Paano ka ba makakapag quit sa trabaho mo at makaalis sa Rat Race?

 

Imagine na sinasabi mo ito sa boss mo?..

 

“Boss… You’re Fired!”

 

Habang binibigay mo sa kanya ‘yung resignation letter mo.

 

Ang saya diba? Isipin mo hawak mo na ang sarili mong oras at wala nang mag didikta ng mga gagawin mo.

 

Hindi kana rin gigising sa umaga at makikipagsiksikan sa mainit na bus.

 

Gusto mo ba yon?

 

Alam mo naalala ko bigla, minsang na-inspired ako dahil isa sa mga partner ko ay nakapag quit na sa trabaho.

 

Isa syang OFW sa Singapore.

 

Ito pa nga ang sabi nya sa post nya sa Facebook nya “…Thank you very much Unity Network for leading and showing me the way to FREEDOM.

 

In less than 5 months of doing this business with you. Finally, I can hand over the sweetest letter to my boss :)”

 

Nakapag resigned na sya sa trabaho dahil sa online business na ginagawa nya ngayon.

 

Ang pinaka best part pa nun, uuwi na rin sya dito sa Pilipinas at makakasama ang kanyang pamilya.

 

Isipin mo, 5 years syang OFW sa Singapore.. Sa sobrang hirap hindi sya makawala-wala doon.

 

Ngayon nagawa nya na dahil sa Online Business.

 

Mabuti na lang natagpuan nya yon.

 

Nainspired ako dahil isa rin akong Empleyado, hindi man ako OFW pero alam ko ang hirap na pinagdaraan nya doon.

 

But this is not about me or Elvs. THIS IS ABOUT YOU!

 

Gusto mo din bang makapag quit sa trabaho?

 

Gusto mo din bang makalaya sa rat race?

 

Gusto mo rin bang kumita ng malaki at magkaroon ng freedom na gawin ang mga gusto mo?

 

Ang good news… You can do it too! And here’s how…

 

STEP 1 – Add Additional Source of Income

 

Ang unang goal mo ay magsimula ng part time business.

 

Business na magbibigay sa’yo ng additional income.

 

Sa simula pwede kang mag-invest ng 2-4 hours every day para gawin ang business mo.

 

I’m not talking about finding a 2nd job.

 

Kaylangan yung 2nd income mo ay mangaling sa isang part time business na pwede mong i-scale up in the future.

 

Kapag job ang kukunin mo, you are always trading time for money.

 

Limitado lang ang oras mo sa isang araw kaya limitado lang ang pwede mong kitain sa trabaho.

 

STEP 2 – Your Sideline Income Shoud Overtake Your Salary.

 

Pag kumikita ka na sa business mo, next goal mo ay mahigitan ng yung salary mo.

 

Ang maganda sa business, depende sa effort mo ang kikitain mo.

 

Kapag nag-invest ka talaga ng effort at ng oras, life changing results at income ang pwede mong kitain.

 

Hindi ka naman kasi basta-basta pwedeng mag-resign.

 

Lalo na kung pamilyado ka na.

 

Kaylangan consistent na ang income ng business mo, at dapat mas malaki na ‘yung sa sinasahod mo.

 

May mga partners ako na nagawa ‘yun in 3 – 5 months.

 

Merong isang taon. Depende sa’yo kung gano ka kabilis matuto at gano ka kabilis gumawa ng aksyon.

 

STEP 3 – Fire Your Boss

 

Pag consistent na ang income mo, it’s time to fire your boss.

 

Pero hindi pa panahon para mag-relax.

 

Dito pa lang talaga magsisimula ang paglalakbay mo bilang entrepreneur.

 

Ito yung pinaka exciting na oras sa business mo pero ito din yung pinaka challenging.

 

Ikaw na ang sarili mong boss. Kaya dapat maging self accountable ka.

 

You need more focus and you need massive action.

 

It will not be easy but it will be all worth it.

Lahat ng Entrepreneur ay nag fi-fail, kailangan nating itong tandaan.

 

Kung isa kang entrepreneur, at same point you will fail. Hindi natin ito maiiwansan. Kung ito man ay malaki o maliit, meron ka rin ditong makukuha.

 

Ang failure ay hindi ito loss sa buhay natin, maaari nating gamitin ang failure to become successful.

 

Successful people fail. And no, that’s not an oxymoron

 

A failure is an option

 

Madalas ang failure tinitingnan natin ito na isa nang katapusan, ending of the game kung baga, pero hindi ganito ang case. Maraming entrepreneur ang nagsasabing, ang failure ay isang simula pa lang.

 

Kung nakikita mo na ang iyong business ay pababa, ito ang oras na maghanap ng solusyon para sa mga problema.

 

Failure is an option. Siguro kailangan mo lang mag simula muli o tapusin ang mga nasimulan mo.

 

Alamin mo kung ano ba ang mga problema dahil makakatulong ito para matuto sa pagdi desisyon mo sa future.

 

Failure is a stepping stone on the pathway to success. May matututunan ka at along the way magagamit mo yon at makakatulong sayo para maiwasan ang mga mistake na nagawa mo.

 

Wag kang mag focus sa mga bagay na hindi mo ma control, mag focus ka sa mga bagay na naku-control mo.

 

Kung pagpapatuloy mo ang nasimulan mo at hanapan ng solusyon ang mga problema sa bagay na nagbigay sayo ng mistake at pag fail ng iyong business, your failure will quickly turn into a success and a lesson learned.

 

Accept failure

 

Ang failure ay isang parte ng proseso ng isang entrepreneur.

 

Marami ka na bang narinig about “overnight success?”. Karamihan, hindi nila binubunyag sa likod ng mga stories kung bakit naging successful sila at paano nila nakuha ang kanilang mga achievementssa buhay.

 

Katulad ng mga doctors o mga researchers maraming beses silang nag fail bago nila nakuha ang saktong gamot para sa isang sakit.

 

Katulad nila, ang isang entrepreneur ay nag simula rin ng maraming business bago nila nakuha ang saktong formula kung paano sila kikita at maging successful sa buhay.

 

Sa kabilang banda, maraming tao at mga bagong entrepreneur ay takot maranasan ang failure. At yung fear na yon ang dahilan kung bakit tumitigil silang mag simula ulit, hanapin ang probelma, mag build ng foundation at pivoting.

 

Kung nakikita mo ang sarili mo na natatakot mag fail sa isang bagay, subukan mong tanggapin.

 

Hindi ka nag-iisa maraming taong nag fail at nakaranas ng failure kahit na ang mga successful people o entrepreneur.

 

Ang pagkakaiba lang hindi sila tumigil at yung mga naranasan nilang failure tinanggap nila yon para maging successful

 

Be honest

 

Sabihin natin na ang iyong business o specific product hindi nagwo-work out. Kailangan mong maging honest sa iyong team.

 

Madalas ang isang entrepreneur ay nararamdaman nila na mag-isa lang sila nag bumubuo ng business at mag-isa na nakakaranas ng failure. Pero hindi. Ang buong team at ang iyong partner ay nasa likod mo kung ikaw man ay successful or down. Just be open all the time.

 

Mas maagang masasabi mo sa kanila ang problema, mas malamang na nais ka nilang tulungan para i-solve ang mga problema na nararanasan mo.

 

Kung hindi mo maamin ang iyong kabiguan, someone else will eventually point it out. Kapag nangyari yon, mas magiging worse pa ang mararamdaman mo.

 

Mas maganda na aminin mo sa sarili mo na merong kang pagkukulang kung bakit nakakaranas ka ng failure.

 

Wag kang mag sinungaling sa iyong sarili na walang problema. Mas maaga mong malalaman na nakakaranas ka ng failure mas mayroon kang oras para baguhin ito.

 

The alternative means a big mess on your hands.

Ang karamihang aspeto ng buhay ay may kinalaman sa pag take ng risk. Sa isang negosyo, ang success ay hindi darating sayo, kailangan mo itong hanapin at kunin. Sigurado, kung umiiwas ka sa risk ay walang posibilidad na umasenso. At wala ka ring pagkakataong magkaroon ng progress sa buhay na umasenso katulad nang mga milyonaryo at successful entrepreneur. Narito ang anim na dahilan kung bakit kailangan mong maging matapang sa buhay, kahit na ito ay bukas sa kabiguan.

 

Opportunities come from risk-taker

 

Minsan tinitingnan natin ang pag-take ng risk ay isang negativity, madalas mas nakikita natin ito na isang panganib at hindi wise na desisyon. Ilan sa pag take ng risk ay hindi ka dadalhin sa success, pero merong ilang desisyon na kailangan mong gawin at mag take ng risk para maging successful.

 

Marami akong kilalang naging matagupay sa negosyo, dahil  willing silang mag take ng risk sa mga bagay na ang ibang tao ay nag-aalangang gawin at madalas na nagsasabing “Hindi ko kayang gawin yan.” Risky sa karaming tao pero para sakin, “Ito ay isang magandang opportunidad na magbibigay ng bagong kaalaman at pagkuha sa malaking papel para sa pagbubuo ng malaking organization.” Pero alam mo meron pa ring mga taong iba ang pananaw dahil hindi nila makita ang malaking bilog na nasa harapan nila. Madalas sila yung magsasabi sayo na, “Hindi ko linya yan! o, Anong alam ko diyan? o, sila lang ang aasenso dyan.

 

Taking risks helps you to stand out

 

Taking a risk ay isa sa magandang opportunity to stand out at i-present ang iyong sarili as a leader, hindi katulad ng mga follower na sapat na sila sa kung anong meron sila ngayon.

 

Maraming taong walang sapat na resources at knowledge para mag take ng risk. Natatakot silang gawin ang mga bagay na hindi nila nakasanayang gawin. In order to stand out, kailangan nang liitle effort. Kailangan mong hanapin kung san ka passionate, kapag nahanap mo na yon kailangan mong pag-aralan ng mas mabuti.

 

Knowledge helps to be confident and survive if you take a risk.

 

We learn from risks

 

Sa likod ng external na opportunity at recognition na makukuha sa pag take ng risk, ito rin ay nagbibigay ng opportunity para baguhin ang nating sarili, para mas maging matapang at matalino about business.

 

Magbibigay ito sayo nang isang pakiramdam na excited at mas challenge. Sa katunayan, mas natututo tayo sa mga bagay-bagay at yung kaalaman na yon ang magbibigay satin sa daan papunta sa success.

 

Success won’t fall in your lap — you have to pursue it

 

Maliban sa mga benefits na makukuha mo personally or professionally, ang pag take ng risk ay maaaring isang hakbang na kinakailangan para mag tagumpay.

 

Kailangan mong ilagay ang iyong isang paa sa harapan ng ibang tao at simulan mo ang iyong journey. Dapat kang maging komportable na hindi mo alam ang eksato kung paano ka makakakuha ng resulta na nais mo. Kailangan mong pag aralan at mag experement along the way. At kailangan mong maging komportable na maaari mong isipin kung san ka papunta at i-execute ang iyong daan para sa gustong outcome.

 

Risk helps you overcome a fear of failure.

 

Ang pag take ng risk ay hindi lang nakatuon sa potential benefits na meron ka ngayon. Ito rin ang magbubukas sayo sa mundo kung saan may mga posibilities na hindi mo pa naco-consider.

 

Sa lahat ng professionals, ang mundo sa labas ng iyong comfort zone ay maaaring maging malawak at nakakatakot. Hanggang hindi mo nailalagay ang iyong sarili at simulang mag take ng risk, hinding hindi mo makukuha ang iyong professional success at makita ang lahat ng potential sayo. Ito na ang oras na kailangan mong umalis sa iyong comfort zone; oras nang sundin kung saan tayo masaya at kung ano ang passionate natin sa buhay; ito na ang oras para kunin mo ang pangarap mo.

Minsan natanong mo na rin ba ito sa sarili mo?

 

Paano ba magsimula?

 

Isa man itong program, task na gusto mong makumpleto, o gusto mong magsimula ng bagong negosyo o producto. – Ang tanong, “Paano ba magsimula?”

 

Alam mo ba kung ano ang nakakatakot na bagay na magbibigay satin ng kakulangan na mag umpisa at pumapatay sa karamihang proyekto at gawain?

 

Procrastination is putting off the start. Kapag nag simula kang mag procrastinate don na magsisimulang mahirapan tayo na magsimula sa isang bagay.

 

How I Started

 

Noong sinimulan ko ang www.neilyanto.com, wala rin akong idea kung paano ba magsimula. Tumingin ako ng mga blogs at natakot ako dahil sa kanilang mga naaccomplished: hindi lang sa maraming nagbabasa kundi marami silang article na naisulat, magandang website design, unique domain name, maraming services at eBook na kanilang binebenta, at marami pang iba.

 

Hindi ko kayang gawin ang lahat ng iyon dahil I have a day job at hindi ako technical person pag dating sa computer. So, I skipped it all at nagsimula akong gumawa ng free account sa blogger at free trial sa Instapage.

 

Hindi ko inaasahan na madali lang at gumanda ang pakiramdam ko. Yung tipong nasa isip ko “YES!! Yayaman na ako.

 

Then nagsimula na akong gumawa ng first blog post ko. Feeling ko nasa linya na ako nang magagaling na blogger. (Feeling lang yon.hehe)

 

Ito, kung paano ako nagsimula. Sa totoo lang mahirap sa umpisa pero kapag nasanay ka nang gawin ang mga bagay na araw-araw mo nang ginagawa, mapapansin mo na hindi na mahirap. Katulad ng first job mo, ganun din once na nagsimula ka nang isang bagay na first time mo pa lang gagawin.

 

Start a Task

 

Kung nabasa mo yung “How I Made My 1st MILLION by Chinkee Tan“, napakagandang libro, about ito sa direct selling. Madali lang basahin, 1 day tapos ko nang basahin ang libro.

 

Pero mas madaling basahin ang libro kaysa ipatupad ang mga nakalagay sa libro.

 

Tama diba? Maliban kung mas madali mong nasimulan.

 

Paano ka magsisimula sa isang task kung nag poprocrastinate ka dahil masyadong mahirap?

 

First, pick a task.  I advice na magsimula ka sa madaling gawin, ‘yong tipong matatapos mo agad.

 

Start a Habit

 

Paano ba magsimula ng isang habit? Maraming tao ang naguguluhan kung paano magsimula dahil iniisip nila na mahirap.

 

“Starting is the key to a habit”. Kapag hindi ka nag umpisa, hindi ito kailanman magiging isang habit. Gusto mo nang isang exercise? Move and do your Job. Even just 5 minutes is all you need.

 

Dahil excited ka sa mga gawain mo, gusto mo nang gawin agad-agad. Nangyari din ito sakin, ‘yong tipong gusto kong gawin ang lahat ng bagay pero sa huli na pansin ko na wala pala akong natapos kahit isa.

 

I Advice na wag mong gawin lahat. Start as simply as possible. 

 

Bakit? Mas easier kung ang gagawin mo ay tiny habits. Try mong simulang tumakbo 30 minutes a day, at try mo tumakbo ng 5 minutes a day. Alin sa dalawa ang mabilis mong magagawa? The answer is the easy way.

 

Kung gusto mong manatili ang iyong habit, start so incredibly simple that you can’t fail. Later Maaari mong pataasin ang iyong gawain and start a new habit. But START EASY.

 

Start a New Venture

 

Ngayong ready kanang simulang gawin ang mga task na kailangan mong gawin. Isang bagong magiging kabanata ng buhay mo –  maaaring isang bagong negosyo at bagong buhay ang naghihintay sayo.

 

Start as simply as humanly possible. How simple can you make this new business? How simple can you make the product? Make it even simpler.

 

Hindi mo magagawang mag fail.

 

It is where new worlds are created, new journeys began, new lives are born.

Gusto mo rin bang mapalaki ang payoff na makukuha mo by selling your product? Pero hindi lang basta buyer ang kailangang makabili ng product mo, kundi mga qualified buyer. Dahil kung hindi, mauuwi ka sa pag-aalok ng product mo sa mga taong hindi naman interesadong bumili ulit ng product na inooffer mo.

 

Finding the right buyer is the key to a smooth transaction.

 

Ito rin ang makakapag contribute sayo para maging continues ang success at paglaki ng business mo. Kahit sabihin natin na nagtatrabaho ka sa pinakamataas na position sa iyong business, kailangan mo pa ring maintindihan ang proseso. Narito ang ilan sa mga guidelines para matulungan kang susugin ang madilim na daan.

 

Who Are Your Potential Buyers? 

 

Kahit sino ang pwedeng maging prospect. People buy product for different reason, at pwedeng maka-affect ito kung paano mo iooffer ang iyong product. But generally, buyers are divided into two groups: strategic and financial buyers.

 

Strategic buyers ay tinitingnan nito kung gaano kahusay ang iyong negosyo sa pag plano kung gaano tatagal ang iyong company. Ito ay maaring isa sa mga competitors mo na gustong mag buo ng new market or mag offer ng new product. Kapag nabigay mo yung gusto nila, strategic buyers ay bibili ng higit o mas mataas sa pangkaraniwang buyers.

 

Financial buyers naman ay mas interesado sila sa benifits ng iyong company at stability na pwede nilang makuha. Ito yung mga taong naghahanap talaga nang pagkakakitaan. Sila yung mga taong may pera at handang mag invest para i-convert into profit.

 

Where Can You Reach Potential Buyers? 

 

Kung kilala ka sa larangan nang pagbi-business at meron kang sapat na foundation word of mouth is enough. Ngunit hindi lahat ng tao na nasa business ay kilala kaya naman mas pinipili nilang mapalaki ang kanilang network using different website and ads. Like for example, Tv and radio advertising, banner ads. Pero paano kung wala kang sapat na budget para sa mga advertising na yan?

 

Kailangan mong pumunta sa mga affordable ads, like Facebook Ads, Twitter Ads, Youtube Ads, etc.. Or pwede kang gumawa ng sarili mong website o Blog para sa iyong business or product. Maraming paraan para mapalaki mo ang iyong market.

 

Why Should You Qualify Potential Buyers? 

 

Katulad ng pagpoproseso ng mga confidential agreements at financial background information ay merong standard documents for prospective buyers. Ang mga broker o investment banker ay merong tinatawag na pre-screening para masigurado na sila ay financially qualified para mag purchase ng business. Kasama dito ang reviewing ownership, available funds to invest, sources of financing, and any judgments or bankruptcies filed.

 

Katulad nila tayo rin ay merong tinatawag na quafilied prospect. Sabi nga, lahat ng tao possible na bumili ng product mo pero hindi lahat ng tao ay qualified para bumili nito.

 

Kailangan mong alamin kung ano ang primary reason nya kung bakit sya interested na bumili ng product o sumali sa iyong business. Tingnan mo kung fit ba ang prospct mo sa tinatayo mong team o baka naman isa lang sya sa makakasira sa team mo. Kung isa ba sya sa magiging active para maging successful ang iyong business o isa lang sya sa mga taong bumili ng product. Kung meron syang company o ibang product na inooffer, bakit kailanga nya pang bumili ng product mo?

 

Sa mga tanong na yan, malalaman mo kung fit ba sya sa iyong team para maging successful ang iyong business.

 

How to Look Good for Potential Buyers? 

 

Ang magbebenta ng isang bahay ay hindi katulad nang pagbebenta ng isang negosyo. Pero katulad nang tagabenta ng bahay kailangan mong maging kaaya-aya sa iyong potential buyer bago ka dumiskarte. Kung ikaw ay isang Offline marketer kailangan mong mag postura to meet the first impression at alam mo ang mga possible na tatanungin nya. Pero kung ikaw naman ay isang Online Marketer you need to build rapport bago ka mag start ng conversation. Dahil tataas ang iyong credibility para bumili ng product sayo at mag start ng business kasama mo.

 

What to Expect?

 

Ano ba ang pwede nyang makuha kapag bumili sya ng product. Dapat alam ng prospect mo kung ano-ano ang makukuha nya at ano ang una nyang gagawin para makapag simula sya. Kung kumuha ka ng tao na hindi naman nya alam ang gagawin parang kumuha ka ng tao at nilagay mo sa madilim na kwarto.

 

When Are You Ready to Close The Deal? 

 

The average house will sale in four months. Dito oras o araw ang gugugulin mo para maclose mo ang sales, it depends sa conversation o sa pagsasagot mo ng mga tanong nya at kung meron pa syang objection about sa business or sa offer mo. Dapat alam mo rin kung paano i-close ang sale o kung kailan mo iku-close ang sales.

Set goal, make a plan, work, stick to it, reach concept presented on blackboard with colour notes and white chalk

 

Natatandaan mo pa ba kung anong goal mo? Paano kung tanungin kita kung ano ba talaga ang goal mo? Malamang hindi ka mahihirapan ma identify kung ano ang mga goal mo.

 

Gusto kong pumunta sa ganito.
Ang goal ko ay makapag ipon ng 100k.
Gusto kong magtayo ng negosyo.
Mabili ko ang sarili kong sasakyan.
Magkaroon ng sarili kong bahay.

 

Maraming goal ang pwede mong i-set up sa sarili mo. Pero ang tanong nakikita mo ba ang sarili mo ngayon na nakukuha kahit papaano, kahit paunti-unti ang goal mo? Nasa stepping stone kana ba to achieve your goal?

 

Kung YES! It’s Good for you. At least you are now on the road going to your goal.

 

Kung NO! Siguro meron kang dapat baguhin at malaman para marealize mo kung bakit hindi mo makuha ang goal mo sa buhay o sa sarili mo.

 

Ang tagal-tagal mo nang kinukuha ang goal mo pero hanggang ngayon wala pa ring progress. Nakikita mo yung mga kaibigan mo o mga classmate mo na gumaganda na ang buhay pero ikaw ganun pa rin. Kaya naman you are depress, down, o negative sa kung anong meron ka ngayon.

 

Pero pag-usapan natin, bakit ba mahirap abutin ang goal? Baka ito ang ilan sa dahilan kung bakit di mo makuha ang goal mo. Baka ito na ang sagot para marealize mo at malaman kung paano mo makukuha ang iyong goal.

 

Lack of Commitment

 

Ang pag set up ng isang goal ay hindi ibig sabihin maging committed ka mentally para makuha mo ang goal mo. Katunayan, ang ilan ay nagsasabi na ang commitment ay nagsisimula kapag sinimulan mong mag take ng action, kaya naman ang pag-iisip lamang ay hindi sapat.

 

Sa halip simulan mong mag research at simulan mong isipin kung ano ba mga task ang kailangan mong gawin para makuha ang iyong goal. Yes, naiintindihan kita, your daily life is busy. Dahil sa mga bagay na pumupuno sa ating mga araw, between sa iyong trabaho, family at social life, madali sa karamihan na isang tabi muna ang goal para sa mga ito. Kaya iniisip natin na mahirap kunin ang isang goal, na alam naman natin na para makuha ang isang goal ay isipin mo na kaya mong abutin ito.

 

Subukan mong alisin ang mga hindi importanteng bagay at bigyan ng maliit na oras ang bagay na magbibigay o patungo sa iyong goal, at malalaman mo na lang na nasa kalahati kana o malapit mo nang makuha ang goal mo.

 

It’s Just a Fantasy

 

Lahat ng goal ay nagsisimula sa isang DREAM, pero kailangan mas higit pa dito para ang isang goal ay iyong ma-achieve.

 

Madalas ang goal natin ay nakatuon sa positive, fantacy at negative side ng ating pag-iisip, nag sasama-sama sila lahat, maaaring magkaresulta ito ng isang pagkakamali at maaaring kapootan natin kung anong sitwasyon meron tayo ngayon.

 

Sa halip mag focus tayo sa dalawang bagay, subukan mong ipagkumpara ang dalawang pag-iisip. Una, isipin mo ang mga positibing bagay na inaasam mong makamit, pangalawa isipin mo ang mga negatibong bagay na pwedeng mangyari kapag hindi mo nakuha ang iyong goal. Ito ay mag bibigay sayo ng reality check at pilitin mag isip tungkol sa layunin kung tama lang ba na hindi mo makuha ang iyong goal.

 

Kapag lumapas ka sa step na ito maaari mong simulan ang mga effective na paraan kung paano mo makukuha ang iyong goal at simulang mabago ang buhay.

 

Focusing too Heavily on the Result

 

Madaling mag-isip tungkol sa resulta, ngunit maaaring tumaas ang iyong pagkabalisa sa pagkuha mo ng iyong goal. Kung ang pinag-iisipan mo lamang ang pagkuha ng resulta  maaaring maging mahirap dahil hindi mo nakikita kung anong mga step ang kailangan mong gawin para makuha ito.

 

Sa halip ay manatiling focus sa iyong task. Isipin mo ang proseso, make a list para sa mga task nagagawin mo, at tingnan mo na ang task na gagawin mo ay isang mini-goal para makuha mo ang iyong main goal. Hindi ito makakapag pataas ng iyong pagkabalisa kundi magbibigay ito sayo ng attention at focus don sa process ng pagkuha ng iyong goal.

 

Expecting Immediate Results

 

Ang goal ay mahirap kunin at dapat naiintindihan mo rin na hindi ito mangyayari ng overnight, na pagkagising mo mayaman kana. Bago mo umpisahan magtrabaho patungo sa iyong goal isipin mo kung gaano katagal mong maaasahang makuha ito.  “Be realistic” at wag mong pataasin o pababain ang iyong expectation. Kapag ito ay mataas mas malaki ang posibilidad na sumuko at kapag mababa naman mas madali mong mararamdaman na hindi mo makukuha ang iyong goal.

 

Ito ang ilan sa dahilan kung bakit hindi mo makuha ang iyong goal o madali kang sumuko na kunin ito. Maraming dahilan kung bakit mahirap kunin ang goal katulad ng ‘you are procrastinating‘, o ‘setting unobtainable goals‘ yung mga bagay na napaka imposibleng makuha, o ‘you don’t own the goal‘ kung baga nakikigaya ka lang, o ‘you’re not celebrating your success’. So, madami. Pero ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit mahirap kunin ang goal.

 

Ngayon alam mo na kung bakit hindi mo makuha ang iyong goal. Ito ang kailangan mong gawin. Take action para baguhin kung paano mo kukunin ang goal mo base dito sa mga dahilan kung bakit mahirap kunin ang goal.

 

Simulan mong mag bigay ng commitment sa iyong goal, make sure na ang iyong goal ay hindi only a fantasy, don’t focus heavily on your result, make a time bound for your goal, don’t procrastinating, set obtainable goals, make your own goal and celebrate your success.

 

I hope na nakatulong itong article na sinulat ko para ma enjoy mo ang iyong journey sa pagkuha mo nang iyong goal.

Sa panahon natin ngayon hindi naman nauubusan ang mga gusto nating tularan.

 

Pwedeng gusto nating maging artista.
Gusto mong maging sikat na basketball player.
Gusto mong maging katulad ng mga successful entrepreneur.
So, marami.

 

Pero napag-isip-isip mo na ba kung ano ang ultimate goal mo?
Ito ang pinaka gustong gusto mong makamit.
Tipong iiwanan mo lahat ng goal mo sa buhay para makuha mo lang itong ultimate goal mo.

 

Dapat isipin mo nang mabuti kung ano ba talaga ang ultimate goal mo.
Paraan yan para tutokan at ibuhos ang panahon mo, energy, talino at resources sa pagtupad ng ultimate goal mo.

 

Paano mo ba malalaman o masasabing “Ito na yung Ultimate Goal ko! Ito na ang gusto kung gawin.”

 

Know Your Why

 

Dapat mong malaman na ang isang goal ay may isang rason kung bakit mo gagawin.

 

Ask your self, ‘Bakit ito ang goal ko?

 

Dapat klaro sa iyo kung bakit mo gagawin ang isang bagay o bakit gusto mong maabot isang pangarap. Para meron kang babalik-balikan kapag meron pagsubok na darating.

 

Dahil mas madaling mag quit sa isang bagay kaysa mag pursige kung hindi mo alam kung para saan ito.

 

Know Your Passion

 

Anong mga bagay ang gustong-gusto mong gawin?
Anong mga bagay ang hindi mo napipilitang gawin.

 

Kung baga, effortless ika nga.

 

Something na nag eenjoy ka.

 

Kung hindi naman kasama ito sa ultimate goal mo, mas magandang konektado ang iyong passion sa ultimate goal mo. Dahil makakatulong ito para mas mabilis mong makuha ang ulimate goal mo.

 

Don’t Rush Into It

 

Kung hanggang ngayon ay hindi mo pa rin alam ang pinaka ultimate goal mo. Wag kang magmadali, darating din yan.

 

Sabi nga, “ang kwento ng ating buhay ay mahirap hulaan at hindi dapat minamadali.

 

Enjoy mo lang kung anong ginagawa mo. Kung anong interest mo sa buhay. At ayon! Darating ang panahon na nabubuhay kana para kunin ang ultimate goal mo o nabubuhay kana na nakuha ang ultimate goal mo.

 

Narinig mo na ba ang mga ito?

 

“Okay lang gumastos sa pagkain kahit mahal atleast sa pagkain mo naman ginamit.”
“Okay lang bumili nang bagong gudget atleast merong napuntahan ang pera mo.”
“Okay lang na gumastos sa travel atleast naging masaya ka naman kasama ang mga kaibigan mo.”

 

Pero ang tanong, okay lang ba talaga?

 

Okay lang ba talagang gumastos at pagkatapos makikita mo ang wallet mo at atm mo na umiiyak dahil wala na silang laman?

 

Kung ikaw ang tatanungin, OKAY LANG BA TALAGA?

 

Para sakin, YES! Okay lang naman bumili nang bagong gudget, o kumain sa mamahaling restaurant, o mag travel buwan-buwan. Walang masama don. Yon, kung kaya naman nang budget mo. Kung baga 25% lang nang pera mo ang magagamit.

 

Pero kung lumalagpas ng 50% nang pera mo ang nagagamit mo matakot kana. Alam mo kung bakit? Dahil darating ang araw na baka wala ka nang makuha. Lalo na kung hindi naman ganun kalaki ang pasok nang income mo buwan-buwan at empleyado ka lang, paano na kung mawala ang company nyo, paano kana diba?

 

Lahat tayo nagbibigay ng oras at energy para gawin ang mga bagay na magbibigay satin ng enjoyment sa buhay. Karamihan sa atin ito ang pangarap, gawin ang mga bagay na hindi natin magawa pero hindi natin iniisip kung ano ba talaga ang makakatulong sa atin. Minsan kapag nakuha mo na yung pinapangarap mong bagay like makabili ng iPhone or makapunta sa pangarap mong lugar like singapore or paris, or makakain sa mamahaling restataurant, iniisip natin na ito na ang best part ng ating buhay pero hindi natin naiisip na sinasakripisyo natin yung oras o panahon na dapat kinukuha mo na ang pangarap mo ngayon para magkaroon ng time free freedom or financial freedom, o kung hindi naman ay iahon sa hirap ang sarili mo sa future.

 

Naisip mo ba yon? Akala mong isang maliit na bagay na pwedeng ikabago ng iyong future?

 

Gayunpaman, paano ba natin magagawang i-balance ang bagay na magiging satisfied tayo sa buhay habang nag bi-build tayo ng ating future?

 

Goal setting and thoughtful spending.

 

Isa sa susi para magawang mong ibalanse ang iyong enjoyment at future ay baguhin ang iyong goal setting at kung paano ka mag-isip. Mas malinaw sa iyong sarili kung ano ang mga bagay ang gusto mo sa short or long term, mas madaling mong malalaman kung ano ba dapat ang pagkagastusan sa hindi na magagawa mong maging masaya.

 

Wag mo lang isipin na ang paghahanda ng iyong personal finance ay para sa paglaan ang iyong iyong emergency fund, or retirement plan o pagkuha ng iyong mga pangarap. Ito rin ay pwedeng ibalanse sa kung saan ka magiging masaya. If you are not happy in what you are doing, this is useless. Kailangan din natin mag enjoyment sa buhay, hindi puro save at save lang ng pera, kailangan mong ibalanse ito.

 

Calculate

 

Kapag alam mo kung gaano karaming pera ang kailangan mo sa iyong future, maari mong kalkulahin ang pwede mong gamitin para makapag enjoy sa buhay at ang kailangan mo para i-save para sa iyong future.

 

Sa paglipas ng panahon kung nanatili ka sa iyong goal dapat mong mahanap ang quality ng iyong buhay at comfort factor na alam mo na sapat para sa iyong mga pangarap.

 

Recommended Blog Post: What Is Your Ultimate Goal?

 

Live life to your own design.

 

Kung kailangan mong pagtrabahuhan ang iyong goal ng ilang taon, pwede mong gawin para mas mapataas mo pa ang iyong pangangailangan. Magplano sa buhay at mag ipon pero mabuhay nang naaayon sa gusto mo.

 

Money can’t buy happiness, but marital harmony regarding money can help.

Nahihirapan ka bang makapag attract ng mga tao sa business mo?
Gusto mo bang sila na mismo ang lalapit sayo.

 

Gusto mo ba yon? Yung tipong lalapit na yung mga tao sayo na fully committed para gawin kung ano ang ginagawa mo?

 

Alam mo bang karamihang network marketer, affiliate marketer at nasa online business ay nahihirapan kung paano nila magagawang makapag attract ng mga tao papunta sa business nila at yon ang nagiging dahilan kung bakit maraming taong nagpi-fail.

 

Sa ganitong industry, sales ang pinaka mahalaga parte para magawa mong maging successful. Kapag walang sales wala kang income, kapag walang taong nakakakita ng business mo, walang possible na may bumili sayo.

 

Paano mo ba magagawang maattract ang mga prospect mo sa iyong business na hindi mo ginagawang mag start ng conversation o mamilit o mag white lies.

 

Ito ang mga best attraction strategy kung bakit nagiging successful ang mga successful na marketer.

 

Attract Your Prospect Through a Story.

 

Isa sa paraan para magawa mong maattract ang iyong prospect sa iyong business ay ang gumawa ka ng isang positive story. Maraming taong successful at people love to know about kung bakit sila naging successful, ano ba ang mga ginawa nila.

 

At isa pang dahilan kung bakit isang magandang strategy ang pag gamit ng story. Kung napapansin mo bakit ba viral ang mga story na ginagawa ng mga tao sa facebook, like yung uber driver na tinulungan yung babae at hinatid sa hospital, kung narinig mo na ang kwenta na yon. Or yung fastfood company driver na binilhan ng gamot ang isang customer nya na may sakit ang anak.

 

Because PEOPLE LOVE STORIES. They spend time para alamin  kung ano yung nasa likod ng story na yon positive or negative man yan.

 

Use Your Lifestyle.

 

Merong isang Internet Entrepreneur, ang pangalan nya ay si Neil Patel. Nagyaya ang kaibigan nya na i-drive test ang Ferrari na binili nya. Noong nagkita na sila agad nyang sinubukan ang sasakyan nong kaibigan nya. Dahil hindi naman sya fan ng mga kotse, si Neil ang pinakamabagal na patakbo don sa race track. Imagine nagpapatakbo sya ng Ferrari na napakabagal.

 

Then pagkatapos nila sa drive test nagpa picture si Neil kasama nong ferrari.

 

At agad nya itong pinost sa social media. Nagulat sya maraming nag like, comment at nag share nong post nya. Ang iba nag congrats, yung iba naman napawow pero nagulat sya nong dumami ang nag inquire sa business nya.

 

Dahil nagulat sya nagtanong sya sa kaibigan nya kung nararanasan nya rin ito. At sabi ng kaibigan nya “Yes! All the time.”

 

Dahil don nag explore sya kung ano pa ang kayang gawin ng isang bagay para sa business nya. Nag share sya ng picture ng relo nya, condo, travel at iba pa.

 

Bakit ba napakagandang gamitin itong lifestyle sa pag attract ng prospect? Dahil lahat ng tao, hindi man nila aminin pero gusto din nila ang magkaroon ng kotse, travel o iba pang gawain o bagay na wala sila. Pero hindi lang nila alam kung paano makukuha ang mga yon. Kaya naman nabuo ang Lifestyle Marketing.

 

Attract Your Prospect using results.

 

Isa sa pinaka best na gamitin para makapag attract ng prospect ay ang mag bigay ka ng sarili mong result sa business mo.

 

Ano ba ang result na ito? Hindi lahat ng oras ang result ay pera. Pwede mong gamiting result ang mga positive na bagay na nagyayari sayo. Like for example, marami kang leads of prospect araw-araw, qualified leads of prospect, or maraming inquire na nagyayari sayo araw-araw. Maliit man yan o malaki result is a result.

 

Paano kung wala ka pang resulta?

 

Pwede mong gamitin ang result ng ibang tao para makapag attract pero mas malaki ang potential na maattract mo sila kung sariling result mo ang ipapakita. Para magawa mo yon. Go! and Find One, maghanap ka. Makukuha mo lang yon galing sa iyong skills na natutunan mo sa mga training.

 

Solve Their Problem.

 

Ang pinaka best na attraction strategy na pwede mong gamitin ay ang pag tulong sa mga prospect mo. Ano ba ang madalas nilang problema at paano ka makakatulong sa kanila?

 

Ang pagtulong sa iyong prospect ay ang pinaka mabilis na paraan para maattract mo sila sa iyong business  dahil nakakapagbuo ka dito ng rapport, trust and credibility.

 

Ang strategy na ito ay hindi guaranteed na magwowork sayo. Kailangan mong i-test sa iyong sarili at gawin consistent para malaman mo kung anong strategy na magwowork. Kapag hindi mo inapply 100% sure na hindi ito magwowork.

Minsan may nag message sakin at ito ang saktong sinabi nya sakin.

 

“Sir, I’m feel so excited pero kinakabahan ako, wala pa kasi akong alam sa ganitong negosyo gusto ko pong subukan pero ayaw ko pong malugi.”

 

Karamihan talaga natatakot sila na pumasok sa isang bagay na bago pa lang sa paningin nila. Kahit ako natakot din ako dati na simulan yung bagay na hindi ko pa alam. Pero may mga tanong akong na-consider bago ko nasabing, “Yes! Ito na to! Gagawin at sisimulan ko na ito.”

 

Ito ang Apat na tanong na na pwedeng mag guide sayo kung sisimulan mo ba ang isang bagay na hindi mo pa alam.

 

Committed ba ako?

 

Bago ka magsimula ng isang bagay na hindi mo pa alam kung magwo-work o hindi, tanong mo muna ang sarili mo. Magiging committed ba ako?

 

Committed saan?

 

Committed na makuha ang pangarap mo, committed na pag-aralan ang negosyong ito. Ibig sabihin hindi ka aasa sa kung ano lang ang ibibigay sayo. Kailangan mo din gumawa ng sarili mong hakbang para pag-aralan ito. Yon yung isa sa pagiging committed. Desidido ka na matuto.

 

Karamihan kasi gustong gustong maging successful sa buhay pero iilan lang talaga ang committed gumawa ng action.

 

Ikaw, committed ka ba o willing ka lang. Magkaiba yon, kailangan mong tingnan yon sa sarili.

 

Tama ba ang Mindset ko para pasukin to?

 

Kung papansinin mo sa sentence ng pagtanong nya sakin, ito ang example ng isang wrong mindset. Iniisp agad nya na malugi kaysa gumawa ng paraan para hindi malugi. Ito ang problema ng karamihang mga Pilipino.

 

Hindi na nakakapagsimula, hindi pa nila ginagawa yung isang bagay iniisip na agad nila yung negative outcome, kung ano ang negative na kakalabasan.

 

Definitely kapag mayroong kang wrong mindset kapag pinasok mo ang isang bagay na hindi mo pa alam, sigurado ako na mabibigo ka kasi naka focus sa negative outcome kaysa sa positive outcome.

 

Bago mo pasukin ang isang bagay dapat balanse ka. Handa ka na mabigo, na mag fail sa ginagawa mo o sa gagawin mo. Pero dapat, sabi ko nga kanila, committed ka na pag-arala at maghanap ng solusyon kung paano ka makakabangon kaysa sa mga negative na bagay na hindi naman makakatulong sa pag-angat mo.

 

So, i-set mo ang mindset mo na mabibigo ka, na malulugi ka pero hindi mo hahayaan na mangyari ang mga bagay na ganun. So, change your mindset.

 

Willing ba akong mag take ng Risk?

 

Lahat naman tayo ayaw natin na pumasok sa isang bagay na kababagsak natin. Pero hindi tayo mag go-grow kung nakatayo lang tayo kung saan tayo komportable.

 

Lahat ng successful na tao sila yung tinatawag na risk taker. Sinasalubong nila yung risk para lang mag tagumpay. Sabi nga sa isang quotes;

 

Life is all about taking risks. If you never take a risk, you will never achieve your dreams.

 

Lahat ng successful people nag take sila ng risk sa iba’t ibang paraan, pwedeng nag take sila ng risk sa time, sa family or sa money.

 

Kung gusto mong makaalis sa buhay na mayroon ka ngayon at makuha ang pangarap mo, kailangan mong mag take ng Risk. Walang taong naging successful na nakatayo lang sa kanilang comfort zone.

 

Pero bago ka mag take ng risk dapat committed ka at tama ang mindset mo to be succeed.

 

Ano ang Priority ko?

 

So, kailangan na malinaw sayo kung ano ang priority mo sa buhay. Malaki kasi ang effect nito lalo na kung mayroon ka ng goal.

 

Madalas kasi nabibigo ang isang tao dahil nalilito sya kung ano ang priority nya, hindi malinaw sa kanya. Kung gusto mong makatulong sa family mo, mas naniniwala akong kailangan mong tulungan muna ang sarili mo bago mo mas matulungan ng malaki ang pamilya mo.

 

So, know your priority, accept risk, change your mindset and be committed.

Copyright © 2016 - 2025
Neil Yanto Blog
FOLLOW US

About me

Hi, I’m Neil Yanto — a content creator, entrepreneur, and the founder of an AI Search Engine built to protect people from scams and guide them toward real opportunities online. The main purpose of my AI Search Engine is to review platforms, websites, and apps in real-time — analyzing red flags, transparency, business models, and user feedback...Read More

Need to Know

About MePrivacy PolicyTerms and ConditionsEarning DisclaimerBrand Deal GuidelinesLoginAdvertiserPublisher

Contact Us

Email: info@neilyanto.com
Neil Yanto Official Website™