Noong nasa Offline Marketing pa ako marami akong nakakausap na tao, karamihan sa kanila hindi na naniniwala sa mga sinasabi ko kasi minsan na silang nabigo kaya ayaw na nilang mabigo ulit.
Yung tipong ibinaon na nila ang pangarap nila sa lupa. Kahit anong Power ang gawin mo, kahit anong sikap mo at kahit binigay mo na ang best sa kanila wala pa ring nangyayari.
Ito ang problema sating mga Pilipino, kapag nabigo tayo ayaw na nating sumubok ulit.
Kulang na lang nga magtutumbling ka para mapansin ka lang at makuha mo atensyon nila. Pero may ilan na ninakaw na ang pangarap nila. Marami ang may gustong mabago ang buhay pero may ilan na sa kanina ang hindi na naniniwala, yon yung tinatawag na zombie.
Naaawa ako sa mga taong ganun, makikita mo punong puno sila ng potential pero hindi na sila naniniwala. Mawala na ang lahat wag lang ang paniniwala at pangarap.
“Bakit pa ako mangangarap e wala namang nangyayari?”
“Ayaw kong maging mayaman kasi ang hirap maabot.”
Isinuko na ang bandera kahit hindi pa tapos ang laban.
Mahirap naman kasi bumangon galing sa pagkabigo. Okay lang naman magpahinga panandalian wag lang magpahinga ng pang habang buhay.
Kung ano man ang nangyare sa past, ilagay na lang natin ito sa past. Mahirap kapag walang pangarap. Buksan mo ang pangarap mo at simulan mong kunin ulit.
At wag kang mawalan ng pag asa.
Go! Get you dreams.
Feel and Think
- Hahayaan mo bang nandyan kana lang kung nasan ka?
- O susubukan mong kunin ang pangarap mo ngayon?