Quotes: “You can’t get out of debt while keeping the same lifestyle that got you there. Cut out everything except the basics.”

Bakit kaya ang hirap mag-ipon?

Mahirap talagang mag-ipon PERO the ideas behind personal finance are easy, sa katunayan putting them into practice is incredibly hard.

Kaya maraming Pilipinong nabubuhay sa paycheck with paycheck and only 3 to 5 % of Pilipino ay namamanage nila ang kanilang wealth para makapag retired in comfort life.

The concepts are easy. Actually, making it happen? It’s very hard.

Bakit ba mahirap? Bakit maraming taong naghahangad ng magandang buhay at nagpaplano for financial success, PERO maraming pilipino ang nagfi-fail sa bandang huli.

Here are the 5 Reasons why most people fail in personal finance:

Reason #1: Spending Money Offers Positive Short-Term Feelings While Saving Money Does Not

Let’s be honest: masayang bumili ng bago, something na gusto natin. Meron something of pleasure na nararamdaman natin na nagmumula sa pagbili ng bagong damit, or bagong gudget, or bagong sapatos, or bagong books or ano mang bagay na pwede nating pagkagastusan.

Ang problema, yung positive feeling na nararamdamin natin ay hindi pangmatagalan. Maiisip natin na kaylangan natin ulet bumili ng mga bagay na yon para maramdaman natin yong panandaliang sayang naibigay satin.

Kaya naman mahirap nating bitawan yong personality natin na kapag meron tayong pera gastos at gastos pa rin ang naiisip natin kaysa mag-ipon ng pera.

Reason #2: Financial Goals Typically Take a Long Time to Achieve

Kung ikaw ay may malaking Goal about Financial na pinaplano ngayon, meron kang goal na gustong maachieve, kung iisipin natin making/saving a lot of money it takes time to achieve and measured in years or decades, not days or months. Lalo na kung ang goal mo ay financial freedom.

Kung papansinin mo, ang tao talaga ay maliit ang patient, kakaunti ang pasensya. Kapag nag start na yong araw na nahihirapan tayo or naiisip natin na tumatagal na or  matagal nating makukuha ang bagay na gusto natin dahil kaylangan ay taon bago makuha, don na nagsisimula na iwanan natin o mag give up don sa goal na nasimulan na natin.

At ang mangyayare maghahanap ulet tayo ng another goal na sisimulan natin. At madalas itong process na ito ay nagiging routine na sa buhay natin. Start making goal and give up then start making goal again then give up again. Life routine na natin hanggang tumanda tayo na walang nangyare.

Reason #3: Financial Goals Are Often Very Passive After the Initial Actions

Isang bagay ang kaylangan mong gawin para makuha mo ang financial goal mo sa buhay ay mag TAKE ACTION as fast as you can to get things in place, kapag nagawa mo yon, mas lalapit ka sa iyong goal at magagawa mong i-run as autopilot.

Yan ay isang magandang bagay in terms of consistency, Pero in terms of feeling na connected tayo sa goal natin at yong feeling kung papaano natin gagawin iyong bagay na yon, yon yong mahirap. Yung tagal ng araw na gugugulin natin para makuha natin yong goal natin ay pwedeng maging dahilan para madisconnect tayo sa goal natin at ang resulta ay madaling tayong mag fail and from there it’s easy to simply quit.

Reason #4: Financial Goals Can Seem Impossible to Reach

When you sit down at iisipin mo “magkano ba yong goal na gusto, ilang digit ba yong gusto kong savings”, madalas don pa lang iniisip na natin na hindi natin kayang abutin or pangarap lang yung ganung goal.

Kung titingnan mo, yong goal ay may required na magkameron ka ng ten times o mas mataas pa sa iyong annualy salary para makapag retired ka ng mas maaga o magkaroon ka ng savings na gusto mo. At nararamdaman natin na parang ang hirap abutin ng ganung goal.

Maraming Pilipino, don palang give up na sila. By not even trying. At dahil dyan, hindi na nila makuha yong gusto nila o mabuhay sa gusto nilang buhay.

Reason #5: Life Always Seems to Intervene

One big final reason why it’s hard to make financial progress is, well, dahil sa ordinary life.

Gaano man kaganda ang plano natin sa buhay, minsan ang buhay natin ay isang malaking Bad Timing. Pwedeng mawalan ka ng trabaho. Minsan magkakasakit ka. Palagi kang overtime sa work mo. Emergency na hindi ka handa.

At, with that, yong plano mo ay magsisimulang mawala. Yong landas na tinatahak mo, mapapansin mo na lang, pawala na nang pawala hanggang hindi mo na nagagawa.

Pero hindi lahat pwedeng mangyare sayo ito. YOU CAN TAKE ACTION NOW to protect your progress toward your big goal.

Think and Feel

  1. Anong mga dahilan bakit hindi mo magawang makapag ipon?
  2. Anong pumipigil sayo para hindi gawin yong dapat ginagawa mo ngayon?
  3. Anong mga paraan ang ginagawa mo para makuha mo ang iyong goal sa buhay?

‘Love What You Do and Do What You Love’ notes pasted on blackboard.

Quotes: “Find something in life that you love doing. If you make a lot of money, that’s a Bonus, and if you don’t, you still won’t hate going to work.”

Na experience mo na bang gawin yung bagay na hindi mo talaga gusto?
Diba ang hirap dahil ang bigat sa pakiramdam?
Parang ampalayang pilit mong kinakain.

Sabi nga ni Chinkee Tan “The single most wasteful thing that anyone can do is
TO DO SOMETHING THAT YOU AREN’T CALLED TO DO.”

Nakakapagod at nakakapanghina.

Matanong ko lang, bakit mo ba ginagawa ang work mo?
Gusto mo ba talaga ito o gusto mo lang kumita?

Kung magaling kang magturo bakit nasa warehouse ka?
Kung magaling ka sa art bakit nag engineer ka?
Kung magaling kang magluto bakit nasa admin ka?

Bakit ka pupunta sa North kung ang gusto mo naman puntahan ay nasa south?
Mapapagod at masasayang lang ang oras mo sa mga bagay na hindi mo naman gustong gawin.

Nasa PUSO mo ba talaga ang ginagawa mo o may pumilit lang sayo kaya mo ginawa?

awin mo kung ano ang gusto mong gawin. Kung kumita ka ng pera bonus na lang yon PERO I’m 100% sure na hindi mo araw-araw gagawin ang mga bagay na hindi mo gusto.

Think and Feel

  1. Gusto mo ba talaga ang ginagawa mo?
  2. May pumilit ba sayo o nasa puso mo ang ginagawa mo?
  3. Gusto mo ba ang trabaho mo o gusto mo lang kumita?

Siguro madalas mo nanag naririnig ito at nasabi na rin ito ng magulang mo, “Magsipag at magtiyaga ka lang aasenso kana!”

Kung ikaw ang tatanungin, naniniwala ka ba dito?

Alam mo bang karamihan ng mga tao ay naniniwala sa kasabihang yan? Masilag, maityaga at maniwala ka lang na kaya mong gawin, aasenso ka?

Magbigay tayo ng magandang halimbawa,

Si Jose ay isang mambubote, masipag sya dahil araw-araw syang  naghahanap ng bote, matiyaga sya dahil kahit sa mainit na araw patuloy pa rin nyang ginagawa ang trabaho nya at naniniwala sya na balang araw aasenso sya dahil masipag, matyaga at naniniwala sya sa kaya nyang gawin.

Ang tanong, aasenso kaya sya sa ganong proseso?

Malamang hindi.

So, ano ba ang kulang sa ginagawa ni Jose?

Ang kasama ng pagiging masipag at matiyaga ay ang dalawang ito:

1. Karunungan.

Hindi sapat na masipag at matiyaga lang tayo dapat meron din tayong alam. Bakit ba naging successful ang dating hindi successful? Dahil meron silang karunungan, masipag, matiyaga at

2. Madiskarte.

Maraming taong masipag, matiyaga at matalino pero iilan lang ang mga taong madiskarte. Alam nila kung saan nila gagamitin ang pagiging matiyaga, masipag at karunungan nila.

Maraming hindi nagiging successful dahil hindi nila makumpleto ang apat na ito.

Marunong sila, madiskarte at masipag pero hindi naman sila matiyaga, so, wala rin.

Matiyaga ka, madiskarte ka, marunong sila pero hindi sila masipag, so, wala rin.

Hindi sapat ang pagiging masipag at matiyaga dapat may karunungan ka at madiskarte ka sa buhay para makuha mo ang buhay na gusto mo.

If you like this post don’t forget to like and share.

Subscribe to our newsletter updates.

‘Till Next Post.

The only way to have financial, time and personal freedom is to have a business.

Tama ang nabasa mo. Para magkaroon ng Freedom ay kailangan mong mag decide ngayon na mag simula ng sarili mong negosyo.

Ito ang tatlong dahilan kung bakit kailangan mong mag simulang mag negosyo.

1. Job Security is a LIE

Ang iyong trabaho ay pwedeng mawala anytime. Pwede kang i-fire ng boss mo anytime na gusto nila. At advance technology na ngayon madalas na nag ta-trabaho.

Life for example, sa malalaking pagawaan ng tinapay. Kung papasok ka sa factory ay halos 80% ng gumagawa ng tinapay ay ang mga machine at ang trabaho na lang ng tao ay i-operate ang machine na yon.

Kung napapanuod mo sa news, robots and machines are coming.

2. The Fixed Salary is a TRAP

Kung hindi mo napapansin, tumataas na ang mga bilihin, pero ang salary mo ay hindi naman tumataas.

Yes, mayroon ka ng monthly income pero madalas hindi ito enough para tustusan ang mga expenses natin. Madalas tinatalo tayo ng expenses kaysa sa income natin.

3. Today is the best time to start a business.

Ang best time para magsimula ng business ay ngayon. Hindi bukas, hindi sa susunod na araw at hindi sa isang taon. NGAYON!

Kung plano mong mag simula ng negosyo sa retirement mo, malaki ang posibilidad na mabigo. Dahil wala kang karanasan sapaghawak ng isang negosyo. So better na mag fail ka ngayon  at matuto ng mas maaga hanggat maari.

Start to build the right mindset now.

Ang pagsisimula ng isang negosyo ngayon ay hindi maaaring maging risky sayo. Maari mong iwasan o bawasan ang risk level ng isang pagnenegosyo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman ng mas maaga at pagsisimula ng maliit.

Sa negosyo maaring mabigo ka sa una. Sabi nga ng mga successful entrepreneur, “So fail early, fail quickly, and fail small.

Tandaan na mayroong hidden magic ang isang failure at ito ay isang learning.

Kailangan mong gumawa ng desisyon na maging isang negosyante sa lalong madaling panahon. Maraming mga negosyo ang pagpipilian mo at mga opportunity. Kailangan mo lang buksan ang isip at isipan mo. Dahil ang isang negosyo ang magbibigay sayo susi para makuha ang iyong financial dreams at mangyayari lang yon sapagsisimula mo ng mas maaga.

P.S Gusto mo bang kumita ng 5% to 20% commission? Click here

Bakit kaya ang daling sumuko kaysa magpursige?

Mas madaling umayaw kaysa magpatuloy.

Ganyan kasi tayo, mas naiisip natin na hindi natin kaya o sasabihin natin na “Hindi ito para sa akin.” dahil ayaw nating masaktan.

Ayaw nating maramdaman yong pain of failure na nararanasan ng iba.

Siguro dahil takot tayo sa sasabihin ng ibang tao.
O takot tayo, sa sarili natin, na malaman na nagkamali tayo.

If you want to be successful, you need to continue whatever it takes and don’t quit.

Because if you QUIT, you start to FAIL.

Wag mong isipin ang sasabihin ng ibang tao. Isipin mo ang pangarap mo, isipin mo ang pamilya mo at kung sino man ang matutulungan mo.

Wag kang matakot na magkamali dahil may mapupulot kang learnings dyan at don ka mag sisimulang maging mature and wise.

‘Till Next Post,

In life, there are different paths to be successful.

Pwede kang maging isang BOXER, or Singer.
Pwede kang maging isang Artist,
Pwede kang maging architech or engineer
Pwede kang maging Lawyer or doctor,
Pwede kang maging Businessman or Entrepreneur,
Marami….

Pero sa lahat ng yan kaylangan mong i-develop ang talent, skills and knowledge mo para maging sucessful at maging matagumpay sa ganyang career.

Like Boxer, they need to build their skills and develop their body movement, strength and body speed.

Sa singer naman vocal cords, notes, and pitch.

Very important sa kahit anong career is a consistency.

Pero hindi mo magagawang maging isang successful kapag hindi mo rin pinag tuunan ng pansin ang iyong personality.

Ika nga, marunong ka pa rin lumingon sa iyong pinanggalingan. It means, kaylangan mong maging humble every time.

Isa rin sa kaylangan nating i-develop sa ating personality ay ang ating mindset at positivity.

Dahil kapag hindi natin na-develop yan, mapapagod tayo, masasaktan tayo, panghihinaan tayo ng loob, madedemotivate tayo.

But if you develop your mindset in one career and your positivity you can control your emotions whatever it takes.

Kung ano mang PATH ang pipiliin mo sa buhay para maging isang successful. Develop first your personality before the skills, talent or knowledge.

‘Till Next Post.

A money changer teller counts Philippine Peso in Manila on Monday, August 14, 2017. The Philippine peso has weakened 51-level to a dollar is beecause of the recent recent spats between officials of the US and North Korea. (KJ ROSALES)

Swipe dito, swipe doon.

Masarap talaga mag karoon ng credit card.
Hindi mo na kaylangang mag withdraw para lang mabili ang gusto mong bagay.

Ang sarap naman talagang mag enjoy sa buhay.
Kain dito, Bili doon, gala dito, gala doon.

Ang sarap ng buhay.

Pero naisip mo bang kapag gumamit ka ng credit card ay umuutang ka?

Okay lang naman diba? Lalo na kung may trabaho ka.

Tanungin lang kita, Paano kung nawalan ka ng trabaho na hindi mo pa nababayaran ang utang mo sa bangko?

Paano kung mas malaki na ang utang mo sa kinikita mo sa trabaho mo?

Masarap pa ba yan?

Pag-usapan natin ang tamang paraan ng pag-utang.

Alam mo bang ang mamayang tao at mga successful businessman ay nag simula rin sila sa pag-utang ng pera sa bangko?

Pero take note “Hindi para mag-enjoy sa buhay”.

Para mag simula ng sarili nilang buhay.

Ito ang tama at maling paraan ng pag-utang.

X. Magloloan ako pambili ng pangarap kong gudget.

C. Magloloan ako pang start ko ng small business.

X. Mag-aapply ako ng credit card pang travel ko.

C. Mag-aapply ako ng credit card para gamitin ko pang puhunan.

X. Magloloan ako para may ipon ako in a future.

C. Magloloan ako para pang invest.

X. I use my credit card for upgrading my lifestyle.

C. I use my credit card for trainings and seminars to upgrade my knowledge in my business

Maraming taong nababaon sa utang dahil hindi nila kuntrolado ang sarili nila sa pag-utang ng pera,
Hindi din nila alam kung saan nila gagamitin ang inutang nilang pera at
wala silang ibang source of income para pambayad sa inutang nila.

Kaya ang resulta? Baon sa Utang.

Kaylangan mong i-control ang sarili mo.
Pwede mong gamitin ang loan mo to make another money.

Maraming advantages ang pagloan/pag-utang pero kapag nagkamali ka kung paano mo gamitin mas malaki ang consiquenses ang pwedeng mangyare sayo.

Kaylangan mong maging responsible sa sarili mo para hindi ka mabaon sa utang.

Kung mangungutang ka dapat kaya mong bayaran, kung hindi, wag kana lang magutang.

‘Till Next Post.

Habang nasa trabaho ako.

Sabi ng katrabaho ko, “Ang kati ng palad ko, magkaka pera siguro ako?”

Sabi ko, “Pano mo nalaman? May ginagawa ka ba?”

Biglang sabi ko sa isip ko, magkakapera e wala namang sideline, pano magkakapera e wala walang ginagawa.

And after a week, nagkwento sya sakin, “Neil, sabi sayo e magkakapera ako. Ayan oh.”

Tumataginting na 10K ang pinakita nya sakin.
Sabay tanong ko sa kanya, “Pano ka nagka pera?”

Ang kwento nya sakin, nong kumati daw yong palad nya may tumawag daw sa kanya para magparepair ng bahay. Kaya nag ka Pera sya. Natapos nya kasi ng maaga.

Ikaw? Nangyare na ba sayo yon?

Yong biglang kumati ang palad mo tapos after a day or a week biglang may pumasok nga sayong income?

Hindi ako naniniwala sa miracle na pwedeng mag pumasok sayong income dahil sa himala.

Kaylangan mo pa rin mag trabaho para mangyare yon.

Pero naniniwala ako sa swerte, hindi yong swerte na tataya ka sa LOTO tapos bigla kang mananalo. Hindi yan.

Swerte dahil meron kang talent, skills and knowledge na pwede mog gamitin para kumita ng pera.

Alam mo bang yong katrabaho ko ay magaling na tobero at madiskarteng tao, kaya naman sa pag me-maintain ng bahay ay kayang kaya nyang gawan ng paraan. Dahil don sya nag kakaroon ng extra income at magaling din sya sa sellstalk technique pag dating sa paghanap nya ng client.

SWERTE dahil binigyan sya ng talent na ganun. Kung wala syang talent at skills sa ganung trabaho. Magagawa nya pa kayang magkaroon ng another income?

Ganun din sa kahit anong business, talent, skills and knowledge is another source of income na pwede mong gamitin.

Kaylangan mo lang hanapin ang SWERTE mo.

Ano bang mga bagay ang nagpapasaya sayo?

Kapag nahanap mo na, build a skills and knowledge dahil yan ang magbibigay ng SWERTE mo sa buhay.

Like and share this post.

‘Till Next Post.

Minsan ang hirap mag decide sa buhay. Kasi ayaw nating magkamali, ayaw nating mag fail.

Magtatanong tayo sa sarili natin, “Kaya ko kaya ito? Hindi kasi ako magaling baka magkamali ako”.

Madalas iniisip natin ang mga negative side kaysa sa positive side ng isang bagay.

Kasi naman simula bata pa lang tayo tinuruan na tayo ng magulang natin na matakot.

Naranasan mo na ba ito?

“Anak wag kang tumakbo, sige ka baka madapa ka dyan”.
“Anak pasok ka sa loob, may pulis dyan huhulihin ka”.
“Wag kang pumunta dyan, may multo dyan”.

Yong tipong nakasanayan na nating matakot at hindi i-try ang lahat ng bagay.

Kaya naman sa loob ng klase hindi tayo makapag taas ng kamay kapag nag tanongang teacher natin kahit alam natin ang sagot, dahil natatakot tayo baka mali ang sagot natin.

Hindi natin masabi na “Kaya ko yan!” dahil natatakot tayo na baka mag fail tayo.

Tanong ko lang sayo kapatid, Ano ang gusto mo?
Matakot habang buhay o gawin at i-try ang gusto mo?

So, you need to chooce. Maging mahirap habang buhay at tumanda na walang ipon? o Alamin kung paano ka makakaalis sa buhay mahirap at sumubok ng ibang bagay na makakatulong sayo?

You have a choices, at kung ano man ang piliin mo sa dalawang yan may pagkakataon kang mabago ang buhay mo. It’s either good or bad.

Ito ang powerful strategy ng buhay.

Choice, chance and change.

Tandaan mo, nasa sayo lahat ng desisyon at mangyayare sa buhay mo. Kung hindi ka pipili ng buhay na para sayo wala kang pagkakataon na mabago kung ano man ang meron at nasan ka ngayon.

‘Till Next Post.

Naalala mo pa ba yong araw na nawala sya sayo?
Ginawa mo naman ang lahat pero parang kulang parin.
Binigay mo naman kung anong kaylangan nya pero bakit parang hindi nya pa rin nagustuhan,naghanap pa rin sya ng iba?

Masakit diba? Masakit mawalan lalo na kung akala mo first commissions mo na yon pero naagaw pa rin ng iba.

Ano ba ang kaylangan nating gawin kapag nangyare satin yon?

1. Move on. Wag mong sisihin ang ibang tao kung bakit nawalan ka ng prospect or nawalan ka ng sales. Dahil ang prospect natin naghahanap din yan ng mga tao na MAS makakatulong sa kanila. Kasi ayaw nilang mag fail at masayang yong perang ibabayad nila.

2. Build Your Skills. Isang dahilan kung bakit hindi sila sumali sayo, nakita nila yong pag ka biggener mo. Mag build ka ng mga skills na pwedeng makatulong sayo then apply it to yourself. Hindi mo lang matutulungan ang sarili mo may maisi-share kapa sa mga partner mo in the future.

3. “NEXT” Strategy. Maghanap ka ng mas maraming taong pwedeng makakita ng inooffer mo. Siguro hindi talaga para sayo ang sales na yon, so, you need to do is next.

May kasabihan nga,
Kapag nareject ka, next.
Kapag may nag negative sayo, next.
Kapag may sales kana, next.
You need to do it next.

4. Don’t Quit dahil sayo din ang epekto nito. If you quit you fail.

I hope nakatulong itong blog post sayo.

Click like and share para makatulong ka rin sa iba.

Copyright © 2016 - 2025
Neil Yanto Blog
FOLLOW US

About me

Hi, I’m Neil Yanto — a content creator, entrepreneur, and the founder of an AI Search Engine built to protect people from scams and guide them toward real opportunities online. The main purpose of my AI Search Engine is to review platforms, websites, and apps in real-time — analyzing red flags, transparency, business models, and user feedback...Read More

Need to Know

About MePrivacy PolicyTerms and ConditionsEarning DisclaimerBrand Deal GuidelinesLoginAdvertiserPublisher

Contact Us

Email: info@neilyanto.com
Neil Yanto Official Website™