Nasubukan mo na bang manalo sa casino?
Yong tipong 1,500 mo uuwi kang ng 10,000. San kapa? diba?
Kung araw-araw akong mananalo nang ganito kalaki siguro aaraw-arawin ko nang mag casino.
Pero natanong mo na ba kung may nananalo ba talaga sa pagsusugal?
Kung tatanungin mo ako kung may nananalo ba talaga sa pag susugal, YES! Meron, yon ang banker.
Mananalo ka sa una pero sisiguraduhin nila na babalik at babalik ka at mapapansin mo na marami nang nawala sayo.
Gambling is like taking drugs na talagang hahanap hanapin mo kapag sinubukan mo.
Parang addiction na hindi ka magpapapigil.
Ganito kasi ang tao kapag nakatikim ng panalo sa pagsusugal, gusto nyang mas manalo pa.
Hindi sya titigil hanggang hindi nya makuha ang mas malaking digit..
Kapag natalo naman, ano ang gusto? Diba ang makabawi?
Ganyan ang tao ayaw magpatalo.
At ang gagawin tataya at tataya yan hanggang maubos na lahat sa kanya.
Kung meron kang kakilala na addicted sa gambling or any bad habit, wag kang matakot na sabihin at mag intervene.
Kung kailangan mong isumbong sa nakakataas gawin mo dahil walang adik ang aamin sa kanilang ginagawa.
Para sa kanila libangan lang ito.
Kung nakikita mo naman ang sarili mo na addicted sa masamang gawain like gambling or drugs.
Wag na wag kang mahiyang humingi ng tulong. Isipin mo ang mga mahal mo sa buhay at mga taong nagmamahal sayo.
Ginawa ko itong Blog post na ito dahil gusto kong kapulutan ng aral ang nagyare sa Resorts World Manila dahil sa pagsusugal nagawa ng isang lalaking kitilin ang sariling buhay dahil lang sa kagustuhan na makabawi sa pagkatalo.
Kailangan nating gawing Lesson ang nangyaring ito.
“Gambling has the highest suicide rate of any addiction.”
Naalala ko dati nong may gustong gusto akong sapatos. Nagkakahalaga yon ng P4,660.
Dahil gustong gusto ko nagtipid talaga ako para mabili ko lang yong sapatos na yon. Hindi muna ako sumama sa mga gala at nagbaon na lang ako para hind na gumastos ng lunch.
Pagkatapos ng isang buwan tuwang-tuwa ako dahil meron na akong pera pambili ng sapatos na yon.
Very excited talaga at agad ako pumunta sa lugar kung saan ko nakita ang sapatos na yon.
Pero bago ako dumating don meron akong intersection na dadaanan. Kahit saan naman ako dumaan, ang kalalabasan ko ay yong store kung saan ko nakita yong gusto kong sapatos.
Sa kanan halos walang dumadaan kasi ang madadaanan don ay mga bahay pero dito sa kaliwa puro tindaan ang madadaanan. Para ngang festival sa ganda ng lugar na yon at halos marami ang dumadaan.
Nakakatuwa!
So, sabi ko ang aga pa naman dito muna ako dadaan sa kaliwa para makapag tingin-tingin na rin.
Tumingin-tingin ako sa bawat store at nagulat ako kasi ang mumura ng mga bilihin. Nakakaingganyo talagang bumuli pero naisip ko may bibilhn akong sapatos.
Sa paglakad lakad ko may nakita akong damit ang mura lang P100, e, ang pera ko naman ay P5,000, so, binili ko na kasi sobra naman ang pera ko saka magadang klase yong damit na yon.
Sa paglakad-lakad ko ulit nakakita ako ng bag kaso ang problema, yong bag nagkakahalaga ng P500, kapag binili ko to kukulangin na ako pambili ng sapatos. Pero P500 lang yun, kung sa mall yon siguro nagkahalaga yon ng P2,000 to P3,000.
So, nag isip ako, marami akong mabibili dito kaya napag desisyonan ko na saka na lang ako bibili nong gusto kong sapatos.
Marami akong nabili at tuwang tuwa talaga ako.
Pagkarating ko sa bahay, nagulat ako kasi yong sapatus ko nasira na sa tagal ng paglalakad ko.
Nakita ko yong bag sa kwarto, kabibili ko lang pala ng bagong bag. At halos na pinamili ko meron na ako at yong iba hindi ko naman talaga masyado kaylangan. Naingganyo lang ako kasi ang mura ng mga bilihin pero yong pinaka kaylangan ko at pinaka gusto ko hindi ko nabili.
Katulad ng kwento ko,
Madalas tayong mga tao may gusto tayong marating sa buhay pero hindi natin marating dahil maraming distraction sa mga dadaanan natin. Mare-realize lang natin na nagkamali tayo sa pagpili kung anong dadaanan natin kapag nakita natin yong pinaka kaylangan natin sa buhay. Ang masakit pa dito, malalaman natin yon, kung kaylan matanda na tayo at hindi na natin kayang baguhin ang mga pagkakamali natin dahil kulang na tayo sa oras.
At madalas kapag nagkamali na tayo hirap na hirap tayong bumalik para ayusin ang pagkakamali at makitang maging matagumpay tayo.
Isa pang personality ng isang tao ay yong mag pa attract sa mga distraction. Mas ginugusto nating pumasok sa mga bagay na hindi naman makakatulong sa mga goal natin kaya naman mas madali tayong makaramdam ng negative at mademotivate cause ng pag quit sa mga pangarap natin o gusto natin sa buhay.
Kung isa ka sa nakakaranas nito, kaylangan mong pumili ng isang daan kung saan mas less ang distraction para makuha mo ang gusto mo sa buhay.
Makisama ka sa mga taong same ng goal mo at mga taong action taker. Dahil makakatulong ito para maattract mo ang positive energy at mindset na meron sila. Maiiwasan mo rin ang manegative at mademotivate.
Kung gusto mong makuha ang mga pangarap mo pumili ka ng lugar at daan kung saan mas madali mong maaot at makuha ang goal mo sa buhay.
Alam ko nasabi mo na rin ito sa sarili mo at ilang beses mo na rin itong ginawa?
Paano ko nasabi?
Naalala mo ba yong bata ka pa?
Yong times na nahihirapan ka sa isang bagay at hindi mo makuha, iniiwanan mo at sinasabi mo na “Ayaw ko na ang hirap naman”.
At hindi mo napapansin hanggang sa pagtanda mo dala-dala mo ang salitang “AYAW KO NA.”
Ayaw ko na dahil mababa ang sahod?
Ayaw ko na dahil nakakastress.
Ayaw ko na dahil ang hirap, hindi ko alam kung papaano gagawin.
Ayaw ko na dahil ayaw kong masaktan.
Dahil dyan napakadali nating sumuko sa isang bagay.
Hindi mo pa ginawa ang best mo suko kana.
Hindi kapa nakakapag simula at iniisip mo pa lang ang isang bagay suko kana agad.
Papaano mo makukuha ang gusto mong makuha kung sa umpisa pa lang sumusuko kana?
Wala namang madaling gawain.
Meron bang bagay na titingnan mo lang tapos makukuha mo?
Yong nakatayo ka lang pero may lalapit sayo at magbibigay ng gusto mo?
Wala naman diba?
Yong pang liligaw nga o pag pili ng nililigawan kaylangan mong magbigay ng effort, time at feelings para makuha mo.
Ganun din sa ibang bagay.
Kaylangan mong paglaanan ng effort at time para mapitas mo ang isang prutas.
Hindi mo makukuha yong ng isang iglap lang, ng isang oras o isang araw lang.
Mahabang panahon ang gugugulin mo para makuha mo kung anong gusto mo sa buhay.
Naramdaman mo na yong tipong gustong gusto mong makuha yong isang bagay pero hindi mo makuha?, at yung feeling na malapit mo nang makuha yong inaasam-asam mo?
Anong masarap na feeling sa dalawa?
Malamang ang pipiliin mo yong feeling na malapit na, diba?
Mas masarap kasi sa feeling kung positive na bagay ang makukuha mo kaysa negative, kapag negative masakit diba?
Pero tanungin kita, anong mas masarap na feeling sa dalawa, yong makuha mo yong bagay na pang long term success o yong bagay na pang short term success?
Di ko alam kong anong pipiliin mo.
Karamihan ng pinipili ng isang tao ay syempre yong pang long term success, diba?
Pero in reality, mas pinipili nila yong pang short term success.
Naniniwala ka ba don?
Tanungin kita, anong mas ginagawa mo? Mag ipon ng pera every month para kapag may emergency o para sa pagsisimula ng business may magamit ka.
O mag ipon ng pera para pambili ng damit, new gadget, travel o kung ano-ano pa?
Kung ang ginagawa mo ay mag ipon pera para sa emergency or business malamang long term ang ang nasa isip mo.
Pero kung ang ginagawa mo naman ay mag ipon para sa travel, new shoes, new gadget malamang ikaw yong taong mahilig sa short term.
Don’t get me wrong, hindi ko sinasabi na masama ang bumili ng bagong gadget, shoes, damit or travel. Kung ginagastos mo ay 10% lang sa savings mo Good for you. Pero kung nag iipon ka para pang gastos BAD for your wallet kung baga.
Mas magandang pag handaan ang long term kaysa sa short term. At mas marasap sa pakiramdam kapag na achieve mo yong pang long term na bagay kaysa sa pang short term lang.
Yong short term kasi mas mabilis mawala, malalaman mo na ang yong feeling na naramdaman mo mapapalitan na naman ng kalungkutan at yan ang nakakalungkot na reality.
Plan, save, and invest for the Long-term, not for a short term.
Noong nasa Offline Marketing pa ako marami akong nakakausap na tao, karamihan sa kanila hindi na naniniwala sa mga sinasabi ko kasi minsan na silang nabigo kaya ayaw na nilang mabigo ulit.
Yung tipong ibinaon na nila ang pangarap nila sa lupa. Kahit anong Power ang gawin mo, kahit anong sikap mo at kahit binigay mo na ang best sa kanila wala pa ring nangyayari.
Ito ang problema sating mga Pilipino, kapag nabigo tayo ayaw na nating sumubok ulit.
Kulang na lang nga magtutumbling ka para mapansin ka lang at makuha mo atensyon nila. Pero may ilan na ninakaw na ang pangarap nila. Marami ang may gustong mabago ang buhay pero may ilan na sa kanina ang hindi na naniniwala, yon yung tinatawag na zombie.
Naaawa ako sa mga taong ganun, makikita mo punong puno sila ng potential pero hindi na sila naniniwala. Mawala na ang lahat wag lang ang paniniwala at pangarap.
“Bakit pa ako mangangarap e wala namang nangyayari?”
“Ayaw kong maging mayaman kasi ang hirap maabot.”
Isinuko na ang bandera kahit hindi pa tapos ang laban.
Mahirap naman kasi bumangon galing sa pagkabigo. Okay lang naman magpahinga panandalian wag lang magpahinga ng pang habang buhay.
Kung ano man ang nangyare sa past, ilagay na lang natin ito sa past. Mahirap kapag walang pangarap. Buksan mo ang pangarap mo at simulan mong kunin ulit.
At wag kang mawalan ng pag asa.
Go! Get you dreams.
Ang hirap mag take ng action lalo na kung maraming distraction sa paligid at sa sarili mo.
O baka natatakot ka lang na maramdaman ang failure.
Ang tanong, hahayaan mo bang pigilan ka ng takot para hindi mo magawang makapag produce ng action sa buhay mo?
Kung nahihirapan ka to take action to your business or to your goal o kung ano man yung bagay nagagawin mo, mag si-share ako sayo ng isang “productivity tips” para matulungan kang mag take ng action.
Ang pinaka challenge mo lang dito ay gawin at sundin kung ano ang malalaman mo. Marami kasi satin na everyday nag re-research about productivity pero ni isa wala naman silang sinisimulan or sinusunod sa mga nababasa nila sa blog.
Itong tips na ito ay magwowork lang kapag inapply mo.
1) Set a schedule for your actions
Scheduling is very important for taking action. Isa ito sa bahay na dapat mong matutunan at i-priority.
Katulad ko, everyday gumagawa ako ng blog post at nailagay ko na ito sa daily routine ko. Pero hindi natin maiiwasan na merong mga bagay na hindi inaasahan, like nagkaroon ng OT sa work or magkaroon ng biglaang lakad. Paano yon?, set a plan B.
Kailangan mo ng Plan for scheduling.
Every Thursday naman, gumagawa ako ng email for my email list and every 15th day of the month nag se-set ako ng Ads sa Facebook.
Set a schedule and stick to it.
2) Pick a date
Kung meron kang goal na hindi nagwo-work sa weekly schedule, pick a date instead. This is good for a big, one-time project.
Like meron kayong bagong launch na product or live coaching or meeting for a client. Set a date.
Probably kaylangan mo sa umpisa ng time at effort para magawa mo yan to switch from motion to taking action.
Naniniwala ka ba na isa ka sa motion taker?
Ngayon, pag-uusapan natin ang ibig sabihin ng motion vs action.
Alam mo bang maraming taong confused sa kung ano ang pagkakaiba ng motion taker at action taker?
Hindi nila alam kung ano ba ang pagkakaiba between when are they motion vs when they are actually taking action.
What is the Difference?
Base on habitcatalyst.com,
“Motion is when you’re busy doing something, but that task will never produce an outcome by itself.”
“Action, on the other hand, is the type of behavior that will get you a result.”
Alam mo bang maraming taong Motion thinking? They are super productive when in reality But they never truly achieve anything!
For example,
Si Janny ay gustong magpapayat. So, ang ginawa nya naghanap sya ng pagkain na healty, nag inquire sya ng personal trainer and nag search sya ng mga workout na pwedeng gawin sa bahay at sundin.
PERO, si Garry naman, gusto nya ring magpapayat. Ang ginawa nya kumain sya ng mga healty foods, nag hire sya ng personal trainer and actully workout every monday at wednesday.
After a year, si Garry malaki na ang nabawas na timbang sa kanya. Pero si Janny walang nagbago.
So, ano ang pagkakaiba nila?
Si Janny ay nagplano lang. But Garry actually take a massive action.
Karamihan sating mga Pilipino katulad ni Janny,
Bukas magsisimula na akong mag-ipon but in the day comes hindi naman nagsisimula. Kung nakapag ipon ka dahil nagplano ka yan ang ACTION pero kapag plano lang thats MOTION.
Katulad sa Business, “Nakakapag produce ako ng 20 leads a day.” – Thats Motion.
“Nakakapag Produce ako ng sales dahil meron akong 20 leads a day.” – This is an Action.
Maraming Entrepreneur na nagsasabing “I’m Action Taker” Pero ni isa wala naman silang nakukuhang results.
Bakit kaya?
I don’t know why, siguro may kulang sa ginagawa nila or hindi nila iniimprove kung ano kaylangan nilang iimprove.
Tanong: Bakit pa natin ginagawa ang bagay na hindi naman nagbibigay satin ng results?
Sometimes, ginagawa natin ito dahil kaylangan nating mag plano o mas matuto pa. But madalas, ginagawa natin ito dahil ina-allow tayo na maramdaman natin na nagkakaroon tayo ng progress without running the risk of failure. Marami sa atin ay expert sa pag avoid ng Kritisismo. Hindi maganda sa pakiramdam ang mag fail o ma-judge ng iba, so, mas iniiwasan natin na mangyare ang ganong mga pangyayare.
And that’s the biggest reason why you slip into motion rather than taking action: you want to delay failure.
“Parang napaka imposibleng marating ang pangarap ko!”
“Parang hindi ko kayang makuha ang goal ko!”
“Kasi mahirap lang kami.”
“Kasi hindi malaki ang sahod ko.”
“Kasi hindi ako matalino.”
“Kasi wala akong kahit anong talent.”
Alam mo bang karamihang Pilipino ay yan ang madalas nilang sinasabi sa sarili nila o sa ibang tao.
Hindi ko kayanag abutin ang pangarap ko kasi ganito ganyan.
Kaya naman napakadaling sumuko sa bawat sinimulang activities or kahit sa kanilang pansariling goal sa buhay.
Ngayon, isi-share ko sayo ang isang Trick kung paano mo magagawang maging connected ka pa rin sa iyong goal, sa iyong gustong marating.
Work on big, active projects that result in savings. Isang magandang methods na pwede mong gawin habang nasa stage ka ng panghihina o parang nararamdaman mo na hindi mo kayang maabot ang goal mo sa buhay ay ang maghanap ng useful project na gagawin para makatulong sa overall goal mo.
Halos bawat financial project ay tinuturo nila ang concept “spending less than you earn,” then find a way kung paano mo magagawang makapag save ng pera sa halip na gumastos.
So, anong big active project ang pwede mong gawin to spend less? Doing things like home repair, cleaning, making lots of meals in advance and freezing them, or anything na pwede mong gawin in your home.
The point here, kapag nilagay mo ang sarili mo sa isang malaking bagay na pwede mong pagkabusy-han na hindi mo magagawang makapag spend ng money, then magkakaroon ka ng savings na makakatulong sa iyong goal. That’s the great thing.
Similarly, work on big, active projects that result in increased income. On the flip side of “spending less than you earn” is the earning component. Kapag nagawa mong mag-increase ang income mo, you’re also going to find yourself accelerating toward your big financial goal.
Maraming paraan para madagdagan ang income mo, But kaylangan mo paring bigyan ng time and effort para mag work ito sayo. You can start a microbusiness sa iyong spare time, like creating video in youtube, affiliate marketing or online network marketing. You can also work toward your degree. You can simply work work work to get a promotion. Lahat ito ay nagwoworok. Lahat ito ay pwedeng makatulong para madagdagan ang iyong income and get your pocket happy.
Ang challenge dito, hindi lahat ng tao kayang ilaan ang oras para mangyare ang lahat ng ito. Ang dahilan kung bakit hindi nila kayang pataasin ang income nila, dahil hindi lahat ng tao ay kayang magbigay ng oras at effort para gawin ang mga bagay na ito. To those who do, maraming opportunity para mapataas mo ang iyong income.
Get involved socially with others who are working on these kinds of big projects. Look around, tumingin tingin ka sa paligid mo and see if there are any entrepreneurial groups, professional groups, or do-it-yourself groups in operation. Then try to involve this kind of group.
Ang kaylangan mong hanapin ay ang mga taong motivated at willing na mag simula ng isang malaking project with a strong potential of saving or earning money themeselves. Kapag involve ang sarili mo sa idea of increasing the gap between what you spend and what you earn and willing gawin ang mga challenges para makuha mo ang gusto, kaylangan mong hanapin ang value sa grupo na ito.
Ang totoong advantage nito is the social surroundings. Meron kang pagkakataon na makipag socialized sa mga taong ang focus ay building their income or saving money. Those attitude ay pwede mong makuha over time at maencourage para gawin mo rin ang mga bagay na yon.
Back of businessman getting lost in a maze
Magtataka ka minsan kung bakit maraming taong nagfailed sa kaninang Goal. Kung bakit maraming taong hindi makuha ang kanilang Financial Goal.
Dahil ba napaka imposibleng kunin ang kanilang Goal?
Dahil ba maliit lang ang income kaya napakahirap maabot ng malaking pangarap?
Ngayon gusto kong i-share sayo ang 3 Methods How to get past this Obstacle.
Focus on “microgoals”. Sa halip na mag focus ka sa malaking Goal mo all the time, bakit hindi ka mag focus sa maliliit na goal na pwedeng matupad in a day or week or month as long na nakakatulong itong maliliit na bagay para makuha mo yong malaking goal.
Itong “Microgoals” na ito, ay isang pattern kung saan step by step mong kukunin ang iyong maliliit na bagay hanggang matupad mo ang iyong goal na inaasam.
For Example: Your Financial Goal is makapag save ng P100,000, But your income is P12,000 a month. You can start sa hindi pag gastos ng pera sa iyong hobby, like watching the movie every payday para makapag save ka P500. Then next, imbes na bumili ng lunch sa labas bakit hindi ka mag baon?. Then pwede mo alisin yong mga hindi importanteng bawain.
This small goal na pwede mo gawin ay makakapag contribute para makuha mo ang iyong big goal.
Look at the change you’ve already made, not the distance to the goal. When you’re working toward a big goal, hindi mo maiiwasan na nakatingin ka lang sa prize ng goal mo. After all, ito naman ang gusto natin diba? Yung makuha natin ang goal na gusto natin. Pero bakit hindi ka lumingon pabalik?
Ang malaking benefits of looking backward ay para makita mo kung nasan kana ngayon? Ano na ang narating mo noong nag simula ka 1 year ago, or 3 months ako, or 1 month ago? How much has your debt dropped over that relatively short period of time? What about since the start of your goal?
The thing is, kapag nakita mo na nagagawa mo palang mag improved day by day, magkakaroon ka ng real progress sa iyong big goal.
Focus on building positive life routines that make financial progress. Halos same idea ito ng “microgoals“, ang pagkakaiba lang sa halip na strictly mong i-set ang mga maliliit mong goal, you simply repeat that goal every single day hanggang maging routine mo na.
Let say, for example, nag decide ka na magbaon kaysa kumain sa mamahaling restaurant to save P500, then kaylangan mong gawin yan every day. Mapapansin mo na lang ito na ang every day routine mo.
Marami tayong routine everyday at talagang napakahirap baguhin nito dahil nakasanayan na natin. Pero hindi mo naman kaylangan baguhin lahat, ang kaylangan mo lang gawin ay yong mga bagay na hindi makakatulong sayo para makapag save ng pera pwede mong baguhin yon paunti-unti hanggang makasanayan mo na.
Are you spending a lot at hindi mo magawang makapag-ipon?
Ikaw ba yong taong na trap sa short term success? Yong tipong nagagawa mong makabili ng mga bagay na gusto mong bilhin like gadget, new shoes or bags, new game, travel or anything na pwede mong pagka gastusan?
Pero hindi mo magawang makapag ipon ng pera?
Here are three strategies for moving beyond this trap.
Spend your free time on free and inexpensive things that you personally enjoy. In other words, sa halip na gumastos ka ng pera sa mga bagay bagay na magbibigay sayo ng panandaliang saya, kung baga pampalipas oras lang. Alisin mo yong ilang bagay na nag spend ka ng time pero gumastos ka ng malaki. Then palitan mo ng bagay na magiging masaya ka na hindi ka naglalabas ng pera. Maraming gawain na mag eenjoy ka na hindi ka maglalabas ng pera like, intead na manuod ka ng movie sa labas bakit hindi mo na lang gawin sa bahay, instead na bumili ng bagong damit bakit hindi ka mag experement sa mga lumang damit mo.
Reflect often on the drawbacks of spending and the benefits of saving. Minsan nag iisip ako ng malalim habang naglalakad ako papunta sa work or pauwi ng bahay o minsan naman habang nanunuod ako ng movie. Iniisip ko yong mga bagay na binili ko at nalaman ko na yong dating saya na naramdaman ko sa bagay na yon nawala na, yung tipong nagsawa na ako. Kapag naiisip ko na bumili ng mga bagay na hindi naman importante, I consider my self na i-save na lang yong pera kaysa gastusin ko. Isipin mo kung anong magagawa ng pera na yon sa financial goal mo instead na gastusin mo yon sa mga bagay na makakalimutan o hindi mo na gagamitin pagkalipas ng ilang araw or buwan.
Alter your social circle. Kung ang social circle mo ay isang dahilan kung bakit nakakapag spend ka ng pera na hindi kasama sa mga plano mo at kung bakit hindi ka makapag save. Then consider mo na baguhin ang social circle mo. Sabi nga “Having a circle of friends is a powerful thing, but it should not come with a price tag”. Kausapin mo ang friends mo na gawin yong mga bagay na hindi mag re-required ng additional expense.
The idea here is that social interaction shouldn’t require you to drain your wallet. Good friends don’t cost very much.