Bakit Mahirap Abutin Ang Goal?

August 10, 2017
neilyanto
header ads

Set goal, make a plan, work, stick to it, reach concept presented on blackboard with colour notes and white chalk

 

Natatandaan mo pa ba kung anong goal mo? Paano kung tanungin kita kung ano ba talaga ang goal mo? Malamang hindi ka mahihirapan ma identify kung ano ang mga goal mo.

 

Gusto kong pumunta sa ganito.
Ang goal ko ay makapag ipon ng 100k.
Gusto kong magtayo ng negosyo.
Mabili ko ang sarili kong sasakyan.
Magkaroon ng sarili kong bahay.

 

Maraming goal ang pwede mong i-set up sa sarili mo. Pero ang tanong nakikita mo ba ang sarili mo ngayon na nakukuha kahit papaano, kahit paunti-unti ang goal mo? Nasa stepping stone kana ba to achieve your goal?

 

Kung YES! It’s Good for you. At least you are now on the road going to your goal.

 

Kung NO! Siguro meron kang dapat baguhin at malaman para marealize mo kung bakit hindi mo makuha ang goal mo sa buhay o sa sarili mo.

 

Ang tagal-tagal mo nang kinukuha ang goal mo pero hanggang ngayon wala pa ring progress. Nakikita mo yung mga kaibigan mo o mga classmate mo na gumaganda na ang buhay pero ikaw ganun pa rin. Kaya naman you are depress, down, o negative sa kung anong meron ka ngayon.

 

Pero pag-usapan natin, bakit ba mahirap abutin ang goal? Baka ito ang ilan sa dahilan kung bakit di mo makuha ang goal mo. Baka ito na ang sagot para marealize mo at malaman kung paano mo makukuha ang iyong goal.

 

Lack of Commitment

 

Ang pag set up ng isang goal ay hindi ibig sabihin maging committed ka mentally para makuha mo ang goal mo. Katunayan, ang ilan ay nagsasabi na ang commitment ay nagsisimula kapag sinimulan mong mag take ng action, kaya naman ang pag-iisip lamang ay hindi sapat.

 

Sa halip simulan mong mag research at simulan mong isipin kung ano ba mga task ang kailangan mong gawin para makuha ang iyong goal. Yes, naiintindihan kita, your daily life is busy. Dahil sa mga bagay na pumupuno sa ating mga araw, between sa iyong trabaho, family at social life, madali sa karamihan na isang tabi muna ang goal para sa mga ito. Kaya iniisip natin na mahirap kunin ang isang goal, na alam naman natin na para makuha ang isang goal ay isipin mo na kaya mong abutin ito.

 

Subukan mong alisin ang mga hindi importanteng bagay at bigyan ng maliit na oras ang bagay na magbibigay o patungo sa iyong goal, at malalaman mo na lang na nasa kalahati kana o malapit mo nang makuha ang goal mo.

 

It’s Just a Fantasy

 

Lahat ng goal ay nagsisimula sa isang DREAM, pero kailangan mas higit pa dito para ang isang goal ay iyong ma-achieve.

 

Madalas ang goal natin ay nakatuon sa positive, fantacy at negative side ng ating pag-iisip, nag sasama-sama sila lahat, maaaring magkaresulta ito ng isang pagkakamali at maaaring kapootan natin kung anong sitwasyon meron tayo ngayon.

 

Sa halip mag focus tayo sa dalawang bagay, subukan mong ipagkumpara ang dalawang pag-iisip. Una, isipin mo ang mga positibing bagay na inaasam mong makamit, pangalawa isipin mo ang mga negatibong bagay na pwedeng mangyari kapag hindi mo nakuha ang iyong goal. Ito ay mag bibigay sayo ng reality check at pilitin mag isip tungkol sa layunin kung tama lang ba na hindi mo makuha ang iyong goal.

 

Kapag lumapas ka sa step na ito maaari mong simulan ang mga effective na paraan kung paano mo makukuha ang iyong goal at simulang mabago ang buhay.

 

Focusing too Heavily on the Result

 

Madaling mag-isip tungkol sa resulta, ngunit maaaring tumaas ang iyong pagkabalisa sa pagkuha mo ng iyong goal. Kung ang pinag-iisipan mo lamang ang pagkuha ng resulta  maaaring maging mahirap dahil hindi mo nakikita kung anong mga step ang kailangan mong gawin para makuha ito.

 

Sa halip ay manatiling focus sa iyong task. Isipin mo ang proseso, make a list para sa mga task nagagawin mo, at tingnan mo na ang task na gagawin mo ay isang mini-goal para makuha mo ang iyong main goal. Hindi ito makakapag pataas ng iyong pagkabalisa kundi magbibigay ito sayo ng attention at focus don sa process ng pagkuha ng iyong goal.

 

Expecting Immediate Results

 

Ang goal ay mahirap kunin at dapat naiintindihan mo rin na hindi ito mangyayari ng overnight, na pagkagising mo mayaman kana. Bago mo umpisahan magtrabaho patungo sa iyong goal isipin mo kung gaano katagal mong maaasahang makuha ito.  “Be realistic” at wag mong pataasin o pababain ang iyong expectation. Kapag ito ay mataas mas malaki ang posibilidad na sumuko at kapag mababa naman mas madali mong mararamdaman na hindi mo makukuha ang iyong goal.

 

Ito ang ilan sa dahilan kung bakit hindi mo makuha ang iyong goal o madali kang sumuko na kunin ito. Maraming dahilan kung bakit mahirap kunin ang goal katulad ng ‘you are procrastinating‘, o ‘setting unobtainable goals‘ yung mga bagay na napaka imposibleng makuha, o ‘you don’t own the goal‘ kung baga nakikigaya ka lang, o ‘you’re not celebrating your success’. So, madami. Pero ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit mahirap kunin ang goal.

 

Ngayon alam mo na kung bakit hindi mo makuha ang iyong goal. Ito ang kailangan mong gawin. Take action para baguhin kung paano mo kukunin ang goal mo base dito sa mga dahilan kung bakit mahirap kunin ang goal.

 

Simulan mong mag bigay ng commitment sa iyong goal, make sure na ang iyong goal ay hindi only a fantasy, don’t focus heavily on your result, make a time bound for your goal, don’t procrastinating, set obtainable goals, make your own goal and celebrate your success.

 

I hope na nakatulong itong article na sinulat ko para ma enjoy mo ang iyong journey sa pagkuha mo nang iyong goal.

0 0 votes
Article Rating
after content ad
Subscribe
Notify of
guest
0 Posts
Newest
Oldest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
sidebar ads
sidebar ads b

Back to Archive

About Author

neilyanto
Hello! I'm Neil Yanto, a content creator and entrepreneur with over 117,000 subscribers on YouTube. I create blogs and reviews to share my knowledge about online business and help others make informed decisions. I believe that online business is the future of entrepreneurship.

Popular Post

January 10, 2025
SE Sports: A Legit Opportunity or the Ultimate Ponzi Scheme? Revealed!

In this blog post, we're going to discuss a platform that has been growing rapidly in 2025—SE Sports. We're going to explore if SE Sports is a legitimate way to earn money or if it's a platform we should avoid. What is SE Sports? For those of you who haven't heard about SE Sports, it’s […]

Read More
March 29, 2025
Elevate Global Review: A Potential Ponzi Scheme You Should Avoid

Elevate Global is an online platform that promises an "investment opportunity" combined with an affiliate or networking program. The platform was founded by Angelica Sinambal, who is introduced as the "Founder & CEO" of Elevate Global. According to the promoters of this platform, Elevate Global started as a private community in 2023 and went public […]

Read More
January 4, 2025
OKX Review: Is It the Best Crypto Exchange for Traders?

Cryptocurrency trading has seen exponential growth in the past few years, and with it, several platforms have emerged to cater to the needs of traders and investors. One of the most recognized names in the industry is OKX, a global cryptocurrency exchange offering a wide range of features and tools. If you’re looking to understand […]

Read More
Copyright © 2016 - 2025
Neil Yanto Blog
FOLLOW US

About me

Hello! I'm Neil Yanto, I'm a Registered Master Electrician. I’ve been working for almost 6 years in Engineering Industry before I went to Online Marketing. I started making blogs because I want to help my fellow citizens as well as share my ideas and knowledge about Online Business. I believe online business is a business of the future. Read More

Important

About MePrivacy PolicyTerms and ConditionsEarning DisclaimerBrand Deal GuidelinesLogin

Contact Us

Email: info@neilyanto.com
Neil Yanto Official Website™