“Brad, wala kang gagawin magbigay ka lang ng pera kikita ka ng doble para sa pamilya mo at para sa mga pangarap mo sa buhay.”

 

Naranasan mo na bang ma-scam?

 

Ako naranasan ko na. Yung tipong nagbigay ka ng pera pero wala namang naibalik na kahit anong produkto o serbisyo sayo.

 

Ang sakit non diba? Matagal mong pinaghirapan na ipunin ang pera tapos ganun-ganun lang mawawala na parang bula na wala ka namang napakinabangan kahit isa.

 

Kagaya na lang nang napanuod ko sa tv kagabi. Isang Retired na scam ng mahigit kumulang 8 milyon.

 

‘Yung tipong 5 thousand pa lang masakit na sa puso 8 milyon pa kaya?

 

Meron namang nagsasabi na, “Ako hindi ako magbibigay agad don.”

 

Hindi natin masasabi, diba? Katulad kung ang isang scammer ay gumagamit ng pain and pleasure strategy. ‘Yung tipong gagamitin yong kahinaan mo para mapa OO ka lang nila.

 

Kaya naman ginawa ko itong blog post na ito para tulungan ka na makaiwas sa mga Petmalu at mga Lodi na Scammer. Ano ba ang mga kailangan mong gawin para makaiwas sa scam?

 

Educate Yourself

 

Marami satin na aware sa scam pero dahil na rin sa gustong gusto nilang kumita ng malaki o madoble/matriple ang kanilang pera pumapasok sila sa mga business na walang kasiguraduhan at nagbibigay sila ng pera sa mga taong hindi naman nila kilala.

 

Hindi rin natin masisisi ang mga taong nai-scam dahil malaki ang pangarap nila at gusto nilang bumuo ng mas magandang future sa family nila, yon nga lang napupunta sa maling pag iinvest ng pera.

 

Kaya naman bago pumasok sa isang business kailangan mo munang punuan ng kaalaman ang iyong isip. Kailangan mong pag-aralan ang mga tamanag paraan ng pag-iinvest ng malaking pera.

 

Kailangan mo ring i-identify ang mga popular scam na involve ang pera, alamin ang mga common practice ng mga scammer at i-recognize ang possible phishing scams o yung mga bagay na kailangan mong ibigay para masolusyonan ang problema mo.

 

Stop and Search

 

Bago mo ibigay ang pera sa isang agent o sa isang tao kailangan mo munang tumigil at mag search kung ito ba ay legit, meron ba itong mga dukomento, registered ba ito at ano ba ang company nila?

 

Hindi pa nagtatapos diyan, baka naman ang tao ang scam hindi ang company. So, tingnan mo kung totoo bang member ito ng isang legit na company o empleyado ba talaga ito o baka naman nagpapanggap lang.

 

Wag kang magdalawang isip na mag tanong sa company na irerepresent ng isang agent dahil reponsibilidad mo yon na mag imbestiga dahil magbibigay ka ng malaking pera.

 

Wag mag tiwala agad, suyurin at halungkatin mabuti bago mag invest ng pera dahil baka maging bato ang papasukan mo.

 

Tingnan mo din kung ano ba ang ginagawa ng agent. Ano ang pamumuhay nya? Saan sya nakatira? Magtanong ka ng personal na bagay sa kanya para malaman mo kung ito ba ay legit at mapagkakatiwalaan.

 

Lagi mong tatandaan hindi masama ang magtanong, magresearch at tumigil bago magsimula.

 

Invest With People You Trust not You Believe

 

Sabi nga ng iba wag mag tiwala agad at naniguro muna. Pag-aralan muna bago mag invest at magimbestiga muna bago magsimula. Pero kung meron ka namang kakilala na legit at matagal mo nang pinagkakatiwalaan bakit ka pa lilipat sa iba, diba?

 

Maraming scammer ang gagawin ang lahat para magtiwala sila sayo. Maraming scammer na mag iinvest at kukunin ang loob mo para magtiwala sila sayo. At papaniwalain ka nila na kailangan mo mag invest sa kanila.

 

Papaano mo ba magagawang mag tiwala?

 

Bibigyan ka ng flower o mga regalong hindi mo naman kailangan?

Papangakuan ka ng malaking kitaan o pagbalik ng mabilis ng pera?

 

Kung ganyan ang sinasabi sayo wag kag magtiwala.

 

Wag ka makipagkita sa public place, makipagkita ka sa company office nila at doon iproccess ang payment.

 

Kung online investment naman yan, tingnan mo kung ano ang lifestyle ng taong pina-follow mo.

 

Kung ito ba ay nagtuturo o nagpopromote lang.

 

Mag invest sa pinagkakatiwalaan mo hindi sa pinaniniwalaan mo.

 

Pag-aralan.
Maniguro.
Magsiyasat.

Alam mo, marami akong kilalang hindi masaya sa kanilang ginagawa sa buhay.

 

Marami ang ayaw sa kanilang trabaho.

 

Maraming ang ayaw na bumabyahe papunta o galing sa trabaho at nasaStuck sa trapik 1 hanggang 3 oras kada-araw.

 

Ayaw nila ng nakakulong lang sa opisinanakatunganga sa computer, gumagawa ng paperworks.

 

Ayaw nila ang kanilang sweldo na nakapaliit at kulang pa pambayad sa mga bills at gastusin.

 

Ayaw nila ng malayo sa kanilang pamilya.

 

Alam ko kailangan natin gawin itong mga bagay na ito para mabuhay o mag-survive.

 

Pero hindi lang natin kailangan mag-survive. Kailangan din natin mabuhay ng masaya at komportable. Pwede naman tayong mabuhay dahil gusto natin yung ginagawa natin.

 

Kung ikaw ang tao na ayaw mo o sawang-sawa ka na sa ginagawa mo sa araw-araw lalo na sa iyong trabaho, paki-usap lang…

 

Huminto ka muna.

 

Tingnan mo muna saglit kung bakit hindi ka na masaya sa ginagawa mo.

 

Tingnan mo munang mabuti kung anong maari mong gawin.

 

Alam ko na gusto mo magbago ang iyong sitwasyon pero hindi mo lang magawa dahil nakakatakot.

 

Nakakatakot na baka mag-fail ka sa gagawin mong bago.

 

Nakakatakot na baka matuklasan mo ay hindi mo rin pala gusto.

 

Nakakatakot na baka hindi ka kumita tulad ng kinikita mo sa ngayon.

 

O baka nama’y natatakot ka sa sasabihin o iisipin ng iba sa’yo.

 

Ngayon, hindi ba’t mas malaki ang risk kung hindi ka aalis sa kalagayan o sitwasyon mo ngayon?

 

Kasi maari ka ring mag-fail o matanggal bigla sa trabaho. Maaring magbawas ng pasweldo ang iyong employer.

 

Maaring magkaroon ng malaking pangangilangan sa pangaraw-araw.

 

At ang pinakamabigat at pinakamalaking RISK sa lahat ay maaring nasa dulo ka ng iyong buhay at ngayon na pala ang huling araw mo sa mundo.

 

Tapos ang huling mararamdaman mo ay lungkot sa iyong buhay dahil hindi mo nagawa ang mga gusto mong gawin.

 

…Dahil hindi mo sinunod ang gusto talaga ng puso mo.

 

Alin sa dalawa ang mas kaya mong tiisin?

 

Sa dulo ng lahat, we will ask ourselves these 3 questions:

Did we live?
Did we love?
Did we matter?

Nagsawa ka na ba?
Dahil sa paulit-ulit na problemang hindi masolusyonan?

 

Mahabang traffic, hindi maayos na sistema sa gobyerno, mababang sahod, araw-araw sirang mrt at lrt, pagtaas ng gasulina at mga bilihin, sunod sunod na patayan at marami pang iba.

 

At ang masakit pa dito, ang malaking TAX na nakapatong satin pero makikita mo na nag aaway-away ang mga nakaupo sa pwesto gamit ang pera nating mga simpleng tao.

 

Masakit lang isipin, diba?

 

Pero kung ikaw ang tatanungin sino ba ang dapat sisihin?

 

Sisihin kung bakit hindi tayo umaasenso.

 

Kaya naman gumawa ako ng isang blog post para ibigay sayo ang mga dahilan kung bakit ba hindi tayo umaasenso at patuloy naghihirap ang ating bayan.

 

Reason #1: We’re not Systematic

 

Katulad ng bansa natin, ang mga tao dito at isipan natin ay watak-watak. Kung baga “Sabog” dahil siguro na rin sa iba’t ibang opinyon at gusto nating makuha.

 

Merong mga taong pansarili lang ang iniisip. Yung mga taong gagawin ang lahat para sirain ang ating sistema nang sa ganun ay makuha nila ang kanilang pansarilin interes.

 

Meron namang mga tao, karamihan sa atin ay “Genius”. Yung alam alaman. Akala nila nakakatulong sila sa bayan natin pero sila yung mga salot sa lipunan na dapat lipunin. Yung mga taong ayaw makinig at gusto lang pakinggay ay ang mga gusto nilang hinaing. Sila yung may mga pinag-lalaban para sa ikakabuti lang ng kanilang grupo pero wala namang inaayunan.

 

Oo, alam ko. Hindi naman ako kontra dito. Sabi nga kung may positive dapat may mga negative.haha

 

Meron namang mga taong gusto talaga maging mayaman kaya naman kumumuha sila sa pera ng bayan. Yung mga taong nakaupo sa pwesto na ang hanap lang ay bonus o project. Project na hindi naman nakakatulong at matapos tapos, e, nakakasira pa sa pang araw-araw.

 

Diba? Paano tao aasenso kung iba-iba tayo ng gusto.

 

Wala tayong sistemang sinusunod o wala naman talaga sigurong magandang sistemang nagawa o nabuo?

 

Ano sa palagay mo?

 

Reason #2: We’re not Follow Rules

 

Alam mo ba ang isang dahilan kung bakit traffic sa EDSA?

 

Simple lang ang sagot, dahil hindi nasusunod ang batas trapiko.

 

Simpleng pag tawid nga sa daan hindi pa natin madalas magawang umakyat sa foot bridge o sa pedestrian lane man lang.

 

Simpleng pag tapon natin ng basura sa tamang basurahan ay hindi pa natin masunod.

 

Simpleng pagsunod sa traffic light hindi pa natin magawa.

 

Maraming rules na akala mo hindi nakakaepekto pero malaki ang epekto nito sa atin.

 

Maliit nga lang yan pano pa kaya yung malalaki.

 

Paano tayo uunlad e kung sa simpleng bagay na yan ay hindi pa natin magawa kahit sa sarili lang natin?

 

Kailangan natin simulan ang isang magandang habit nang sa ganun sundan din ito nang karamihan.

 

Reason #3: We’re not Prioritize Value Over Price

 

Karamihan sa ating mga Pilipino ay mahilig sa mura pero hindi natin tinitingnan ang quality ng isang bagay.

 

Mura pero hindi naman tatagal.

 

Naalala mo kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin masolusyonan ang sirang MRT or LRT?

 

Dahil nag hanap sila ng isang contractor na mapapamura sila sa budget pero hindi naman satisfied ang services dahil hanggang ngayon ay napapamura pa rin ang lahat ng commuters.

 

Hindi natin tinitingnan ang tibay ng isang bagay, mas tinitingnan natin kung saan tayo makakatipid dahil minsan nasa isip natin na “Nasa pag gamit yan.”

 

Kahit ano pa ang alaga mo sa isang bagay na hindi naman matibay, masisira at masisira din yan nang mabilisan. (Sabi nga sa isang hugot lines)

 

Ito ang nakikita kong dahilan kung bakit hindi tayo umaasenso.

 

Ngunit lagi nating tatandaan na hindi na babase sa isang bansa o sa isang lugar o grupo ang pag asenso mo sa buhay.

 

Katulad ng mga dahilan na yan, kailangan mong magkaroon ng sistema sa buhay mo na susundan para hindi ka maligaw. Meron kang Rules sa buhay mo na dapat gawin para magkaroon ka ng magandang habit at kailangan mong tingnan ang quality ng isang bagay kung ito ba ay pang matagalan.

 

In other word, mas titibay ang ating bayan kung magsisimula ito sayo.

Isa ka rin ba sa nakaka experience nang negative sa business mo? Yung tipong maraming bashers kana sa business na ginagawa mo. Like for example, lagi kana lang narereport sa social media as SPAM or maraming nag co-comment na negative sa mga post mo or walang wala nang pumapansin ng business mo. Kung nakakaranas ka ng bad experience sa business na ginagawa mo ngayon kailangan mong basahin ang blog post na ito para malaman kung paano mo magagawang magtiwala ang mga prospect mo sayo at mag karoon ng mataas na sales.

 

Ang pagtatatag ng tiwala ay mahirap makuha lalo na sa Online Marketing. Posting at pag-share ng product or services ay hindi enough para makapag attract ng mga qualified buyers, kailangan munang makuha ang loob ng isang prospect para mag tiwala sila sayo at sa product na inooffer mo.

 

Ito ang 3 Example nang Online Marketing Strategy na nakakapag bigay ng mataas na trust at credibility sayo at sa iyong business.

 

1. Start Creating Blog

 

Pagdating sa pagbuild ng iyong brand, social media ang pinaka powerful na tools at maraming iba’t-ibang effective na paraan kung paano mo ile-leverage ang social media para magkaroon ng mataas na impact sa iyong brand. Pero ang Social media ay hindi sapat para makapag build ng credibility and trust.

 

Trust ay mahirap kunin sa sales process. Kapag ang prospect ay walang tiwala sa iyong brand, hindi nya magagawang mag take ng risk na bumili sayo. Kapag hindi ka naman credible, the same things happen. Para makapag gain ka ng new business, kailangan mong magsimulang magtrabaho sa pag build ng trust at building credibility. Kaya naman kailangan mong simulang bumuo ng relationship sa iyong prospect. Ito ang paraan kung paano ka magbebenta ng product or services.

 

Kapag sinimulan mong mag blog, maisi-share mo ang iyong expertise at knowledge. Ito ang bubuo sayo ng credibility. Kapag sinimulan mong mag blog, makakapag educate ka ng mga tao, at ito ang magbibigay sayo ng trust sa mga prospect mo.

 

2. Join an Online Forum

 

Kung ang pag-uusapan natin ang pag build ng relationship at pag establish ng expertise, online forum ay isang magandang tools para sa mga ito. Kapag hindi ka nakapag buo ng relationship sa mga prospect mo, hindi sila magtitiwala sayo.

 

Online Forum ay isang proven resources sa pagbi-build ng relationship dahil hindi lang marketer at freelancer ang pumupunta dito kundi mga potential client.

 

Ang magandang bagay pa dito ay makakapag buo ka ng relationship na hindi nagbibigay ng extra effort at mapapakita mo na ikaw ay isang expert sa isang bahay na hindi kayang ibigay ng ibang tao.

 

3. Give Free Reports

 

People love free items. Meron something sa isang bagay na naattract ang mga prospect sa salitang “free”.

 

Kaya naman makikita mo sila na ginagawa ang lahat para makuha lang ang item for free. Most of the time, ang pakiramdam ng mga prospect ang free item ay hindi ganun kahirap sa pakiramdam hindi katulad nang paid item.

 

Free report like cheat sheet, resources list, templates, eBook, video tutorials o anything na makakatulong sa prospect mo ay makakabuo ng trust sayo at sa iyong brand.

 

Ang mindset na pinapakita ko sayo ay isang bagay na pwedeng magbigay ng idea kung paano ka makakapag bigay ng value sa mga prospect mo.

 

Ito ang ginagamit ko kung paano ako mag benta ng product sa mga prospect ko pero sa una kailangan mo munang magbigay ng value for free.

 

Dahil ito ang makakatulong para makapag buo ng credibility and trust.

 

Tandaan mo ang kasabihan na ito; “People will do business with someone they know like and trust.”

Napakahirap mag ipon, alam mo ba yon? Lalo na kung kaliwat kanan ang mga tukso, nandyan yung mga sales sa mga mall, yung nakita mo yung friend mong  magtatravel na naman sa ibang lugar, may bagong labas na gadget at sarit saring tukso. Hindi mo talaga maiiwasan ang gumastos.

 

Madalas ang pinakamahirap na bagay sa pag-iipon ng pera ay ang magsimula. Alam mo kung bakit? Dahil mahirap malaman kung ano ang mga simpleng paraan sa pagtitipid at kung paano gamitin ang iyong naipong pera para makuha ang financial goal mo. Kaya naman ang step by step guide na ito sa money-saving habits ay makakatulong para madevelop ang realistic saving plan mo.

 

1. Tract & Record your expenses.

 

Ang unang step sa pagtitipid ay ang malaman kung magkano ang iyong ginagastos. Kailangan mong subaybayan ang mga bagay na iyong pinagkakagastusan. Kapag alam mo na ang data sa iyong expenses, kailangan mong i-organize by categories tulad ng monthly bill (rent, water, electricity & internet bill), gas kung meron kang sasakyan, groceries at yung total amount na natitira. Isama mo rin yung credit and debit card mo dito. Kung ang banko ay online naman, pwede mo ditong makita ang itong statement para malaman mo ang iyong ginagastos.

 

2. Make a budget.

 

Kapag alam mo na ang total na gastos mo buwan-buwan, maaari mo nang ayusin ang iyong expenses sa isang magandang budget.  Dapat ang iyong expenses ay hindi lalagpas sa monthly income mo, upang ma i-plano mo ang iyong pag gastos at limitahan ang overspending. Bilang dagdag sa monthly expenses mo, siguraduhing alam mo ang iyong expenses na dapat regular na nangyayari pero hindi buwan-buwan, katulad nang tuition fee, car maintenance at iba pa.

 

3. Plan on saving money.

 

Kapag nakapag buo kana ng budget, gumawa ng saving category. Subukan mong alisin ang 10-15% nang iyong income at gawin itong savings. Kapag mas mataas ag iyong expensive kaysa sa income mo dahilan nang hindi ka makapag ipon o makapag tira ng 10 -15% ng iyong income, subukan mong balikan ang expenses record mo. Hanapin ang mga hindi mahalagang bagay na pwede mong alisin para mabawasan ang iyong expenses, katulad ng panunuod ng sine, pagkain sa labas, at iba pa.

 

4. Choose something to save for.

 

Isa sa magandang paraan sa pag-iipon ay ang mag set ng isang goal. Simulan mong pag-isipan kung para saan ang iyong pag-iipon – kahit ano, katulad ng down payment ng iyong bahay na gusto mong bilhin – pagkatapos alamin mo kung gaano katagal mong pag-iipunan yon, set a time frame kung baga.

 

Ito ang halimbawa ng short-and-long term goals;

 

Short Term Goals

 

 

Long Term Goals

5. Decide on your priorities.

 

Matapos ang iyong expenses at income, ang iyong goal ay magkakaroon ng malaking epekto sa kung paano ka makakatipid ng pera. Siguraduhing alam mo ang iyong long-term goal – mas mahalang magplano sa iyong retirement kaysa sa short-term na pangangailangan mo. Mga priority na goal ay mgabibigay sayo ng malinaw na idea kung paano ka magsisimulang magipon.

 

6. Pick the right tools.

 

Kung mag-iipon ka para sa iyong short-term goals, kailangan mong i-consider ang paggamit ng PDIC-insured deposit accounts:

 

 

Para sa Long-term naman:

7. Make saving automatic.

 

Halos lahat ng mga banko ay nag ooffer ng automated transfer between sa iyong checking at savings account. Maaari mong piliin kung kailan, kung magkano at kung saan magta-transfer ng pera, o kahit hatiin ang iyong direktang deposito sa pagitan ng iyong checking at savings account. Automated transfer ay magandang paraan para makapag tipid ng pera dahil hindi mo na kailangan isipin ang tungkol dito, at mababawasan ang tukso ng pag gastos.

 

8. Watch your savings grow.

 

Tingnan mo ang iyong progress sa  bawat buwan. Hindi lamang para matutukan ang iyong personal savings plan kundi para mabilis mong malaman at maayus ang mga problema.

 

Sana ang simpleng paraang ito sa pagtitipid ay magbigay sayo ng inspirasyon para magsimulang mag-ipon at makuha ng iyong goal ng mas mabilis.

 

PS: Gusto Mo Bang Simulang Makuha Ang Iyong Long-Term Goal?

I love social media, pero araw-araw marami akong nakikitang network marketer at affiliate marketer na maling pamamaraan ang kanilang ginagamit sa pagpo-promote ng kanilang product at services, dahilan ng pagkasira ng business nila.

 

Ngayon tutulungan kitang maintindihan kung ano ang mga common mistake ng mga networker sa pagpo-promote nila sa social media, kaya naman if you are making mistake magagawa mo itong i-tama at maging successful sa iyong business.

 

Ang social media ay napaka gandang tools para sa mga marketer dahil magagawa nitong mas mapadali ang iyong business kung ginagawa mo ito ng tama.

 

Magkakaroon ka ng ability na mabilis na makapag connect sa mas maraming tao sa buong mundo, very fun at interesting diba?

 

So, pumunta na tayo sa main topic ng blog post na ito.

 

6 Common Mistakes You Need To Avoid in Social Media Marketing

 

1. Posting too much about their product or opportunity.

 

Ang social media ay walang pinagkaiba sa pagkikipag meet sa ibang tao araw-araw at ginagawa natin yan.

 

Hindi ka papasok sa isang party at magsisimulang magbenta ng product na inooffer mo, tama? Ganun din sa social media.

 

Sa halip, kailangan muna nating magbigay ng value at mag create ng relationship sa ating prospect bago tayo mag promote ng link about sa ating product o services.

 

Marami akong nakikitang marketer na nagpo-post ng mga link about sa kanilang business opportunity or product nila, katulad ng pag private message sa mga friend list about sa kanilang inooffer na hindi man lang sila nagsisimulang makipag usap . Trust me hindi ka makakapag attract ng leaders sa ganyang maling strategy. Sa ibang social media pwede kang ma-ban o ma-shut down ang iyong account.

 

2. Spamming other pages or groups.

 

Ang isa pang mali ng mga network and affiliate marketer ay nagtatapon sila ng mga link at sales promotion sa lahat ng Social Media site. Don’t post automatic at mag spam sa mga post ng ibang viral post, group at pages. Avoid broadcasting, social media ay hindi isang advertising channel. Engage in conversion.

 

3. Misusing Private Messaging without building a relationship first.

 

Top 3 sa maling pamamaraan ng mga networker at mga affiliate marketer ay ang pagbibigay ng mga link about product or video presentation ng kanilang business. Lagi mo tandaan na ang iyong link ay ang sandata mo sa iyong business, kapag wala kang sandata wala kang kita. Ang lahat ng Social Media ay kayang kaya nilang alisin o i-ban ang iyong link sa buong site nila lalo na kung hindi magandang practice ang ginagawa ng isang marketer.

 

Mag simula kang mag create ng relationship then promote your product ot business opportunity.

 

May tamang oras para sa lahat friend.

 

4. Not Providing Value.

 

Lagi mong tatandaan na mahalagang mag-isip kung paano ka makakatulong sa ibang tao at makakapag bigay ng mga value.

 

Makukuha mo ang attention ng mga tao kapag ikaw ay nagbibigay ng something valuable at ito ay hindi mahirap gawin lalo na kapag nagsimula ka ng good habit.

 

3 Easy and Simple Ways To Provide Value On Social Media

 

5. No Personal Content.

 

Ang mga tao ay mas interesado sa buhay na meron ka ngayon kaysa sa business na ginagawa mo. Ang bottom line dito ay nakikita ng mga tao na hindi na sila magkakaroon ng social life at hindi na nila magagawa ang masasayang bagay habang ginagawa nila ang business na inooffer mo. Lagi kang mag post ng mga positive. Kung meron kang mga sama ng loob, wag mong ilabas sa social media, ilabas mo ito sa bahay mo o sa mahal mo sa buhay. At huli sa lahat, I advice na wag kang makikipag participate sa ibang post na negative unless na magagawa mo itong baguhin in a positive way.

 

Kung mag si-share ka lang ng business araw-araw, i’m sure na iignore ka ng mga tao at ikaw ay parang magiging invisible.

 

6. Lack of Consistency in Your Posts.

 

Kung ikaw ay hindi consistent sa ginagawa mo ang tao ay magsisimulang mag doubt sa iyong commitment at iyong vision.

 

Kailangan mong gawing daily habit na mag post consistently.

 

Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit kailangan mong mag focus sa isa o dalawang social media account. Mas better na mag post consistently sa isang social channel kaysa sa madaming channel pero hindi naman consistent.

 

Itong practices na ito ay  hindi nagwo-work at sinisimulan mong sirain ang iyong sariling profession at business.

 

Learn the best practices and strategies and start using Social Media the right way to grow your business.

Furious businessman throws a punch into the computer

 

“Ilang buwan na ako sa business pero hindi pa rin ako kumikita.”

 

“Ginawa ko naman ang lahat pero bakit parang walang nangyayari.”

 

“Dapat na ba akong lumipat ng ibang business?”

 

Ilan lang yan sa mga concern ng ating mga kapatid na nasa business. At kung susumahin natin, karamihan sa mga taong ito ay tumutigil at nawawalan na ng gana sa pagnenegosyo.

 

Yung iba bumabalik sa pagiging empleyado, yung iba naman naghahanap ulit ng bagong negosyo at yung iba naghahanap ng paraan para maging maayos ang kanilang existing na business.

 

Bago ka pa ma-frustate sa matumal na sales, bakit hindi muna natin tingnan ang mga dahilan kung bakit hindi tayo makapag benta.

 

Check Your Foot Traffic or Website Traffic

 

Isang mahalagang bagay sa isang business ay ang magkaroon ng foot traffic or website traffic o mga taong papasok at makakakita ng mga product mo. Kapag hindi nangyari yon, walang posible na may bumili ng product.

 

No Traffic, No Sales!

 

Mahalagang maraming tao at highly accesible sa mga commuters ang pwesto. Kung nasa Online naman ang business mo dapat ito ay nakaka attract sa paningin pa lang ng tao at merong kang tamang tools na ginagamit.

 

Maaari mo ring suriin ang oras o tinatawag na peak hour sa pag popromote ng iyong product.

 

Upgrade Your Marketing Strategy

 

Wag kang ma-kuntento sa pag post lang ng product o services mo at pagpopromote lang. Baka kailangan mo ring subukang mag upgrade like for example, pag gawa ng Video o simulang gumawa ng Paid Ads at iba pang strategy na makakatulong upang tumaas ang business traffic mo.

 

Subukan mo ring maghanap ng isang mentor na makakatulong sayo at sa pag assess sa mga pwede pang iimprove sa iyong marketing strategy na ginagamit.

 

Move On and Start Over

 

Karamihan sa mga taong nagsisimula pa lang magnegosyo ay nai-stuck sila sa frustration. Dahil hindi nila makuha nang ganun kabilis ang kanilang goals o hindi pa nila nakukuha ang gusto nilang income results. Kaya naman they straggle hanggang sila ay mapanghinaan ng loob at mag quit. Ang labas, they FAILED.

 

Kung nakakaramdam ka ng frustation o negativity kailangan mong tumigil nang panandalian at magsimula ulit kung saan ka nag simula.

 

Kailangan mong mag MOVE On at magsimula ulit.

 

Sabi nga LET Go, Move On and Start Over and Over Again.

 

Hindi natin makukuha ang ating goal hanggang hindi tayo natututo sa buhay.

 

Sa buhay kailangan mong mag fail at yung failure na yon magagamit mo as your advantage para maging successful at makuha ang iyong income result.

Nahihirapan ka bang makapag benta ng product at services mo Online?

 

Madalas na nasa Online Business at mga Online marketer ito ang problema nila. Hirap na hirap at halos walang pumapansin ng mga product nila.

 

Marami na rin akong nakitang mga strategy na hindi talaga nagwowork at mga strategy na talagang nakapag bigay sa mga successful entrepreneur ng mga magandang result na gusto nila.

 

Naalala ko dati back 2015 nang magsimula akong mag promote ng product at services, nahirapan din ako dati at halos walang nakikinig at pumapansin sa mga post ko.

 

Doon talagang naghanap ako ng mga strategy online, may pagkakataon pa nga na nagawa ko pang bumili ng online course para magawa kong mapalaki ang sales ko pero ganun pa rin, wala pa ring nangyari.

 

Sa dami ng mga Online Sellers at mga Marketer na nagsilitawan ngayon sapat na ba ang Products at merchandise, at Social media account?

 

Or course not!

 

Kailangan gumawa ng ingay para mapansin at habulin ng customers.

 

So, Paano? Ano ba ang sikreto?

 

1. Review Your Product/Services

 

Review your product using Video or Blog post. Mas nakikita kasi ng mga prospect kung paano ito nakatulong sayo, ano ang kagandahan ng product o services inooffer mo at paano rin ito makakatulong sa kanila.

 

Sa paraang ito mapapataas mo ang brand credibility ng product o services mo.

 

Magkakaroon ka rin ng visitors confidence, viral potentials, increased conversions and more more more trust.

 

Napakalagi ng ng benefits kapag meron kang review sa product o services na inooffer mo.

 

2. Create a best advertising Image

 

Kung ikaw ang tatanungin, maganda ba na ang sini-share mong advertising image ay “Okay lang,” o “Pwede na ?”.

 

Diba hindi?

 

Mas maganda kung yun ay Best, yung tipong may Wow Factor.

 

Dapat picture pa lang nakakahikayat na.

 

Alam mo bang sa mga advertisement ay 80% ang unang unang tinitingnan ng mga prospect ay ang image or video? 15% lang sa headlines at 5% sa body?

 

Napakalaki ng effect ng Video o Image sa isang ads dahil ito ang nakakahikayat sa mga prospect.

 

Hindi mo kailangan maging pro sa pagkuha ng images or video.

 

Pag-aralan lang ang proper lighting at flattering angles para makuha mo ang best image or video na hanap mo para sa ads.

 

3. Be Unique But Simple

 

Kung ikaw ang tatanungin, bakit sila bibili sayo kung meron naman sa iba?

 

Bakit nila mas pipiliing maging loyal sayo kung meron namang mas the best sa iba?

 

Kung product ang pag-uusapan kailangan mong pag-isipan kung paano ile-leverage pagdating sa QualityPackaging o PresentationPricing, at Promos o Giveaways.

 

Kung services naman, ano ang ginagawa mo na hindi ginagawa ng karamihan? at Ano ang ibibigay mo na hindi kayang ibigay ng karamihan?

 

Hindi mo kailangan maging kumplikado para maging kakaiba, madalas kung sino pa yung simple sila pa yung kakaiba.

 

Hindi lang nagtatapos dyan, kailangan mo silang ulit uliting ligawan para maging loyal sila sayo at bumili ng paulit-ulit.

 

4. Be Consistent

 

Kailangan mong maging consistent. Kung gaano ka ka-passionate noong sinimulan mo, dapat ituloy-tuloy mo lang ito.

 

Don’t put an Online Business or Don’t Join in Online Business Opportunity kung wala ka namang planong palaguin ito.

 

Araw-arawin mo at itodo mo.

 

At ito ang magiging dahilan para makilala at habulin ka ng mga prospect clients mo.

Akala mo datung, bato pala!

 

Minsan ba naranasan mong, akala mo qualified prospect ang nakakausap mo pero hindi pala. Yung parang interesado dahil tanong ng tanong pero hindi naman pala bibili at walang planong bumili ng product or services mo.

 

Nandyan na yung, “Ay! Itatanong ko muna kay Misis/Mister.”

 

Ang mahal naman, wala na bang mura.

 

Pag-iisipan ko muna.

 

Ay! Hindi ko pala kailangan yan, okay na ako sa sahod ko.

 

Maraming taong gustong kumita pero iilan lang ang talagang seryosong mag take action para kumita.

 

Kung mag take action naman madaling mag quit at panghinaan ng loob.

 

Ito ang ilan sa mga basehan kung paano mo malalaman kung qualified o hindi qualified ang prospect na kausap mo.

 

1. The prospect doesn’t have a specified requirement of the product/services.

2. The prospect is not a decision-maker and not in the position to buy a product/service.

3. The prospect requires a lot of time to decide to buy and initiate the process of buying.

4. The prospect’s budget is minuscule and limited.

5. The volume and the size of the buy is low

 

Maraming ganito diba?

 

Para maiwasan mo ang mga unqualified prospect salain mo sila.

 

Maraming taong gusto kumita, sino ba naman ang ayaw, diba?

 

Pero iilan lang ang kayang gumawa ng paraan para sa mga gusto nila sa buhay.

 

Iilan lang kayang mag take action para sa mga pangarap nila.

Minsan, para maging isang successful at maging isa sa taong gusto mong maging, hindi natin kailangan magdagdag ng mas maraming bagay sa buhay natin – ang kailangan lang natin gawin ay isuko ang ilan sa ginagawa natin.

 

Madalas Universe na ang nagsasabi, kung anong mga bagay ang isusuko natin para maging successful, kahit na ang karamihan sa atin ay iba ang kahulugan ng pagiging isang successful.

 

Maaari mong isuko ang ilan ngayon, habang ang iba naman ay maaaring tumagal.

 

1. Give Up on the Unhealthy lifestyle

 

Kung gusto mong makuha ang ano mang bagay sa buhay mo, dito nagsisimula ang lahat. Kailangan mong alagaan ang sarili mo, at merong dalawang bagay ang kailangan mong itatak sa isip mo,

 

1. Healthy Diet,
2. Physical Activity

 

Maliit na step, pero magpapa salamat ka sa sarili mo one day.

 

2. Give Up the short-term Mindset

 

Ang mga successful people sini-set nila ng goal nila sa long-term, at alam nila na ang mga layuning ito ay resulta lang ng short-term Habits na kailangan nilang gawin araw-araw

 

Ang healthy habits na ito ay hindi dapat maging isang bagay na ginagawa mo, dapat ito ay maging isang bagay na tanggap mo.

 

There is a difference between: “Working out to get a summer body” and “Working out because that’s who you are.”

 

3. Give Up on playing small

 

Kung hindi ka susubok at hindi gagawin ang mga magagandang opportunidad, o hayaang hindi maging totoo ang iyong mga pangarap, hinding hindi mo mapapamalas ang mga kaya mong gawin.

 

At hindi makikita ng mundo kung ano ang mga kaya mong gawin.

 

So, isigaw mo ang iyong idea, wag kang matakot na mag fail, at wag mong hayaang ang sarili mong matakot na magsucceed.

 

4. Give Up your excuses

 

Alam ng mga successful na tao na sila ang responsible sa kanilang buhay, ano man ang sinimulan nila, ano man ang kahinaan nila at ano man ang naging failure nila.

 

Malaman mo na ikaw ang responsible sa anong next na mangyayari sa buhay mo, nakakatakot man yan o nakakaexciting.

 

At kapag ginawa mo yan, yan lang ang tanging paraan para maging isa ka ring successful, dahil kapag inalis mo ang excuses mo dito ka mag go-grow personally at professionally.

 

Own your life; no one else will.

 

5. Give Up the fixed mindset

 

Ang mga taong may fixed mindset ay niisip nila ang katalinuhan at talento ay simpeng katangian, at ang katangian na yon ang magdadala sa kanila sa magandang buhay – without hard work. Doon sila nagkamali.

 

Ang mga successful na tao ay nagbibigay ng time sa araw-araw para madevelop nila ang ganilang mindset, new knowledge, new kills at kanilang perception para gumanda ang kanyang buhay.

 

Remember, who you are today, it’s not who you have to be tomorrow.

 

6. Give Up believing in the “Overnight Success”

 

Overnight success ay isang kathang isip lang.

 

Ang mga successful na tao ay gumagawa ng maliliit na bagay araw-araw para sa improvement at nagsama-sama ito over time, at ito ang nagbigay sa kanila ng magandang results.

 

That is why kailangan mong mag plano sa iyong future, pero magfocus ka sa susunod na araw at iimprove mo yon ng 1% every day.

 

7. Give Up Your Perfectionism

 

Walang taong perfect ika nga, kahit anong gawin natin.

 

Fear of Failure ay madalas pinipigilan tayo from taking action at inaalis tayo sa magandang mundong naghihintay satin. Maraming opportunities ang mawawala kapag hinintay natin na ang isang bagay ay maging tama o perfect bago tayo kumilos.

 

So “ship,” and then improve (that 1%).

 

8. Give Up your need to control everything

 

Tandaan mo ang pagkakaiba nito.

 

Umalis ka sa mga bagay na hindi mo naco-control at mag focus ka sa bagay na kaya mo, at alam mo yan kung ano. Ang isang bagay na kaya mong i-control ay ang iyong sarili papunta sa isang bagay.

 

Remember, nobody can be frustrated while saying “Bubbles” in an angry voice.

 

9. Give Up on saying YES to things that don’t support your goals

 

Kung gusto mong makuha ang isang goals ay kailangan mong mag say NO sa ibang tasks, activities o isa man itong demand ng iyong kaibigan, pamilya o kakilala.

 

Sa short-term, kailangan mong i-sacrifice ang ibang bagay or mga short-term activities, ngunit kapag nakuha mo na ang iyong goal, it will all be worth it.

 

10. Give Up The Negative People or Toxic People

 

Kung sino man ang nakakasama natin ng mas matagal ay nakakadagdag o nakakapag influence sa buong buhay natin o sa kung ano ang hahantungan ng buhay natin.

 

May ibang mga taong hindi gaanong maganda ang personal at professional life nila, at may mga tao namang nakuha na nila ang gusto nila. Kung gugugul tayo sa mga taong hindi naman makakatulong sa pagkuha ng goal natin, ang percentage na ma accomplish ang gusto natin ay bababa kasama ang iyong tagumpay.

 

Pero kung gugugul ka ng oras sa mga taong positive mindset at may mas naaccomplished na kaysa sayo, ano man ang challenge ang gawin mo sa iyong sarili, ikaw ay magiging isang mas successful.

 

Tingnan mo ang iyong paligid at tingnan mo kung may kailangan ka pang baguhin.

Copyright © 2016 - 2025
Neil Yanto Blog
FOLLOW US

About me

Hi, I’m Neil Yanto — a content creator, entrepreneur, and the founder of an AI Search Engine built to protect people from scams and guide them toward real opportunities online. The main purpose of my AI Search Engine is to review platforms, websites, and apps in real-time — analyzing red flags, transparency, business models, and user feedback...Read More

Need to Know

About MePrivacy PolicyTerms and ConditionsEarning DisclaimerBrand Deal GuidelinesLoginAdvertiserPublisher

Contact Us

Email: info@neilyanto.com
Neil Yanto Official Website™