Maraming mga marketers ang natatakot mag invest sa knowledge nila. Madalas iniisip natin ito na isang expenses para satin. Hindi natin nakikita once na mag build tayo ng knowledge at sini-share natin ito sa iba, doon mas possible na kumita tayo ng mas malaki sa business natin.
Noong bago lang ako sa business, sa network marketing business, ganito din ang mindset ko about building knowledge. Bakit ako mag aaral e mag iinvite lang naman ako. Yon ang katwiran ko dati. Kasi naman nakakatamad magbasa ng libro, ang daming nakasulat. Nakakatamad manuod ng Video nakakantok. So, ang dami nating dahilan. Kulang ang oras ko, mamaya na lang. Yung mga ganong dahilan. Yung mga libreng pdf nga sa internet hindi ko binabasa, paano pa kaya yang may bayad. Diba?
Kung baga hindi tayo naka focus sa pag build ng knowledge, naka focus tayo para lang kumita ng pera. Tingnan mo, mag research ka about sa mga milyunaryong tao kung tumigil na sila sa pag-aaral. Sila nga patuloy na nag-aaral para mas ma-improve at makasabay sila sa panahon, tayo pa kaya?
Kung ang product mo ay mga tangible products, nauubos yan once na binenta mo. At once na naubos bibili ka na naman ulit at maaubos na naman. Unlike sa knowledge na isang bilihan mo lang, lifetime mo na syang magagamit. Ang misconception kasi ng mga networkers, once na mag invest na sila sa product kikita na sila pagkalipas ng ilang araw, ilang linggo, ilang buwan ng limpak-limpak na salapi without building their knowledge. Maling mali diba?
Kailangan mo nang continues learning, ang learning hindi yan natatapos. Kung gusto mo talagang maging successful at makuha ang mga gusto mo sa buhay, patuloy at patuloy ka pa rin ang pag-aaral.
Noong mga panahon na nagsimula akong mag-aral about online marketing doon ko nalaman ang malaking pagkakaiba ng paid knowledge kumpara free knowledge.
Naniniwala ako na lahat na nasa Google at lahat ng information na gusto mong malaman ay free mo nang malalaman sa Google. Ang malaking pagkakaiba ng Paid knowledge ay organize ang mga training. Kung baga step by step mong malalaman yung mga information na kailangan mong malaman. Hindi katulad sa Free knowledge na, Yes malalaman mo at nasa Google na lahat pero maraming mga tutorial na minsan malilito ka dahil contradict sila sa isa’t isa, at minsan nga hindi talaga nagwo-work yon. Ang mahirap dito hindi mo sila matanungan kung sino man ang author ang gumawa nun. Hindi katulad sa Paid knowledge na pwede ka pa nilang i-mentor at magkaroon ng 1 on 1 coaching, pwede pa kayong mag-usap at pwede mo pang maiwasan yung mga hindi nagwowork. Ganun kalaki ang pagkakaiba ng paid at free knowledge.
Karamihan kasi ng mga tao ang katwiran e “Bakit pa ako bibili ng mga online course, ng mga audio book, ng mga eBook e Free lang yan sa Google.”
Ang tanong ko sayo,
“Bakit ka pa bumibili ng miniral water kung pwede ka naman pala kumuha ng tubig sa gripo?”
“Bakit ka pa bumibili ng mga gulay kung pwede ka naman pala mag tanim?”
“Bakit bumibili ka ng karne sa palengke kung pwede ka naman pala mag alaga ng baboy?”
“Bakit bumibilika pa ng lutong ulam kung pwede ka naman pala mag luto na lang sa bahay nyo?”
“Bakit kailangan mo pang bumili ng damit, pwede ka naman mag tahi?”
Bakit kailangan mo pang bumili?
Ano ang ibig kong sabihin? Binibili natin ang mga bagay-bagay dahil gusto nating mapadali, gusto nating mapabilis, mas maging convenience sa atin.
Kung baga kaysa i-risk mo ang sarili mo sa pag-inom ng tubug sa gripo, e, bibili ka na lang ng miniral water para alam mong safe tagala yon.
Kaysa magtanim ka ng gulay at hintayin ng ilang araw o buwan bago mo makain, e, bibili kana lang sa palengke.
Sa madaling salita, gusto natin mapabilis, madali at maging convenience satin ang mga bagay-bagay. Ganun din sa pagbili ng mga paid knowledge.
Kaysa magkaroon ka ng information overload dahil hindi mo alam kung ano ang uunahin mo at ano ang i-aapply mo, mas maganda diba na step by step mo na itong natututunan.
Karamihan ng mga bagong marketer, networker at nasa online business. Karamihan sa kanila ay mayroong background thingking. Katulad ng sa title ng Writin blog na ito, wala akong pera, paano ako mag iinvest sa knowledge? Background thingking yon.
Katulad, maggy-gym na lang ako kapag malaki na ang katawan ko. Kakain na lang ako kapag busog na ako. Diba? Parang sira lang, mag gy-gym kung kailan malaki na katawan? Syempre kailangan mo munang mag gym bago lumaki katawan mo. Katulad sa business, kailangan mo munang mag build ng knowledge at ng skills bago ka kumita ng pera. So, kailangan mo talagang mag invest sa knowledge mo bago ka kumita ng pera.
Kung nagsisimula ka pa lang sa ganitong insdustry, I recommend na mag invest ka sa knowledge about personal development, kasi nagsisimula ka pa lang. At pwede mo yung i-share sa iba para makapag attract ka rin ng same ng mindset mo.
Let me tell you, Bakit maraming nabibigo sa business?
Marami sa kanila kasi bago pa lang magsimula, may mindset na agad ng failure.
Bago pa lang magsimula, iniisip agad nila na “paano kung hindi ako kumita? Sayang naman ang perang inilabas ko.”
Ang nasa isip kasi nila na para maging successful ang business, kailangan walang failure. Iyan ang isa sa pinakamalaking pagkakamali.
A lot of successful business owners failed before they even got started.
Did you know that the late Steve Jobs (previous owner of Apple) was kicked out of his own company before Apple became successful?
Isa pang dahilan kung bakit maraming taong nabibigo sa business: Natatakot silang gumastos ng pera para sa kanila!
Akala nila na ang Capital ng isang negosyo ay para lamang sa mga supplies, rent, space, employee etc. Parte dapat ng capital sa isang negosyo ang paggastos para sa karagdagang kaalaman sa pagnenegosyo.
Bakit sa tingin mo ang Call Center Companies gumagastos ng isang toneladang pera para sa training ng kanilang agents?
In case you haven’t heard, Professional Regulation Commission (PRC) started implementing the Continuing Professional Development (CPD) Program. For all those professionals (Accountants, Nurses, Doctors, Engineers, Teachers etc.), they are now required to take CPD units before they can renew their licenses!
Ibig sabihin na ang government ay pinipilit ang mga professional para sumailalim sa pagsasanay whether you like it or not. Kung nais mong magpatuloy sa iyong profession, then kailangan mong sumailalim sa maraming training.
Katulad din nito sa business, kahit na traditional o internet business man yan kailangan mong sumailalim sa continue training.
Imagine this, kung nagsimula ka nang franchising business, example: Jollibee, nagkakahalaga ito ng million, don’t you think it’s only fair that you spend a few thousands on enrolling yourself in a course on “How to manage a restaurant business?”
Magri-risk ka ba na mawalan ng milyong-milyong peso sa isang negosyo dahil lamang sa natatakot kang gumastos ng libo-libo sa isang courses na makakatulong sa iyo sa isang business?
Dahil sa panghihinayang nila sa ilalabas na pera sa kanilang kaalaman sa pagnenegosyo, mas lalo pa silang nawalan ng pera.
At alam mo kung ano ang mas malaking nawala sa kanila bukod sa pera?
It is the missed opportunity to learn!
Dapat mong tandaan na ang iyong knowledge ay ang iyong biggest asset! Kung ano ang nilalagay mo sa iyong isip ay maaring magamit to create amazing things.
Sigurado ako na narinig mo na ito “What the mind can conceive and believe, it can achieve.”
Why do you think our parents wanted us to go to school in the first place?
Why do you think it takes 12+ years to finish elementary, another 2-4 years to finish college?
May kakilala ka bang skeptical o mga taong super negative sa business mo?
Kung may mga taong TAE (Taong Ayaw sa Entepreneur), mayroon namang TSAE (Taong Super Ayaw sa Entrepreneur). Nakakatawa diba?
Ang mga tae at tsae. Minsan natanong ko sa sarili ko, chinese ba ang mga tsae?
Pero habang nagninilay-nilay ako naisip ko bigla, ano kayang trabaho nila sa mundo? Bakit kaya patuloy pa rin sila sa pag hasik ng lagim ng negative sa mundo?
Hindi mo sila masisisi kasi sila yung mga taong sumara na ang pinto sa isip nila, na hindi na nila makukuha ang mga pangarap nila sa buhay sa pagiging isang entreprenuer. Hindi nila makita ang positive way dito.
Sila yung nga taong nabigo sa pagiging entrepreneur, nalulong sa negative thoughts, nasama sa mga netigatve thinker, nawalan ng pag-asa at sila yung taong gustong mag tagumpay pero hindi alam kung paano.
Kaya naman ang trabaho nila sa buhay natin ay ipasa ang negative energy na mayroon sila. At ang negative energy na yon ang magpapabagsak sa mga pangarap natin, sa kung anong gusto nating marating.
Trabaho nilang sirain ang isip natin katulad nang nangyari sa kanila.
So, paano ba natin malalabanan yon?
Simple lang, balewalain lahat ng sinasabi nila at wag pakinggan. Lagi nating isipin ang reason why natin at ang pangarap natin sa buhay.
Nakakalungkot isipin na may mga taong ganun pero wala na tayong magagawa don, hindi na natin mababago yon pero sa sarili natin kaya pa nating baguhin at wag mong hayaan na mabago yon ng negative energy.
Sabi nga, mag focus sa bagay na kaya nating baguhin at yon ay ang sarili natin.
Kaya kung may nagsasabi na hindi mo kaya, ipakita mo na kaya mo.
Kung may nagsasabing hindi ka magiging successful, ipakita mo na successful ka.
Kung may nagsasabing hindi mo kayang kunin ang pangarap mo, ipakita mo na kaya mo.
Kung may nagsasabi sayong hanggang diyan kana lang, ipakita mo na hindi.
At hindi mo yon ipapakita sa kanila, ipapakitamo yon sayo. Ipakita mo yon sa sarili mo at hindi sa ibang tao.
Ang Affiliate Marketing ay hindi madali katulad ng sinasabi ng ibang Guru.
Walang magic push button para maging isang successful sa ganitong industry, walang 3 step system ang kailangan mo lang gawin para maging milyonaryo.
Ang affiliate marketing ay isang business model at katulad din ng ibang business, tumataas ito at tumabaa. Mayroong magagandang araw at mayroon namang hindi.
Sa kabila ng lahat ng ito, ang affiliate marketing ang isa pa rin sa pinakamadaling negosyong simulan kung saan ang income potential nya ay unlimited. Kailangan mo lamang malaman at sundin ang process kung nais mong maging matagumpay.
In this post, pag-uusapan natin ang 4 common Problem ng mga Affiliate Marketer at paano ito mao-overcome para magawa mong maging smooth ang iyong business. Kahit na ikaw ay nagsisimula pa lang sa affiliate marketing o matagal mo nang ginagawa ito pero nahihirapan ka pa rin, ito ang mga challenges na mai-experience mo na makaka effect sa affiliate marketing business mo. Ready ka na ba?
Ang make money online industry ay polluted na nang mga scam at maling impormasyon.
Karamihan ng mga tao ay gustong makapag quit sa kanilang trabaho, magkaroon ng extra income, makaalis sa buhay may utang, maafford nila ang magkaroon ng magandang vacation, travel o magkaroon ng kotse. Ang mga scammer ay alam nila kung paano nila makukuha ang atensyon ng kanilang prospect, magbigay ng maling impormasyon at fake income results para magkaroon lang ng sales.
Pero mayroong mga fair amount of legitimate places online na nagbibigay ng tamang impormasyon para sa mga tao o para kumita sila sa ng pera online.
Karamihan sa nakaranas ng ganitong problema ay sila yung mga taong nabibigyan na ngayon ng tamang kaalaman pagdating sa affiliate marketing. Kung mayroon ka nang alam sa affiliate marketing at ngayon hindi mo ma-achieve ang gusto mong results sa pamamagitan ng sarili mong effort maaaring maranasan mo rin ito.
Ito ang paraan para makuha mo ang tamang impormasyon na kailangan mo nang sa ganun makuha mo na ang hinahangad mong income results sa pamamagitan ng affiliate marketing.
Para magtangumpay ka dito, ang kailangan mo ay impormasyon na makakatulong sayo para ma-build ang iyong long term business – information na malinaw sayo, step by step, relevant and timely. Hindi mo kailangan ng isang miracle information na magbibigay sayo ng success sa pamamagitan ng single method.
Kung babasahin mo itong aking website, malalaman mo na only e-Skulahan ang pinipromote ko dahil in my view, ang training dito ay para sa gustong kumita at malaman ang tamang strategy sa affiliate marketing. Dahil dito nakapag quit na ako sa trabaho at nagkaroon ng time freedom dahil sa product ng e-Skulahan.
Once na pumasok ka sa affiliate marketing, ito ang pinaka challenge na mararanasan mo – ang makuha ang first commission mo.
Para sa karamihan, mas pinaniniwalaan nila na para makuha mo ang first commission mo ay kailangan maniwa ka na ito ay wo-work. May iba naman na naniniwala na ang buong make money online ay isang malaking scam at hindi nila maisip na kaya nilang kumita sa ganitong industry.
Ang bawat isa ay magkakaiba talaga ng way of thinking at dito matutukoy kung kailan at gaano kabilis mong makukuha ang first commission mo. If you believe na hindi mo kayang kumita sa ganitong industry, malamang na tama ka. Dahil kung ano ang way of thinking mo ganun din ang result ng action mo.
Marami akong nakilalang mga marketer na hindi nila makuha ang first commission sa first month at mayroon naman na nakukuha na nila ang first commission nila in just 1 week dahil sa pagsunod nila sa training. Mayroon namang mga marketer na wala talaga silang nakuhang commission sa entire journey nila at sila ang mga taong nag quit ng mabilisan.
Ang reality is it takes time at kailangan mo nang consistency para makuha mo ang first commission mo katulad ng ibang business.
Maaring mahirap makuha ang isang taong walang interes sa make money online at paniwalain sila na ang ginagawa mo ay maaring magbigay ng financial freedom. After all ang affiliate marketing ay hindi pinaka conventional career na pipiliin mo o business venture.
Maaaring ang family mo o close friends mo ay skeptical at hindi nila maintindihan ang ginagawa mo. Madalas ito ang sinasabi nila:
“Hindi magwo-work sayo yan!”
“Mahirap yan!”
“Maghanap ka nang magandang trabaho!”
“Scam yan, hindi ka kikita dyan!”
Yan madalas ng malimitan na maririnig mosa taong hindi sumusuporta sayo. Ang common objection na ito ay maaring madala sayo sa pag Quit at iwanan ang ganitong industry.
Kung nakakaranas ka ng ganitong challenges ang kailangan mong gawin ay isipin kung bakit mo ginagawa ito, ano ba ang gusto mo? At ano ang kailangan mong gawin para makuha mo ang iyong goals. Sabi ng. “Acknowledge the pressure and move forward.”
Related Blog Post: How To Deal With Dream Stealers?
Ito ang kailangan mong i-overcome dahil kapag hindi mo ito naintindhan kung paano nagwo-work ang niche marketing mahihirapan kang kunin ang first commission mo.
Noong unang pumasok ako bilang isang Affiliate Marketing nahirapan din ako sa pag-unawa ng niche marketing hanggang nakita ko ang e-Skulahan. Bago ko naintindihan ang critical piece na ito para maging successful, nagsimula muna akong mag promote na walang sinusundan.
Sa totoo, maaring kang kumita online sa kahit anong product. Pero ang niche marketing ay isang product na nagbibigay ng solusyon sa isang problema ng tao.
So, kailangan na maintindihan mo kung ano ba ang niche at ano ang problema na kinakaharap ng prospect mo na kailangan mong pagtuunan ng pansin para hanapan ng solunsyon.
Dahil dito maaring magbukas ang pinto ng isang buyers kung saan naghahanap sila ng solusyon sa kanilang problema.
For example, maraming taong nag-iisip na ang weight loss niche ay laos na. Pero hindi. Kailangan mo lang malaman ang tamang angle para tumaas sa search engine ng product mo. Kapag hindi mo naintindihan ang niche marketing, maaaring ang keyword mo ay “how to lose weight” o “how to diet” at mapapansin mo walang pumapansin sa product mo.
Pero kapag naintindihan mo naman ang niche marketing ay maaaring ang maisip mo karamihan na hinahanap ng prospect ay mismong ang product. Katulad, “acai berry to lose weight” or “does the Calorie Switch Diet work”
So kung gusto mong umangat sa mga bagong marketer, ang kailangan mo ay hanapin ang tamang niche at alamin kung ano ba ang common problem ng prospect.
Ito ang 4 common Problem ng mga Affiliate Marketer at paano mo ito mao-overcome.
Maghanap ng isang bagay na maaring magwork sayo at paghirapan ito. Kailangan mong mag commit sa isang bagay na magbibigay sayo ng iyong goals.
How do you find something that works?
Marami sa buhay na dumaan sa atin na ang reality ay hindi tugma sa mga ini-expect natin. Naalala ko dati noong nasa elementary level pa lang ako, noong simula kong mag-aral na mag play ng guitara. Ang expectation ko ay madali ko itong matututunan at makakapag play agad ako ng magagadang kanta.
Then the reality, na-stuck ako na pag-aralan ng mga chords na mahihirap dahil hindi pa kaya ng mga daliri ko. Ilang buwan ko ring pinag-aralan yon para magawa kong makapag play ng isang kanta, pero nag quit na rin ako na mas matuto pa.
Noong high school naman ako naalala ko na na sumali ako sa C.A.T. (Citizen Army Training) at maging isang officer dahil idol ko dati ang father ko na isang retired Marines. My expectation noong ay hahawak ako ng isang grupo na papamunuan ko, makikilala ako at irerespeto. But the reality is nag quit ako maging isang C.A.T. officer dahil ayaw kong sumusunod ako sa mga utos na ayaw kong gawin. Naging mahirap para sakin yon.
Noong nakapasa naman ako sa board exam as Registered Master Electrician, my expectation ay magkakaroon ako ng safe, secured job na mayroong magandang benefits at magkaroon ng balanse sa aking trabaho at sa aking buhay. Then, reality hit. Dahil kailangan kong mag trabaho ng mas mataas sa walong oras sa isang araw para lang kumita ng malaki, hindi ko rin nagagawa ang mga bagay na gusto kong gawin at hindi rin ako makapag-ipon.
I’m sure na mayroon ka ding sariling kwento na nangyari sayo na ang reality ay hindi tugma sa ini-expect mo. At sa mga oras na yon, may dalawang bagay lang tayong kailangang gawin.. either na magpatuloy tayo o mag quit tayo.
Paano kung hindi ako nag Quit na mag-aral mag play ng guitara? Siguro isa na ako sa magaling mag play ng guitara ngayon or isa na siguro akong guitar musician. Kung hindi ako nag Quit sa C.A.T., baka isa na rin akong sundalo ngayon at tinutupad ang isa sa pangarap ko dati at pangarap din ng father ko na may sumunod sa yapak nya.
Ang punto dito ay kung sino sa atin ang may kakayanan na mag decide na magpatuloy na gawin ang isang bagay ay ang mas madaling makakakuha ng skills at mga achievements na hindi nagagawa ng karamihan. Ang Network Marketing ay walang pinagkaiba dito. Kapag nagsimula ka sa ganitong negosyo kailangan na hindi ka mag-expect na mapabilis ang iyong results o kumita ng mas malaki.
So, wag kang gumawa ng mga goals na hindi attainable, kailangan lang ay ang level of commitment at hard work na karamihan ng tao ay ito ang sina-sacrifice. Pero ito ay walang pinagkaiba sa kahit anong bagay na pinili natin. Sa tingin ko lahat naman ay may kakayanan na ma-achieve ang kanilang gusto kung pipilitin natin na makuha ito.
Halimbawa, isang basketball fanatic… Alam nya ang stats ng bawat player sa bawat team, nakikinig sya sa bawat galaw ng bawat team at ina-analyze nya ang bawat laro, alam nya lahat ng bawat offensive and defensive plays, hindi nya pinapalagpas ang bawat laro kahit previous o post game man yan. At alam nya ang bawat maliliit na detalye tungkol sa lahat ng bagay pag dating sa basketball.
That takes dedication. Imagine na kung parehong tao ang nagbigay ng parehong halaga ng work at passion sa kahit anong bagay… Isang new college degree, natutong mag trade ng stock, natuto sa real estate investment at sa network marketing. Siguro mawawala na ang doubt mo na ang isang tao ay magiging successful na hindi nakukuha ng karamihan.
Sa Affiliate marketing, kailangan nating gumawa ng desisyon kapag nakita mo na ang reality. Kapag na-realize mo na magiging mahirap ang gagawin mo kaysa sa ini-expect mo. Kailangan nating mag decide kung magbibigay tayo ng time at effort o pipiliin natin na mag quit?
Lahat ng tao ay gustong makuha ang mas nabilis at mas magandang resulta, pero iilan lang ang willing na magbigay ng hardwork para makuha ito. Pero kung willing kang gumawa ng action at effort na hindi willing ang karamihan, makukuha mo ang gusto mong makuha para sa sarili mo na hindi kayang kunin ng iba.
So, kung hindi mo pa nakukuha ang results o achievements na ini-expect mo dito sa Network Marketing Business, ang tanong na kailangan mong sagutin ay: Ano ang desisyon mo? Magku-quit ka ba, o mag de-decide kang magbigay ng hard work na hindi naibibigay ng karamihan?
I hope may nakuha kang useful information in this post.
Nasubukan mo na bang may makausap na tao na kahit anong gawin mo ay hindi nakikinig sayo.
Kung baga, kung may natatanong kung “Open-Minded ka ba?”
Mayroon din namang taong gusto nating tanungin kung “Close minded ka ba?”
Eh paano naman hindi pa tayo nagsisimula binabara na tayo kaagad.’Yun taong masyadong advance mag-isip kaya naman kahit hindi ganun ang ibig sabihin, may iba na silang meaning.
‘Yung mga taong walang alam satin o walang idea sa mga sasabihin natin cni-criticize na tayo.
Sila yung ayaw mag isip from “Outside the Box” – ‘Yung tipong alam lang nila ang daat masunod, kapag hindi nila gusto ang sasabihin mo hindi ka nila pakikinggan hanggang sa huli.
So, ano ba ang gagawin mo kapag nakakasalamuha tayo ng sarado ang isip?
Alam mo kapag pinersonal mo ang ganyang mga tao, ikaw din ang maistress at sasama ang loob mo, baka tumaas pa BP mo dahil sila yung kapatid ni Megatron, si Negatron.
Sila yung nagsasabing “Ayoko hindi naman totoo yan“, “Sus, nagpapaniwala ka dyan“, “Hindi ako interesado dyan.”
Kahit gaano kaganda ang at gaano pa kabait ang mag sinasabi natin wala silang pakiala dito.
Siyempre kapag nareject tao, sasama lang loob natin. Kaya dito natin kailangan yung kasabihang, ipasok sa isang tenga, labas sa isa. Labas lang sa isang tenga dapat.
Kung sya ay si Negatron na kapatid ni Megatron, tayo dapat nasa linya tayo ni optimus prime. We should remain Positive kahit anong mangyari.
wag nating hayaan na madala tayo sa mga taong gatulad nila at mahawaan ng mga negativity nila. Maraming mga bagay o tao ang mas makakapa bigay satin ng masaya at positibong bagay.
Surround mo na lang ang sarili mo sa mga taong katulad mo mag-isip, yung mga taong handang makinig sayoat dapat handa ka rin makinig sa kanila.
Ang mga taong sarado ang isp ay may dala-dala silang mga masasakit na salita na pwedeng makaapekto sa pag-iisip mo o sa emotion mo.
At kung ang conversation ninyo ay masyado nang hindi maganda, foul na magsalita at parang hindi na natin gusto ang sinasabi nila.
Walk Ayaw! Tama na! Sobra na! Grabe na!
Hindi worth it ang pakikipagtalo lalo na sa mga taong hindi naman marunong makinig at rumespeto sayo.
Kaysa masaktan at mainsulto, tayo na lang ang umiwas. Hindi masama yon.
Iwasang makipagtalo sa mga taong sarado ang isip dahil kahit anong gawin ikaw at ikaw lang ang magiging talo.
Sa mga nakalipas na taon, marami akong nakilalang mga taong ayaw nilang mag invest sa kahit anong paraan. Para sa maraming tao, ang dahilan kung bakit ayaw nilang mag invest sa ano mang bagay ay dahil sa kakulangan nila sa kaalaman o natatakot silang magkamali at ang mga bagay na ito ay pwedeng pwede nilang mabago.
Pero meron akong mga nakausap at nakasalamuhang mga tao na ayaw nilang magsimulang mag invest.
Ito ang actual reason nila kung bakit mas pinili nilang wag mag invest ng pera.
Kung ikaw ang taong baon sa utang ngayon, siguro sa palagay ko ang investment ay hindi para sayo ngayon. Pero madaling mag simulang mag invest kahit na maliit lang ang kinikita mo.
Mayroong mga investment katulad ng mutual fund na pwede kang makapag start sa maliit na halaga. O pwede kang mag start ng business opportunity para mapataas mo pa ang pera mo sa maliit na halaga.
Pero mas mahalaga na pag-aralan mo muna bago ka pumapasok sa investment o sa business opportunity.
Ang pinaka mahalaga mong kailangang tingnan ay ang iyong income at ang iyong gastos. Kapag mas mataas ang gastos mo kaysa sa income na pumapasok sayo, maniwala ka sa hindi kahit malaki ang kinikita mo mahihirapan kang makapag simulang mag invest.
Maaaring wala kang perang pang invest dahil maliit ang kinikita mo, pero kung babaguhin mo kung paano ka mag-isip at hahanapin ang lifestyle na pwede mong alisin sa buhay mo na maaaring mas nagpapaliit pa ng pera. I think ito yung way to save money and start to invest for your future.
Kung mayroon kang extra money ito ang pinaka best to invest in something, kaysa gumastos sa mga bagay. Ang pag iinvest ay pwedeng mapataas ang pera mo. Ang physical product ay bumababa ang halaga habang tumatagal. Pero hindi ko sinasabi na lahat, meron mga bagay na mas tumatas habang tumatagal katulad ng real estate na pwede mong gamitin to earn more money.
But in general, mas magandang piliin ang pag iinvest kaysa sa pagbili ng bagay o gamit, ang investment ay pwedeng magbigay sayo ng mas magandang bunga in a long run. Sa katunayan, ang ilan sa mga successful people na kumikita ng malaking halaga ay nabuhay din below their means at kaya nakapag simula silang makapag invest.
Ito ang reason ng karamihan kung bakit ayaw nilang mag invest at hindi din pumapasok sa isip nila ang kahalagahan ng mag iinvest. Pero kung titingnan natin mas magandang mag invest ng bata pa. Mas maaga kang mag iinvest, mas maaga ang bunga na makukuha mo.
Imagine nag simula kang mag invest o pumasok sa business opportunity ng 40 years old at kumita ka ng iyong first million pagkalipas ng sampong taon. Ano ang mas magagawa ng 50 years old vs sa 30 years old ka nang kumita ng first million mo. Imagine that!
Ang ibang mga tao ang tingin nila sa investment ay isa lang gastos dahil hindi sila totally educated sa mga ganitong bagay. Kung titingnan mo ito ang best time para makapag simulang mag invest dahil ikaw ang may kakayanan to save money at meron kang regular na pumapasok na pera buwan buwan, at pwede mo pa itong palaguin sa pamamagitan ng pag iinvest.
Kung ikaw ay, sabihin natin na mapalad sa buhay dahil pinagkalooban ka ng mayamang pamilya at meron kang guarantee para umasenso pa. May ibang mga tao na kapag alam na nila na may kakayanan ang magulang nila na gawin silang wealthy, hindi na sila gumagalaw para sa kanila.
Mayroon akong kilala na mayaman ang mga magulang nya, at later on, sa hindi inaasahan naaksidente ang magulang nya. Siya naman yong tipong kampante sa buhay na meron sya. Kaya noong nangyari yon hindi na nya alam ang gagawin. Pero ngayon mayroon na syang sariling restaurant dahil sa paghihirap nya sa buhay.
Isa sa tumatak sa isip ko na sinasabi nya sakin, “Take control your own finances and life. And invest in something that you love.”
So, ito ang 5 silly reasons kung bakit ayaw ng isang taong mag invest.
Mayroon ka bang alam na silly reasons na naexperience mo? Comment below kung may mga naranasan ka o narinig na mga silly reasons o yung mga walang kwentang rason.
Kahit na sa ayaw o sa gusto mo, lahat tayo ay gustong maging matagumpay sa buhay. Sino ba naman ang may gusto na maging isang failure o maghirap.
Pero mayroong mga habit na noon pa ginagawa na natin, o nakuha natin sa ibang tao na pumigil para kunin ang gusto natin sa buhay, o pumipigil para maging successful tayo.
Mayroong 7 Bad Habits na kailangan nating alisin sa buhay natin para maging matagumpay tayo o para makuha natin ang gusto nating marating sa buhay.
Ang negative thinking ay nagbibigay sa atin ng negative emotion kaya ito ang pumipigil sa atin para magkaroon ng positibong buhay, o magandang buhay.
Kailangan nating ma-control ang ating way of thinking. Dahil kung hahayaan nating pumunta ang ating isip sa natural way, mas maiisip natin ang mga negative na bagay kaysa sa mga positibo.
Bakit?
Dahil mas naattract natin ang negative energy ng universe kaysa sa positive energy. Kaya kung papansinin mo, bakit puro negative news ang pinapalabas sa balita? Simple lang, dahil mas madaling maattract ng tao ang negative energy.
Katulad kapag ag aapply ka ng trabaho, ano ang mas iniisip mo? Diba yong, “Baka hindi ako matanggap sa trabaho”.
Kung sa business, “Paano kung malugi ako?”, “Paano kung di ako kumita?”
So, kailangan nating i-train ang isip natin to think positively. Mas kailangan nating makita ang brighter side ng mga bagay bagay
Mayroon ka bang mga kakilala na ang laging bukang bibig ay ang kanilang past?
“Dati ganito kami.”
“Noon hilig natin pumunta sa ganito.”
“Dati nakakapag ipon ako.”
“Alam mo bang mayaman kami dati?”
“Dami naming kotse dati.”
Alam mo, ang pag-usapan natin ay ngayon. ‘Yong present. Wag nating pag-usapan ang past, pag-usapan natin ngayon.
Alam mo bang kapag mas naka focus tayo sa past ay pinipigitan nito ang mas magandang pwedeng mangyari ngayon o sa mas magandang hinaharap.
Kung laging nasa isip mo ang iyong past ito ay pwedeng makapag dulot sayo ng stress o pagkabalisa. Sabi nga nila, ang nakaraan ay nakaraan na lang.
May ibang mga tao na palaging naninisi ng ibang tao kung bakit hindi sila successful, kung bakit mahirap sila, kung bakit bla bla bla… dahil sa mistake ng ibang tao.
Minsan ba nasabihan kana na, “Dahil sayo hindi ako nakapasa.”
“Sinira mo ang mga pangarap ko.”
“Dahil sa gobyerno kaya ako mahirap.”
Ang paninisi ng ibang tao ay makakapag paalis ng kasiyahan sayo., ng iyong potential, ng iyong future. Instead na isipin mo ang masasamang nangyari sayo, bakit hindi mo isipin o mag focus ka sa present, sa pwede mong gawin ngayon. Be action-oriented, be proactive.
Isipin mo ang pwede mong gawin. Mas focus ka sa mga bagay na kaya mong i-control. Kaysa mag-isip ng mga problema, mag-isip ka ng mga solusyon sa problema mo.
Sabi nga sabi ni Chinkee Tan sa kanyang Facebook Live, “If you do not want to face the problem, you won’t be able to solve the problem.”
Halosa karamihan sa atin, kahit ako dati, gusto natin na lahat kaya nating i-control sa buhay natin. Sa halip na ma-control natin ang mga bagay-bagay, hindi natin napapansin na tayo ang kino-control.
Gusto nating baguhin ang isang sitwasyon pero sa totoo hindi natin kayang baguhin ang isang sitwasyon overnight.
Sabi nga, “The harder we try, the more stressful we become.”
Kung may bagay tayong kayang i-control, ito ay ang ating sarili.
Kailangan nating tanggap ang mga bagay-bagay, tanggapin ang mga bagay na hindi natin kayang baguhin, maging matapang sa pangtangap nito at subukang i-tama ang mga maling nagawa.
Di ko alam kung meron kayong kilala na sa bawat nakakausap mo ay laging nagrereklamo. ‘Yong tipong kapag wala silang trabaho, lagi silang nagrereklamo na mahirap maghanap ng trabaho. Kapag meron namang trabaho, ang sasabihin madaming trabaho.
Mag bigay ka ng mas madaming effort para maiwasan mo ang magreklamo.
Ang pagiging mareklamo ay pwedeng makapa bigay sayo ng kalungkutan o dissapointed o pagiging victim ng isang bagay na ikaw lang ang may gawa. Ito rin ay makakapag bigay sayo ng negativity sa buhay mo.
Lagi mong tandaan na kailangan nating mag invest ng ating oras na tayo ay magpapasalamat.
Meron ka bang mga kilalang mahilig mag excuse?
Bakit ka late? TRAFFIC
Bakit hindi mo natapos ang trabaho mo? MADAMI KASI E
Bakit wala kang kita sa business mo? MAHIRAP KASI E
Bakit wala kang ipon? MALIIT KASI SAHOD KO E
Wag mong isakatwiran ang iyong mga mali. Tanggapin mo na mayroon kang mali at pagkukulang. Mag take action at baguhin ang mga bagay na kailangan mong baguhin.
Kung lagi tayong nagbibigay ng excuses? Hindi tayo mag go-grow. Mag i-stay tayo kung nasan man tayo.
At alam ko na ayaw mong ma-stuck sa ganyang sitwasyon.
Sa totoo lang, hindi natin mapi-please ang lahat ng tao. Mayroong mga taong kahit anong gawin mo may masasabi at may masasabing masama sayo.
Ito ang reality. Kahit ako, kahit anong share ko o kahit anong gawin kong mabuti, meron at merong mga taong may masasabi sakin.
And I don’t care. Wala akong pake kung baga. Dahil as long as merong nakikinig sakin, merong naniniwala sakin na kahit isang tao lang, na dahil sa mga sini-share ko at mga sinasabi ko kaya kong baguhin ang buhay nya. Hindi ako magsasawang gawin ito.
Kung patuloy na sinusubukan mong i-please ang mga taong nasa paligid mo, mga taong hindi mo gusto para magustuhan ka? Ito ay mauuwi sa disappointing.
I hope you enjoy reading this article about the 7 bad habits you need to eliminate.
If you like my article, give some comments I would love to chat with you and also give my opinion about your comment.
Kung magtatanong ka sa tao “Who are them?”, maririnig mo ang sagot nila ay job description.
“Nagtatrabaho ako sa ganitong company.”
“I am a project manager.”
“I am a copywiter.”
“I design software.”
“I am a Teacher.”
O anumang iba pang similar version.
Ito ay dahil hindi tayo nagbigay ng oras para kilalanin ang ating sarili.
Nagsimula tayo sa adult life na nagtatrabaho para sa ibang tao o para sa ilang dahilan. Kaya naman, ang sarili natin parang umiikot na lang kung anong trabaho natin at nakakalimutan na natin kung sino ba talaga tayo.
Ang pagsisikap na sagutin ang tanong na “Sino ako?” ay isang magandang simula para kilalanin kung sino tayo o kung anong gusto natin sa buhay.
At maraming tanong na pwedeng mag open sa atin:
Ano ba ang skills ko?
San ba ako nabibilang?
Ano ba ang purpose ko?
Ano ba ang kailangan kong baguhin?
Ano ba ang maganda at hindi magandang pagkakilanlan ko?
Paano ba ako mas magiging mahusay na ako?
Anong mga tao ba ang kailangan nakapalibot sakin?
Anong kailangan kong gawin para matuto para mas maging mahusay na tao?
At the end, hindi mo makukuha ang lahat ng kasagutan, pero ang ilang hinahanap mong sagot ay makakatulong ng marami.
For example:
As a leader, ikaw ay makakapag bigay ng inspirasyon sa iyong team. At maging isang taong kanilang pagkakatiwalaan.
As a professional, malalaman mo ang iyong week points. Makakaya mong solusyonan ang iyong weak point o makakahanap ka ng taong pupuno sa butas na yon.
As a friend or relative, magagawa mong makatulong sa ibang tao.
As a human being, mabubuhay ka ba may kahalagahan. Ang mabuhay ng isang buhay na mabuti, ang oras na hindi sinayang.
So, ikaw, kung tatanungin kita, sino ka ba kaibigan?
It was Thursday night and once again the panic set in. Wala kasi akong naka ready para sa Friday Morning, kung saan madalas akong nag a-upload ng Video.
My excuse? Life. Nakauwi kasi ako ng 8pm ng thursday ng gabi at nang nagsimula akong gumawa ng script for my next Video, talagang blanko. Gumagawa kasi ng writen blog o script for my video madalas umaga dahil don ako nakakapag-isip ng maayos.
Napaisip lang ako bigla. Hawak ko naman pala ang oras ko. Walang boss na nag-uutos sakin. At kayang kaya kong baguhin ang schedule ng paggawa ko ng content at literally no one will care.
Medyo nakakatawa lang dahil kayang kaya ko naman pa lang baguhin ang schedule ko pero nararamdaman ko pa rin ang panic. Nai-stress pa rin ako dahil hindi ko nagawang makapag post ng Content. But seriously, hindi lang yan nangyari ng isang araw lang. Madalas nangyayari yan sakin simula pa noong nagsimula akong gumawa ng content. At dahil ang pag gawa ng content is all about consistency, kapag binago ko ang schedule ko ng madalas, game over na. Doon na nagsisimulang tumigil ang mga readers ko na magbasa, nag-a-unsubscribe na ang mga subscriber ko dahil hindi na sila nakaka tanggap ng update about my blog or my video, at doon na magsisimulang masira ang pangarap ko.
Medyo dramatic ba?
Kaya ito yung dahilan kung bakit binago ko ang schedule ng pag gawa ko ng content na sa tingin ko ay best para sakin, na makakapag post ako ng consistent.
Ngayon, kung hindi mo magawang maka relate sa mga sinasabi ko dahil wala kang blog o wala kang youtube channel, ito ay literally na pwede mong i-apply sa lahat ng parte ng business o sa iyong pang sariling buhay o gawain.
Meron bang mga bagay o task na nagparamdam sayo ng panic dahil hindi mo natapos gawin? Then alamin mo kung bakit kaya hindi mo natapos yong task na yon at baguhin mo yung isang bagay na pumipigil sayo para tapusin ang task na ginagawa mo.
Alam ko na hindi lang ako ang nakakaranasan nito. Hindi ibig sabihin na kumikita ako gamit ang computer o cellphone ko ay maganda na ang epekto nito sakin. Marami ding mga pagkakataon na ang pag gamit ko ng computer at cellphone ay may masamang epekto sakin.
Isang reason kung bakit hindi ko matapos ang gawain ko sa loob ng bahay, katulad ng paglinis ng bahay ay dahil nauunahan ako ng pag gamit ng gadget. Naranasan mo na ba yon, pagkagising mo ay ang unang hawak mo ay cellphone. At dahil unang hawak mo na ang cellphone nakakalimutan mo na ang mga bagay na kailangan mong gawin. ‘Yong first task mo.
Negative effect na kasi yon once na ang first task mo hindi mo nagawa. Kung baga sunod-sunod na yon hanggang natapos ang buong araw na wala kang nagawa.
Kung napanuod mo ang Documentary Video ni Tony Robbins “I Am Not Your Guru”, makikita mo doon kung gaano sya ka-insane sa morning routine nya, nag wo-work-out sya, tumatalon sya sa malamig na pool at nagninilay nilay sya.
Nong napanuod ko yon talagang na-amaze at sino ba naman ang ayaw matulad sa milyonaryo? diba?Pero para sakin, I hate morning. Magkaroon ng freedom na matulog at gumising ng natural ay isa sa pinapangarap ko. As a employee, talagang sino ba naman hindi gusto ang gumising na hindi pilit, diba? Nararanasan lang natin yon kapag day-off natin or holiday. Sino ba naman ang ayaw na magkaroon ng freedom na ganun? Pero ngayon na nakapag quit na ako sa trabaho, mayroon na akong freedom na gumising ng kahit anong oras. Pero mayroon akong terrible habit na pagkagising sa umaga, I check my phone, go to my laptop and working non-stop until my stomach rumbles, at minsan sumasakit na yung ulo ko dahil nakalimutan ko palang kumain.
So, ang ginawa ko dahil hindi nga ako ‘yong morning person, parang ganun. I’m going to set my alarm for 8 am each day, then do the following:
Then, ayon. And start my workday around 9am or 10am depende sa gawain ko sa bahay. Pero maximum ko na ang 10am.
So, ikaw? Ano ba ang ginagawa mo para ma-balance mo din ang iyong buhay at ang iyog business o workplace?
Kung ikaw naman yung tipong hindi productive, ibig sabihin mas matas yong time mo sa walang gawain. Kung baga nanghihinayang ka sa oras na wala kang ginagawa at gusto mo rin maging productive.