang Priority.
PRIORITIZE your ACTION at lahat ng pwedeng makatulong sayong mapabilis mong makuha ang gusto mo.
Kung hindi mo ito uunahin, maniwala ka, kahit ilang ulit kang mag simula walang mangyayari sayo.
Dapat ka bang mawalan ng pag-asa kung maraming beses ka nang nabigo?
HINDI! Lahat tayo nakakaranas na mabigo. Pero hindi ito dahilan para hindi ulit ito subukan. Sabi nga “WALANG MAWAWALAN NG PAG-ASA”
Ang umaayaw ay hindi nagwawagi. At ang nagwawagi ay hindi umaayaw!
So ready ka na bang Gumawa ng Desisyon at Action para sa gusto mo sa buhay?
Walang makakatulong sayo kung hindi mo sisimulang tulungan ang sarili mo.