Furious businessman throws a punch into the computer
“Ilang buwan na ako sa business pero hindi pa rin ako kumikita.”
“Ginawa ko naman ang lahat pero bakit parang walang nangyayari.”
“Dapat na ba akong lumipat ng ibang business?”
Ilan lang yan sa mga concern ng ating mga kapatid na nasa business. At kung susumahin natin, karamihan sa mga taong ito ay tumutigil at nawawalan na ng gana sa pagnenegosyo.
Yung iba bumabalik sa pagiging empleyado, yung iba naman naghahanap ulit ng bagong negosyo at yung iba naghahanap ng paraan para maging maayos ang kanilang existing na business.
Bago ka pa ma-frustate sa matumal na sales, bakit hindi muna natin tingnan ang mga dahilan kung bakit hindi tayo makapag benta.
Check Your Foot Traffic or Website Traffic
Isang mahalagang bagay sa isang business ay ang magkaroon ng foot traffic or website traffic o mga taong papasok at makakakita ng mga product mo. Kapag hindi nangyari yon, walang posible na may bumili ng product.
No Traffic, No Sales!
Mahalagang maraming tao at highly accesible sa mga commuters ang pwesto. Kung nasa Online naman ang business mo dapat ito ay nakaka attract sa paningin pa lang ng tao at merong kang tamang tools na ginagamit.
Maaari mo ring suriin ang oras o tinatawag na peak hour sa pag popromote ng iyong product.
Upgrade Your Marketing Strategy
Wag kang ma-kuntento sa pag post lang ng product o services mo at pagpopromote lang. Baka kailangan mo ring subukang mag upgrade like for example, pag gawa ng Video o simulang gumawa ng Paid Ads at iba pang strategy na makakatulong upang tumaas ang business traffic mo.
Subukan mo ring maghanap ng isang mentor na makakatulong sayo at sa pag assess sa mga pwede pang iimprove sa iyong marketing strategy na ginagamit.
Move On and Start Over
Karamihan sa mga taong nagsisimula pa lang magnegosyo ay nai-stuck sila sa frustration. Dahil hindi nila makuha nang ganun kabilis ang kanilang goals o hindi pa nila nakukuha ang gusto nilang income results. Kaya naman they straggle hanggang sila ay mapanghinaan ng loob at mag quit. Ang labas, they FAILED.
Kung nakakaramdam ka ng frustation o negativity kailangan mong tumigil nang panandalian at magsimula ulit kung saan ka nag simula.
Kailangan mong mag MOVE On at magsimula ulit.
Sabi nga LET Go, Move On and Start Over and Over Again.
Hindi natin makukuha ang ating goal hanggang hindi tayo natututo sa buhay.
Sa buhay kailangan mong mag fail at yung failure na yon magagamit mo as your advantage para maging successful at makuha ang iyong income result.