Napakahirap mag ipon, alam mo ba yon? Lalo na kung kaliwat kanan ang mga tukso, nandyan yung mga sales sa mga mall, yung nakita mo yung friend mong magtatravel na naman sa ibang lugar, may bagong labas na gadget at sarit saring tukso. Hindi mo talaga maiiwasan ang gumastos.
Madalas ang pinakamahirap na bagay sa pag-iipon ng pera ay ang magsimula. Alam mo kung bakit? Dahil mahirap malaman kung ano ang mga simpleng paraan sa pagtitipid at kung paano gamitin ang iyong naipong pera para makuha ang financial goal mo. Kaya naman ang step by step guide na ito sa money-saving habits ay makakatulong para madevelop ang realistic saving plan mo.
Ang unang step sa pagtitipid ay ang malaman kung magkano ang iyong ginagastos. Kailangan mong subaybayan ang mga bagay na iyong pinagkakagastusan. Kapag alam mo na ang data sa iyong expenses, kailangan mong i-organize by categories tulad ng monthly bill (rent, water, electricity & internet bill), gas kung meron kang sasakyan, groceries at yung total amount na natitira. Isama mo rin yung credit and debit card mo dito. Kung ang banko ay online naman, pwede mo ditong makita ang itong statement para malaman mo ang iyong ginagastos.
Kapag alam mo na ang total na gastos mo buwan-buwan, maaari mo nang ayusin ang iyong expenses sa isang magandang budget. Dapat ang iyong expenses ay hindi lalagpas sa monthly income mo, upang ma i-plano mo ang iyong pag gastos at limitahan ang overspending. Bilang dagdag sa monthly expenses mo, siguraduhing alam mo ang iyong expenses na dapat regular na nangyayari pero hindi buwan-buwan, katulad nang tuition fee, car maintenance at iba pa.
Kapag nakapag buo kana ng budget, gumawa ng saving category. Subukan mong alisin ang 10-15% nang iyong income at gawin itong savings. Kapag mas mataas ag iyong expensive kaysa sa income mo dahilan nang hindi ka makapag ipon o makapag tira ng 10 -15% ng iyong income, subukan mong balikan ang expenses record mo. Hanapin ang mga hindi mahalagang bagay na pwede mong alisin para mabawasan ang iyong expenses, katulad ng panunuod ng sine, pagkain sa labas, at iba pa.
Isa sa magandang paraan sa pag-iipon ay ang mag set ng isang goal. Simulan mong pag-isipan kung para saan ang iyong pag-iipon – kahit ano, katulad ng down payment ng iyong bahay na gusto mong bilhin – pagkatapos alamin mo kung gaano katagal mong pag-iipunan yon, set a time frame kung baga.
Ito ang halimbawa ng short-and-long term goals;
Short Term Goals
Long Term Goals
Matapos ang iyong expenses at income, ang iyong goal ay magkakaroon ng malaking epekto sa kung paano ka makakatipid ng pera. Siguraduhing alam mo ang iyong long-term goal – mas mahalang magplano sa iyong retirement kaysa sa short-term na pangangailangan mo. Mga priority na goal ay mgabibigay sayo ng malinaw na idea kung paano ka magsisimulang magipon.
Kung mag-iipon ka para sa iyong short-term goals, kailangan mong i-consider ang paggamit ng PDIC-insured deposit accounts:
Para sa Long-term naman:
Halos lahat ng mga banko ay nag ooffer ng automated transfer between sa iyong checking at savings account. Maaari mong piliin kung kailan, kung magkano at kung saan magta-transfer ng pera, o kahit hatiin ang iyong direktang deposito sa pagitan ng iyong checking at savings account. Automated transfer ay magandang paraan para makapag tipid ng pera dahil hindi mo na kailangan isipin ang tungkol dito, at mababawasan ang tukso ng pag gastos.
Tingnan mo ang iyong progress sa bawat buwan. Hindi lamang para matutukan ang iyong personal savings plan kundi para mabilis mong malaman at maayus ang mga problema.
Sana ang simpleng paraang ito sa pagtitipid ay magbigay sayo ng inspirasyon para magsimulang mag-ipon at makuha ng iyong goal ng mas mabilis.
“Traditional marketing is telling the world you’re a rock star, content marketing is showing the world that you are one.” – Robert Rose Nalaman ko ang dalawang strategies kung saan client feel “I need they help” or “They need my help”. Ito ang tinatawag na “Content Marketing vs Traditional Marketing” Kung […]
Quotes: “Once you replace negative thoughts with positive ones, you’ll start having positive results.” Mas madalas mo bang naiisip ang mga diffifulties, failure and disaster? Mas naiisip mo ba ang mga negative na napapanuod, nababasa at napapakinggan mo? Nakikita mo ba ang sarili mo na nahihirapan at walang kakayahan na mabago ang buhay? Madalas mo […]