Bakit Hindi Tayo Umaasenso?

November 1, 2017
neilyanto

Nagsawa ka na ba?
Dahil sa paulit-ulit na problemang hindi masolusyonan?

 

Mahabang traffic, hindi maayos na sistema sa gobyerno, mababang sahod, araw-araw sirang mrt at lrt, pagtaas ng gasulina at mga bilihin, sunod sunod na patayan at marami pang iba.

 

At ang masakit pa dito, ang malaking TAX na nakapatong satin pero makikita mo na nag aaway-away ang mga nakaupo sa pwesto gamit ang pera nating mga simpleng tao.

 

Masakit lang isipin, diba?

 

Pero kung ikaw ang tatanungin sino ba ang dapat sisihin?

 

Sisihin kung bakit hindi tayo umaasenso.

 

Kaya naman gumawa ako ng isang blog post para ibigay sayo ang mga dahilan kung bakit ba hindi tayo umaasenso at patuloy naghihirap ang ating bayan.

 

Reason #1: We’re not Systematic

 

Katulad ng bansa natin, ang mga tao dito at isipan natin ay watak-watak. Kung baga “Sabog” dahil siguro na rin sa iba’t ibang opinyon at gusto nating makuha.

 

Merong mga taong pansarili lang ang iniisip. Yung mga taong gagawin ang lahat para sirain ang ating sistema nang sa ganun ay makuha nila ang kanilang pansarilin interes.

 

Meron namang mga tao, karamihan sa atin ay “Genius”. Yung alam alaman. Akala nila nakakatulong sila sa bayan natin pero sila yung mga salot sa lipunan na dapat lipunin. Yung mga taong ayaw makinig at gusto lang pakinggay ay ang mga gusto nilang hinaing. Sila yung may mga pinag-lalaban para sa ikakabuti lang ng kanilang grupo pero wala namang inaayunan.

 

Oo, alam ko. Hindi naman ako kontra dito. Sabi nga kung may positive dapat may mga negative.haha

 

Meron namang mga taong gusto talaga maging mayaman kaya naman kumumuha sila sa pera ng bayan. Yung mga taong nakaupo sa pwesto na ang hanap lang ay bonus o project. Project na hindi naman nakakatulong at matapos tapos, e, nakakasira pa sa pang araw-araw.

 

Diba? Paano tao aasenso kung iba-iba tayo ng gusto.

 

Wala tayong sistemang sinusunod o wala naman talaga sigurong magandang sistemang nagawa o nabuo?

 

Ano sa palagay mo?

 

Reason #2: We’re not Follow Rules

 

Alam mo ba ang isang dahilan kung bakit traffic sa EDSA?

 

Simple lang ang sagot, dahil hindi nasusunod ang batas trapiko.

 

Simpleng pag tawid nga sa daan hindi pa natin madalas magawang umakyat sa foot bridge o sa pedestrian lane man lang.

 

Simpleng pag tapon natin ng basura sa tamang basurahan ay hindi pa natin masunod.

 

Simpleng pagsunod sa traffic light hindi pa natin magawa.

 

Maraming rules na akala mo hindi nakakaepekto pero malaki ang epekto nito sa atin.

 

Maliit nga lang yan pano pa kaya yung malalaki.

 

Paano tayo uunlad e kung sa simpleng bagay na yan ay hindi pa natin magawa kahit sa sarili lang natin?

 

Kailangan natin simulan ang isang magandang habit nang sa ganun sundan din ito nang karamihan.

 

Reason #3: We’re not Prioritize Value Over Price

 

Karamihan sa ating mga Pilipino ay mahilig sa mura pero hindi natin tinitingnan ang quality ng isang bagay.

 

Mura pero hindi naman tatagal.

 

Naalala mo kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin masolusyonan ang sirang MRT or LRT?

 

Dahil nag hanap sila ng isang contractor na mapapamura sila sa budget pero hindi naman satisfied ang services dahil hanggang ngayon ay napapamura pa rin ang lahat ng commuters.

 

Hindi natin tinitingnan ang tibay ng isang bagay, mas tinitingnan natin kung saan tayo makakatipid dahil minsan nasa isip natin na “Nasa pag gamit yan.”

 

Kahit ano pa ang alaga mo sa isang bagay na hindi naman matibay, masisira at masisira din yan nang mabilisan. (Sabi nga sa isang hugot lines)

 

Ito ang nakikita kong dahilan kung bakit hindi tayo umaasenso.

 

Ngunit lagi nating tatandaan na hindi na babase sa isang bansa o sa isang lugar o grupo ang pag asenso mo sa buhay.

 

Katulad ng mga dahilan na yan, kailangan mong magkaroon ng sistema sa buhay mo na susundan para hindi ka maligaw. Meron kang Rules sa buhay mo na dapat gawin para magkaroon ka ng magandang habit at kailangan mong tingnan ang quality ng isang bagay kung ito ba ay pang matagalan.

 

In other word, mas titibay ang ating bayan kung magsisimula ito sayo.

Leave a Reply

Back to Archive

About Author

NEIL YANTO
Neil Yanto is a Video Creator and Online Entrepreneur. He helps Filipino Marketers and Online Entrepreneurs how to grow their marketing business from scratch across multiple marketing channels. READ MORE

Popular Post

November 23, 2024
Is Gunmart worth it? | Company Review
Read More
October 19, 2016
Content Marketing vs Traditional Marketing

  “Traditional marketing is telling the world you’re a rock star, content marketing is showing the world that you are one.” – Robert Rose   Nalaman ko ang dalawang strategies kung saan client feel “I need they help” or “They need my help”.   Ito ang tinatawag na “Content Marketing vs Traditional Marketing”   Kung […]

Read More
November 6, 2016
How to overcome Negative Thinking?

Quotes: “Once you replace negative thoughts with positive ones, you’ll start having positive results.” Mas madalas mo bang naiisip ang mga diffifulties, failure and disaster? Mas naiisip mo ba ang mga negative na napapanuod, nababasa at napapakinggan mo? Nakikita mo ba ang sarili mo na nahihirapan at walang kakayahan na mabago ang buhay? Madalas mo […]

Read More
Copyright © 2016 - 2024
Neil Yanto Blog
FOLLOW US

About me

Hello! I'm Neil Yanto, I'm a Registered Master Electrician. I’ve been working for almost 6 years in Engineering Industry before I went to Online Marketing. I started making blogs because I want to help my fellow citizens as well as share my ideas and knowledge about Online Business. I believe online business is a business of the future. Read More

Important

About MePrivacy PolicyTerms and ConditionsEarning DisclaimerLogin

Contact Us

Email: info@neilyanto.com