Narinig mo na ba itong quotes na ito; “Winners make it happen; Losers let it happen.”
Kung gusto mong maging isang winner, i-adapt mo ng attitude ng isang winner.
But the problem, ayaw nating gawin ang attitude ng isang winner kasi mas madaling gawin ang attitude ng isang losers.
Ngayon, allow me na sabihin sayo kung ano ba ang negative effect ng negative attitude.
Ang excitement natin sa simula ay hindi mahalaga kung mayroon tayong negative attitude. Sisirain at kakainin nito lahat ng mga pangarap mo sa buhay.
Halos karamihan talaga satin ganito, sa una lang magaling, sa una lang gumagalaw kasi hindi pa nade-develop ang kanilang positive mentality.
Tandaan mo na kung hindi ka naniniwala sa future mo, wala rin mangyayari sa present mo. Pero kung mayroon kang paniniwala sa future mo, kung ano man ang ginagawa mo ngayon sa present mo, mangyayari at mangyayari yon.
Sabi nga, kayang makapag survive ng tao ng 40 Days na walang kinakain, 3 days na walang tubig at 8 minutes na walang oxygen. Pero hindi mo kayang mag survive kahit ilang segundo kung wala kang hope.
Kapag nakisama tayo sa mga taong negative mag-isip, lalabas kang negative thinker din. Sabi nga, kung anong thought ang ini-entertain natin sa isip natin, pumapasok ito sa entire system ng thinking process natin.
Ang tanong, ano ba ang pinapasok mo sa negative o positive thoughts?
The more na nakikisama sa mga taong negative, the more na tataas ang possibility na magiging katulad ka nila.
Subukan mong mag stay sa pagiging positive o makisalamuha sa mga taong positive mag-isip pero ano bang mangyayari kapag patuloy kang makikisama sa mga negative na tao?
Aalisin nito ang mga kaya mong gawin at hindi maniwala sa kung anong gusto mong marating. Mafi-feel mo na exhausted ka at depressed. Kung hahayaan mong tumagal ka sa mga taong ganito, wou will end up just like them.
Karamihan na mayroong negative thinker, ito madalas ang maririnig mo sa kanila.
“Hindi ito magwo-work sakin.”
“Hindi ko kaya yan.”
“Mahirap yan.”
“Hindi para sakin yan.”
“Napakamal ng training.”
“Walang maidudulot saki yan.”
Kapag pinuno natin ang isip natin ng mga negative thoughts, dito na papasok ang Law of Expectation.
Kung i-expect mo na mayroong hindi magandang mangyayari, then yan mismo ang mangyayari; pero kung i-expect mo na may magandang mangyayari, yan ang saktong mangyayari.
Be careful lang sa mga pinaniniwalaan natin kasi yon mismo ang pwede nating makuha.
Walang taong gustong maging negative. Wala pa akong nakikilalang mga taong sina-sabotage nila ang mga pangarap nila o ang goal nila.
Hindi lang tayo aware na kagagawan ito ng nature. Pero sa kasamaang palad, kapag mayroon kang negative mentality, sinisira mo na rin ang mga pangarap o gusto na dapat kinikuha mo na ngayon. At maraming tao ang katulad nito.
So, kung ang negative mentality ay nangwawasak ng mga pangarap, then ang positive mentality naman ay nagbubuo nang mga pangarap. Alisin mo lang ang mga negative thoughts mo at palitan mo ito ng mga positive thoughts.
LET US FOCUS OUR ATTENTION ON POSITIVE THINKING.
Ang strategy ay isa sa key element to success kung baga without strategy maliit ang percent na makuha mo ang success na gusto mo.
Karamihan ng mga tao natatakot na mag fail, siguro wala namang taong gustong mag fail. Kung nai-experince mo ito, hindi ka nag-iisa.
Personally, nai-experience ko din ang pakiramdam na ito, specially noong nagsisimula pa lang ako dahil hindi ko pa alam ang gagawin ko. But I realized, hindi ako dadalhin ng takot ko sa gusto kong marating. The more na iniiwasan ko ang takot na yon, the more na magffail ako. So, kailangan kong harapin ang takot na ito.
Anong kailangan mong gawin kung nararansan mo din ito? Well, kailangan mong pumili sa dalawa, wala kang gagawin at gayahin ang nakakarami; o gumawa ka ng action at maging angat sa iba.
Sa tingin ko mas magandang option yung pangalawa.
Para ma-overcome mo ang takot mo sa pagiging failure…
YOU JUST HAVE TO GO AND TRY.
The moment na hindi ka gumagalaw, the momen na hindi mo tina-try, nagiging failure kana non.
Marami kang na-miss na opportunity, time at experience na dapat nalalaman mo na.
Hindi dini-define ng failure ang isang tao dahil isa lang itong event sa buhay natin.
Unfortunately, ang failure ay pre-requisite para sa success.
Hindi ka magsa-succeed kung hindi mo mararanasan ang pag-fail.
So, ito ang isa sa ideas kung paano ka magiging angat sa iba.
Isa sa best ways para maging isang strategic ay to THINK DIFFERENTLY.
Sa madaling salita, wag kang gaya-gaya , puto-maya.
Wag kang tumingin inside the box, mas maraming strategy outside the box.
Ano ba ang ibig sabihin ko kapag sinabi kong tumingin inside the box?
Makikita mo itong isang thinking ng isang nagsisimulang marketer o wag na tayong lumayo kahit sa traditional business mapapansin mo ito.
Tinatary nilang i-copy kung ano ang ginagawa ng isang tao at nagddagdag sila ng mga strategy kung anong saktong dinagdag noong pinagkupyahan nila.
Kahit sa traditional business ganito din ang nangyayari, kung anong ginagawa nong malaking company ganun din ang gagawin nong sngsisismula sa traditional business.
Instead na i-try mong i-improve kung anong ginagawa nong competitors mo o bakit hindi ka gumawa ng something na mas unique?
Kung isa ka sa gumagawa ng ganitong strategy, nakafocus ka o nakatingin ka lang inside the box.
Natatandaan mo ba ang unang litson manok? Diba “Antok’s” yon?
Unang pearl shakes naman ay ang “Zagu”.
Kung mapapansin mo noong lumabas ang andok’s at zagu marami nang gumaya kung anong ginagawa nila. Medyo nakakatawa pero ang malungkot
nakatutuhanan, karamihan sating mga Pinoy ay mahilig lang mangopya sa iba.
Kung gusto mo nang resulta na wala sa iba, mag-isip ka ng kakaiba na hindi pa nila nagagawa.
Best example dito ay APPLE. Kung papansinin mo gusto nila kakaiba sila. Halos lahat ng Cellphone Brand ay naka android pero APPLE lang ang hindi gumaya kaya naman mayroon silang kakaibang resulta, sila na ang ginagaya ngayon.
IF YOU WANT A DIFFERENT RESULT, THINK DIFFERENTLY.
If it is too challenging to become wealthy, it is more challenging to become poor. – Chinkee Tan
Maraming mga tao ang punong puno ng mga dahilan kung bakit sila mahirap, kung bakit sila maraming utang at kung bakit sila hindi makapag simula ng business. Katulad,
“Wala akong puhunan.”
“walang magandang opportunity o walang dumarating na opportunity.”
“Wala akong pinag-araan o hindi ako nakatapos nang pag-aaral.”
“Wala akong kakilalang marunong mag negosyo.”
Marami tayong dahilan kung bakit hindi tayo successful sa buhay.
At the end of the day, mayroon lang tayong siguradong kailangan gawin sa buhay natin, either we make money or we make excuses. Pumili ka sa dalawa.
If you choose to make money, kailangan nating malaman na ang kakulangan sa pera, opportunity, education at connection ay hindi ang pinkaproblema para maging successful tayo. It is lack of KNOWLEDGE!
Ano ang solusyon?
Kailangan mong magkaroon ng bagong kaalaman about how to become wealthy, how to become successful in business or kung paano ka magiging isang matalinong entrepreneur.
Karamihan sa atin gustong makuha ang goals sa buhay. Sino ba naman ang hindi? Pero ang malaking tanong bakit hindi ba natin makuha ang goal natin?
Simple because hindi natin alam kung paano. Karamihan sa atin hindi talaga naituro kung paano ang proper goal-setting technique at walang kahit anong school ang nagtuturo dito.
Alam mo ba ang pinaka kalaban natin ay ang ignorance, yan ang nagi-stay satin sa takot at kahirapan kung bakit hindi mo makuha ang goal mo. Sabi nga,
“The less you know, the less you do. The less you do, the less you can achieve.”
So ano ang kailangan mong gawin? Pag-aralan kung paano mo makukuha ang goal mo.
Kailangan mong magpatuloy na magbasa ng mga libro at mag attend ng mga training.
Hindi ko sinasabi dito na bumalik ka sa pag-aaral. Maraming mga resources ngayon ang pwede mo ng pagkunan at malaman ang proper goal setting.
Maraming mga video at mga live webinar na nagtuturo about dito.
Invest in education. Hindi education na babalik ka sa college at mag-aaral ng course. Basically ang ituturo lang sayo sa karamihang school ay kung paano maging empleyado. Hindi ako tutol sa education system natin pero yan ang reality.
Invest in education na pwede mong makita sa mga mistakes at experience ng mga successful people. Yan ang pinaka best teacher na magtuturo sayo about real life at real success.
OBSERVE!
LEARN!
STUDY!
Magbigay ka ng effort para maalis ka sa pagkakakulong ng pagiging ignorance. Sa pagiging walang alam sa tunay na buhay,sa tunay na nangyayari.
Online business ang isa sa pinaka magandang business na simulan ngayon. Pero maraming small online business owner ang nag i-struggle sa pagdating sa pag bi-build ng kanilang business online. Kaya naman marami pa ring nagqu-quit sa ganitong business kahit na malaki ang kanilang pwedeng maging income kapag nakuha nila ang right strategy.
Marahin ngayon nagtatanong ka kung ano ba dapat ang kailangan mong gawin? So, ito ang ilang Tips na pwede mong sundan para mag stand out at makatulong para makuha mo ang iyong goals.
Ito ang isa sa mga hindi makuha ng mga small business owner or marketer. Mayroon kang magandang produkto or mayroon kang sapat na supply pero hindi mo makuha ang iyong income goal dahil wala kang audience, halos walang mga taong nakakita ng product mo.
Maraming paraan kung paano ka makakapag build ng audience:
Isa sa pinaka gustong quotes galing sa isang Legenday entrepreneur na si Zig Ziglar;
You will get all you want in life, if you help enough other people get what they want.
Ang teaching at coaching ay kilala bilang isang profession noon, pero pagdating ng 21st century, maraming businesses ang gumawa ng ganitong strategy para maka earn ng customer trust at ng malaking sales.
Alamin mo kung ano ang problema ng iyong target market, concern and issues para magawa o mapusisyon mo ang iyong product na isang best solusyon sa problema nila.
It’s actually pretty amazing na marming taong nagta-ttry na magsimulang ng online business pagkatapos nilang marinig na ang online business ay isang magandang business ngayon o kaya naman simula nang ma involve sila sa isang online training program na nagsasabing madaling yumaman sa online business.
Kung hindi mo alam kung ang gagawin mo at ang tanging mayroon ka lang ay positive mindset sigurado ako na hindi ka magtatagumpay. Kailangan na malinaw sayo kung ano ang iyong goal at take time to understand exactly kung ano ang gagawin mo.
Hindi magandang pakingan na ang pinasok mo ay hindi ka magtatagumpay pero ito ang totoo. To be successful kailangan na mayroon kang malinaw na plano sa mga gagawin mo.
Once na mayroon ka nang malinaw na plano at pinatupad mo na ito, alamin mo kung anong mga bagay na nagwo-work at hindi. Maraming advice na pwede kang makuha online o sa coach mo, pero testing ang pinaka magandang paraan para malaman ito. Try different strategy and try different approach from time to time.
Kapag nalaman mo na, na may isang bagay na tumatakbo ng maganda, try mo ito ng 30 Days. Salain mo ang iyong proseso at i-improve mo ang mga parte ng iyong plano na hindi nagwo-work.
“Ginawa ko naman ang lahat ng sinabi nila pero bakit sila lang ang kumikita?”
Problema mo rin ‘yong tipong si upline lang ang kumikita ng malaki sa business pero ikaw zero cha-ching(commision) pa rin haggang ngayon?
Ramdam kita friend! ‘Yong araw-araw kang nag aattend ng training, ‘yong sinusunod mo naman lahat ng sinasabi ni upline, ‘yong gumagastos ka para sa mga invite mo para sa i-present ang business, at ‘yong aabsent ka sa trabaho para lang mag attend sa mga paid training na wala ka naman nakuha kundi power-power pa rin.
Pero sa lahat ng naranasan natin friend, sasabihin ko sayo na wala sa kanila ang problema. Wala sa upline mo, wala sa training at wala sa mga power ranger mong kasama na tumatambay sa office buong magdamag.
Alam mo kung nakanino ang problema?
NASA IYO FRIEND!
Hindi kita sinisisi kung bakit wala ka rin income hanggang ngayon. Pero the problem is, hindi mo makita ang sarili mo dahil sa iba ka naka focus.
Ano ba ang ibig kong sabihin?
Kaya hindi ka pa kumikita ngayon dahil hindi mo makita ang sarili mo na nag i-improve sa ginagawa mo. Napaka importante sa isang marketer na katulad mo na nag i-improve tayo every single day. Paano ka mag i-improve kung iba ang tinitingnan mo?
Kung nababasa mo ito ngayon, siguro ito na ang tamang oras para tigilan mo nang tumingin sa iba, tumingin sa upline mo at tumingin sa mga taong kumikita sa business nila. Simulan mo nang tingnan ang sarili mo.
May kasabihan nga,
FOCUS ON YOUR OWN SHIT!
Sabi nga, ang pagkukumpara sa iba ay hindi makakatulong sa pag improve ng pagkatao mo at lalong hindi yan makakatulong sa pag i-improve mo ng iyong skills. Yes! hindi masamang gawing motivation pero kung walang naitutulong sayo ang pag tingin sa mga resuls ng ibang tao, sa tingin ko hindi yan motivation.
Plain and simple.
QUIT comparing yourself to others.
Alam ko mas madaling sabihin kaysa gawin, pero kung ang behavior na ito ang sisira sa mga activities mo at pipigil sa iyong success, sa tingin mo hindi mo ba ititigil na tumingin sa iba?
Isang reason kung bakit kumikita ang mga top earner sa company mo ay dahil may alam sila na hindi mo pa alam.
So, kaysa mag compare ka sa iba bakit hindi mo i-focus ang sarili mo sa pag build ng knowledge. May iba’t ibang level tayo ng pag-aaral. Kung beginner ka pa lang, focus in your personal growth. Kung may mga leads of prospect kana focus on how to answer objection and how the proper asking question. Kung kumikita kana, focus more on leadership and duplication.
Ito ang napakahalagang bagay para makuha mo ang iyong success. Kailangan lagi mong ina-analyze ang iyong results positive o negative man yan para alam mo kung ano ang kailangan mong alisin, at ano ang kailangan mong itira na mga strategy.
Remember that, FOCUS ON YOUR OWN SHIT!, BUILD KNOWLEDGE FIRST AND ANALYZE YOUR RESULT.
“Paano ba magkaroon ng qualified prospect sa networking business mo?”
Ito ang sa problema na kinakaharap ng mga networker kung paano sila makakakuha ng mga positive prospect o qualified prospect sa networking business nila.
Noong nasa offline marketing pa ako as a networker, marami din akong naranasan na mga rejections. Karamihan ng mga napapakitaan ko ng business opportunity ay mga negative pagdating sa networking. I struggle a lot and I felt na hindi ito ang industry na para sakin.
Pero noong natutunan ko yung isang strategy kung paano ako magkaaroon ng mga qualified prospect doon na ako nagsimulang kumita.
Kung gusto mong magkaroon ng good prospect, you should learn how to qualify your prospect.
Paano ba yon?
Pag sinabing qualify is not prejudging. Yung tipong sasabihin mo na,
“Hindi ito ang hinahanap ko.”
“Itong isa ito mukang mayaman ito ang i-invite ko.”
“Ito kaibigan ko iinvite ko ‘to.”
“Ito may pera to, ito wala.”
“Ito yon, huwag siya.”
Hindi ganun ang tamang pag ku-qualify ng prospect.
Alam mo bang sa ganitong type ng business, hindi lang sa network marketing business but in sales. ‘Yung mga taong ini-expect mong bibili ng product mo o sasali sayo ay hindi talaga sila yung sumasali o bumibili.
Kung sino pa ‘yong mga hindi mo inaasahang bibili o sasali sa business mo ay sila pa ‘yong nagjo-join o bumibili ng product mo.”
Parang nakakapag taka diba?
Pero kailangan na hindi ka magsayang ng oras sa mga maling tao o unqualified prospect. Meaning, the single most wasteful thing ay ang makipag usap sa taong hindi naman interesado sa product o services na inooffer mo, o kaya naman unqualified sila sa business mo.
Like for example,
Nagbebenta ka ng burger, pero ang binebentahan mo ay ‘yung mga taong katatapos pa lang kumain. Imagine na may bibili pa kaya sa kanila?
O kaya naman nagbebenta ka ng sabon na Gluta, pero ang binebentahan mo ay ‘yung mga taong mapuputi na. Isipin mo kung bibili pa kaya sila ng Gluta mo.
O sabihin natin na ang start up ng business opportunity mo ay P12,000, ang afford lang nila ay P4,000.
So, kahit anong pilit mo sa kanila kung busog naman sila, kung mapuputi naman sila o hindi nila afford yung mataas na start up ng business, hindi sila lalabas ng pera.
Para magkaroon ka ng good prospect ay kailangan na matuto ka ng mga qualifying questions. Alamin mo muna kung ano ang kailangan ng prospect mo, baka naman kasi ang gusto ng prospect mo ay ang business opportunity kung paano kumita pero naka focus ka sa product. So, kahit anong pilit mo sa product, e kung gusto nilang marinig ang kitaan hindi ka nila papakinggan at baka hindi na sila mag join sayo.
Ask question, “Bakit kayo nagkainteres sa business?“, doon mo malalaman kung sa product o sa opportunity sila naka focus. Then doon mo na i-present ang gusto nilang malaman.
Then, kailangan mo ulit mag ask ng questions pagkatapos mong i-present ang product o business opportunity. Then itanong mo kung, “Ano ang pinakanagustuhan mo sa presentation o sa video?”
Then doon muna i-qualified yung prospect, gamitin mo ang reason why o ang mga pinaka nagustuhan nila sa presentation.
Example: (Disclaimer – Hindi sa lahat ng oras effective itong script. Depende ito sa pag-uusap nyo ng prospect mo.)
Script: “Okay, magkano naman po ang kaya nyong i-invest para (use the reason why) matulungan nyo ang family nyo para (ano ang nagustuhan nya) possible nyo din pong magawang kumita ng P100,000 per month.”
Kung hindi naman niya afford ang price ng business opportunity mo. Pwede mong itanong sa kanya kung,
Script: “Ang price po ng product namin ay P12,000, kaya nyo bang gumawa ng paraan (use the reason why) para matulungan mo ang family mo?”
Kung hindi, tapusin mo agad ang pag-uusap pero mag-iwan ka ng possible na pwede nya pang magawa ito.
Script: “Okay po, sa tingin ko po hindi ito para sa inyo ngayon. It’s not necessary na bumili kayo ngayon. Pero naniniwala po ako na pwede nyong gawin ito sa mga susunod na araw. Kung dumating po ang araw na yon, I’m willing to guide and help you sa business.”
Sa paraang yon, binigyan mo sya ng paniniwala na kaya nya at willing kang tulungan sya.
Kung hindi qualified ang prospect, wag nyong awayin o sabihan masama dahil siguro ngayon hindi pa sya ready pero baka sa mga susunod na maging ready na sya. Kung sinabihan mo sya ng masasama, 100% na hindi na sya sasali sayo o kaya naman magiging negative na sya sa networking business.
Kaya maraming nahihirapang mag invite at magkaroon ng qualified prospect dahil hindi nila alam ang tamang paraan ng pagtatanong at pagsasagot.
Kung ikaw ang tatanungin, kailan ba dapat magsimulang magnegosyo? Kapag nag retired kana ba? Kapag marami kana bang pera? Kapag malakas na ba ang loob mo? Yan madalas ang pumapasok sa isip natin. Pero kailan nga ba dapat magsimulang pumasok sa pagnenegosyo?
Dapat habang maaaga pa, habang bata pa nag aaral na tayo hindi mo na kailangan na hintayin pa ang retirement o magkaroon ng malaking pera bago ka mag simula, sabi nga “It takes time to learn.” Process siya. Halimbawa, wala kang pera kaya hindi ka makapag umpisa mag negosyo pero ngayon nagkaroon kana ng pera, ang malaking tanong, ALAM MO BA kung paano?
Parang ganito lang yan, gusto mong magkaroon ng sasakyan, so, kailan ka ba dapat matutong mag drive? Bibili ka muna nang sasakyan saka ka mag-aaral o mag-aaral ka muna bago ka bumili ng sasakyan?
Ano sa tingin mo ang tamang proseso?
Imagine na hindi kapa marunong mag drive, ano kaya ang kakahinatnat ng kotse mo, diba? So, kailangan mag-aral ka muna bago ka bumili ng sasakyan.
Parang sinabi mo na ring kakain ako kung kailan busog na ako. Magy-gym ako kapag malaki na ang katawan ko.
Meaning kailangan mo munang kumain para mabusok, kailangan mo munang mag gym para lumaki ang katawan at kailangan mo munang mag-aral mag drive.
Same concept sa pagbi-business, ang priority mo ay mag-aral bago ka pumasok sa business then mag trial ka muna. Ano ba yung trial? Simulan mo sa maliit, example buy and sell o sabihin natin kung sa online ka affiliate marketing.
atulad sa sasakyan, kailangan mag trial ka muna, mag-aaral ka, mag rerent ka ng kotse para sa pag-aaral mo. You take a calculated risk kung baga.
Kapag bihasa kana, kapag confident kana sa pagbebenta at nakakuha kana ng enough na experience, then doon kana magsimula ng sarili mong negosyo.
Matuto ka muna bago ka mag-umpisang magnegosyo.
Lahat tayo gusto natin guminhawa ang buhay. Gusto natin magkaroon ng business opportunity. Pero sa totoo lang ang isa sa pumipigil satin para magsimulang mag negosyo ay ang tinatawag na FEAR, ang takot.
Takot saan? Takot tayo sa Rejection, takot tayo sa failure, takot tayo kung magwo-work ito o hindi, at higit sa lahat natatakot tayo na malugi.
Gusto mo bang maalis ang takot na nararamdaman mo pag dating sa pagnenegosyo?
Most of the time kasi yong na nararamdaman natin ay yong takot na baka hindi mag work sa atin yong business na yon na gusto mong pasukin.
Like for example, pagpasok mo sa isang kwarto na madilim, diba madalas natatakot tayo. Iniisip natin kung “ano kayang nasa loob ng kwartong ‘to?”, ano kayang pwede nating makita, baka may multo, mga ganung pag-iisip. Para matanggal ang takot natin na yon, diba ang gagawin mo ay bubuksan mo ang ilaw. Kapag maliwanag doon na naaalis yong takot mo, diba? Wala namang dapat katakutan kasi maliwag na.
Ganun din sa pagnenegosyo, para hindi ka matakot na pumasok ulit sa pagnenegosyo, sa online business o sa mlm business o sa kahit anong marketing business pa yan, kailangan na mag aral ka muna, matuto ka muna, magtanong ka muna sa mga expert sa bagay na ganun. May kasabihan nga tayo,
To avoid fear of failing the business, learn the business first.
Learn from your mistake then ang unang hanapin mo ay kung paano mo magagawang madaming makakita ng business mo using proper advertisement o proper traffic strategy. Kasi kung gagawin mo na naman ulit kung ano ang ginagawa mo dati malamang sa malamang mag fi-fail kana naman ulit.
So, kailangan mo munang alamin yung way how to promote your business. Kasi kung alam mo na ang formula sigurado ako na magtatagumpay ka. Ang formula pala ay hindi lang sa maganda ang product at benefits business mo, ang formula pala ay dapat alam mo ang iba’t ibang way of proper promotion or proper attraction.
So, unang kailangan mong gawin ay;